Chapter 15: Pageant Elimination

39 10 0
                                    


Yumi's POV

Naging masaya ang mga nakaraang araw, kahapon pa nga ay sobrang lakas ng ulan nung pauwi kami kaya naisipan naming maligo hahaha. At friday na ngayon at hindi maganda ang pakiramdam ko pero hindi ko na sinabi sa kanila dahil baka sa pagod lang to o baka dahil sa pagligo namin sa ulan kahapon. Ngayon ang pageant elimination, tinutulungan lang namin si Nozomi na maghanda para mamaya dahil sa gym din ito gaganapin at maraming manonood mamaya din agad ang announcement ng mga makakapasok sa pageant na gaganapin mismo sa araw ng 'Intra-high'. Nandito kami sa office ng tita ni Justine which is yung principal, pinayagan niyang dito kami maghanda since may private room naman dito na parang mini sala, nandito din ang mommy ni Nozomi kaso wala ang daddy niya dahil may inaasikasong business sa Japan.

Nga pala natanggap ako sa Photography club kaya sobrang saya talaga ng week na to kahit preparation week palang, nakakaproud lalo at alam kong proud ang pamilya at kaibigan ko sakin.

"Yumi tara muna kaya kumain? Hindi ka pa kumakain eh" pag aaya ni Justine. Nakaupo nalang kami dito dahil inumpisahan ng lagyan ng make up si Nozomi at inaayos na din ng assistant ng make up artist yung buhok niya. Kanina naman ay niready namin yung isusuot niya.

"Busog pa naman ako mamaya nalang maaga pa naman" medyo matamlay na sabi ko.

"Hoy siraulo ka! Anong maaga pa?Mag aalas dose na babae! Hindi ka pa din na uumagahan! " medyo galit kunwari na sabi niya.

"Hehe mamaya nalang" sabi ko naman.

"Teka nga ah may napapansin ako sayo" sabi niya na tinitigan ako at nakahawak pa yung kamay sa baba niya na animoy nag iisip.

"Ano? Para kang tanga haha" sabi ko na medyo natatawa.

Lumapit siya sakin at akmang hahawakan ang noo ko pero umiwas ako at tumayo saka pumunta sa likod ng mommy ni Nozomi na nakatayo sa tabi kung saan nandon ang isusuot ni Nozomi.

"Tita oh" sumbong ko kunwari.

"Hoy wala akong ginagawa sayo" pagtanggi niya wala pa naman akong sinasabi kaya natawa ako.

"Hindi ko po yan inaano tita"  first time niya nameet si tita pero close na agad sila kasi sobrang approachable ni tita kaya ayon.

"Kayo talaga kahilig niyo mag asaran" natatawang sabi ni tita.

"Hahaha" sabay na tawa namin.

Bumalik na ako sa kaninang pwesto ko dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko.

"Oh bakit? Anyare sayo?" tanong ni Justine.

"Wala ang panget mo!" natatawang sabi ko.

"Kasama ng ugali mo Yumi, kaganda ng lahi namin eh tapos sasabihan mo lang akong panget? Kulang ka ba sa aruga ha?" sagot niya saakin kaya natawa ako.

"Yumi tara na kasi kumain gutom na din ako oh hindi ka ba naaawa?" pagdadrama niya.

"Hindi ka ba makakakain ng walang kasama ha?" pambabara ko.

"Aisshh! Tigas ng ulo neto" aburido niyang sabi.

"Kumain kana kasi don dali na pagbalik mo tapos na ayusan si Nozomi" sabi ko.

"Oo na! Oo na! Bibilan nalang kita tapos kainin mo ha?" sabi niya, hindi talaga papaawat to kaya tumango nalang ako.

Umalis na siya para kumain kaya pinanood ko nalang ayusan si Nozomi. Maya maya isinandal ko ang ulo ko sa pader na nasa likod ng inuupuan ko at pumikit.

"Yumi? Ayos ka lang?" napadilat ako ng marinig kong magtanong si tita.

"Uhm yes po tita" sabi ko nalang at ngumiti kahit sumasakit ang ulo ko.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon