Chapter 14: Preparation Week

45 15 0
                                    


Yumi's POV

This is it! Preparation week na at walang klase buong week pero busy kami, lalo na ako as a president madaming task yung napunta sakin pero to the rescue naman ang mga kaibigan ko para tulungan ako.

Today is tuesday means ngayon ang audition ng Melody club.

Noong saturday maghapon kaming nagpractice sa condo ni Justine at yung sunday ay pahinga namin at family day din namin.

Nandito kami sa bahay namin para dito maghanda at mag ayos para sa audition mamaya, 7am palang pero kailangan na naming mag ayos dahil 10am ang audition, nag volunteer si ate na ayusan kami since mamayang 1pm pa daw ang klase niya.

Nauna niyang ayusan si Nozomi kaya hinanda ko nalang muna ang susuotin namin, hindi naman bongga ang suot namin, ang samin ni Yumi ay checkered skirt na black na hanggang kalahati ng hita namin with silver chain belt at sa pang itaas ay turtleneck longsleeve fitted crop top na pinacustomized namin ang tatak na kulay silver "TRIYU MINE" at tinernuhan namin ng black boots na may 3inch heels, while si Justine ay fitted black jeans na may chain belt din at black longsleeve na may tatak din na "TRIYU MINE" at tinernuhan ng men's black boots.

Natapos ng ayusan si Nozomi kaya ako naman ang sumunod.

Nang matapos akong ayusan ay si Justine naman na nilagyan lang naman ng konting foundation at nilagyan ng wax ang buhok at inayos.

Ang ayos namin ni Nozomi ay parehas lang mapagkakamalan nga kaming kambal eh dahil pareho kaming may bangs hahaha, parehas kinulot ang dulo ng mahaba naming buhok at pinony ang kalahati na ginawang parang ribbon, nakaladlad ang bangs namin at may mahabang hairstrand na kulot sa dalawang magkabilang gilid, ang kinulot na dulo ay nilagyan ng silver hair spray, yung make up namin ay hindi ganun kakapal. Nagbihis na kami.

Nang ready na ay nagpaalam na kami na pupunta na sa school.

Pagdating namin sa VVU madami kaming nakita na mga nakahanda na din para sa audition. Nagtataka siguro kayo kung bakit audition palang naman ay kailangan na naming magcostume/outfit ng pangmalakasan, kasama kasi sa criteria yon kailangan ay malakas ang impact sa audience ng mga mag aaudition para dun palang alam ng patok sa mga manonood.

Kinakabahan na ako, nandito na kami sa gym dahil dito gaganapin ang audition, nasa backstage kami at lalabas kami sa stage kapag tinawag na yung pangalan namin or yung pangalan ng band namin. May mga solo performer at group performer. Nanlalamig na yung kamay ko dahil sa kaba, baka pumiyok ako mamaya nakakahiya madaming tao.

"Let's all welcome the 'Triyu Mine'!!" pagtawag samin ng emcee ng turn na namin.

"Goodluck guys! Fighting!" pang chicheer ni Nozomi, tumango lang kami ni Justine at lumabas na. Pumwesto na si Nozomi sa piano at si Justine naman ay sa guitar, ako naman ay dumiretso na sa mic stand. Pumikit ako at nagdasal saka bumuntong hininga.

"Let's give them around of applause!!" energetic na sabi pa ng emcee.

Nagsimula ng magtipa sa piano si Nozomi na sinabayan ng pagstrum ni Justine. Hinintay kong matapos ang Intro at nagsimula ng kumanta.

Hiling by Silent Sanctuary

Minsan, 'di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag-iisa
Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako?

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin, pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso

Parang kulang nga
Kapag ika'y wala

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

Alaala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin?

Nasa'n ka na kaya?
Aasa ba sa wala?

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo
Patungo sa iyo

Ipipikit ko ang aking mata
Dahil nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilalayan
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo
Patungo sa iyo

Napapikit sa huling verse. Nang matapos ang kanta ay napahinga ako ng malalim bago dumilat, unti unting lumakas ang palakpak at hiyawan ganun din ang walang tigil na pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Napatulala ako habang nakatingin sa crowd na mga nagwawala na animoy sobrang nasiyahan sa performance namin.

Natapos ang audition ng araw na iyon at kinabukasan pa makikita sa bulletin ang mga nakapasok sa audition.

Nang araw din na iyon ay napagpasyahan kong magready ng isusubmit ko sa Photography club dahil gusto kong maexhibit ang mga sample ng gawa ko noong mga nakaraang taon.

*kinabukasan*

Ngayon na malalaman kung sino ang mga nakapasok sa audition at kinakabahan kami sa resulta. Bago namin tingnan ang resulta sa bulletin ay sinamahan muna nila ako sa Photography club para isubmit ang sample ng kuha ko. Mangha pa din sila pero hindi ko na pinansin dahil baka binobola lang ako hahaha.

Nang maisubmit na ay umalis na kami, tulad ng Melody at Viva dance club kinabukasan din makikita ang resulta kung nakapasok o hindi.

Papunta na kami sa bulletin board at nasa gitna namin ni Nozomi si Justine na nakaakbay samin, mas matangkad siya samin kaya sigurado akong pagkakamalan tong kuya namin HAHAHA.

Madaming tao ang nasa bulletin board pero nagsitabi sila ng makita kami kaya nagtaka kami, dumiretso kami sa mga papel na nakapaskil at hinanap ang resulta ng audition. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na natulala ng makita namin ang nakaprint sa papel.

List of Newest Member of Melody Club

Group Performers Rank

Rank 1: Triyu Mine
Rank 2: Extraordinary
Rank 3: LoudBeats
Rank 4: Majesty
Rank 5: Fourain

Solo Performers Rank

Rank 1: Crisha V. Buenaflor
Rank 2: Jeremiah G. Valdez
Rank 3: Gillian M. Garcia
Rank 4: Matthew B. Colin
Rank 5: Amber H. Flores
Rak 6: Beatrice C. Nagum
Rank 7: Jessie Laine Z. Lira

"OMYGOODNESS!!" sigaw ni Nozomi at niyakap ako.

"Nakapasok tayo at rank 1! I can't believe it!" natutuwang sabi ko.

Nag group hug kaming tatlo dahil sa sobrang tuwa. Nagcelebrate din kami sa isang restaurant at pinagplanuhan na din namin ang gagawin naming performance para sa 'Intra-high' pinag usapan na din namin ang magaganap na elimination ng pageant sa friday dahil kasali si Nozomi don. Sinabi ni Nozomi na yung family make up artist nila ang magmemake up sakanya at nagpapatulong nalang siya samin para mamili ng isusuot sa elimination, hindi pa naman kailangan ng gown dahil shorts wear palang naman ang kailangan sa elimination pero dahil supportive kami kailangan maging bongga ng isusuot ni Nozomi kahit pa shorts wear lang yan.

Nang matapos kaming kumain at mag usap usap ay napagdesisyunan na din naming umuwi para magpahinga.

--------------------------------------------

Keep Voting!

Keep Supporting my story!

Thankyou Readers!

Your support will be highly appreciated!

~Chingcheeks

                   Continue Reading...

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon