Chapter 3: Victory Vane University (New School)

97 36 1
                                    


Yumi's POV

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa kwarto ni ate. Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko si ate na nanonood ng TV, yung kwarto niya parang katulad lang ng kwarto ko magkaiba lang ng kulay and yung ibang gamit.

"Oh Yumi nandyan kana pala" gulat na sabi ni ate hindi yata narinig yung katok ko sa pinto ng kwarto niya.

"Ay hindi ate, multo lang to" pabirong sabi ko.

"Silly!" natatawang sabi niya kaya naglakad ako palapit sa kama niya para maupo nakatingin siya sakin habang palapit ako sa kama niya.

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ka maglakad?" nag aalalang tanong niya.

"hehe ate kasi...ano..." hindi ko alam kung sasabihin ko ba, pero sinabi ko na din.

"Kasi? Ano?" tinaasan niya ko ng kilay.

"Hay! Kasi ate ano nung pauwi ako may nakabunggo sakin na na lalaki nasaldak ako *pout*" pagkukwento ko.

"Pero tinulungan naman ako and nagsorry naman" dagdag ko pa.

"Akala ko tinakbuhan ka lang eh!" kunwaring galit na sabi niya.

"Hindi ate, ang lambot nga ng kamay eh parang hindi lalaki hahaha" natatawang sabi ko.

"Ayiee crush mo? Pogi ba?" pang aasar niya.

"Baliw ka ate hindi ko crush! Pogi nga pero hindi ko talaga crush" pagtanggi ko.

"Okay Okay! Sabi mo eh" natatawang sabi niya.

"Ay oo nga pala may pasalubong ako sayo, galing kami ni Missy sa trinoma" sabi niya kaya naexcite ako.

"Asan ate?" excited na tanong ko.

"Sandali kukuhanin ko" sabi niya at tumayo na saka pumasok sa walk in closet niya. Paglabas niya may hawak na siyang paper bag. Lumapit siya sakin saka inabot yung paper bag kaya tiningnan ko kung ano yung laman.

"Wow ate!! Thankyouu!!" gulat na sabi ko napayakap pa sa kanya. Nilabas ko sa paper bag yung kulay pink na stuffed toy saka niyakap ko kasi sobrang fluffy, nilabas ko din sa paper bag yung white off shoulder top.

"Matchy matchy tayo sis! Bumili din ako ng ganyang off shoulder para same tayo" excited na sabi niya.

"Talaga ate?! Isuot natin bukas!" excited pa din na sabi ko.

"Oo hahaha" natatawang sabi niya, niyakap ko ulit siya saka nagpaalam na. Dumiretso na ko sa kwarto ko dala yung bigay ni ate nilagay ko sa closet ko.

Nung gabi na sabay sabay ulit kami nagdinner habang nagkukwentuhan. Pagkatapos bumalik na ulit ako kwarto para magshower. Nang matapos ako nagsuot lang ako ng pantulog ko na ternong pajama. Bumaba ako ulit para uminom ng gatas naisip ko din na dalhan ng tea si daddy kasi alam kong nasa office room siya, tambak kasi yung trabaho niya ngayon dahil may bago silang project. CEO siya sa Archi-vera Company which is pag-aari ng family namin while si mommy president siya sa company namin. Pagbukas ko ng office ni daddy tutok siya sa laptop niya kaya hindi niya napansin na pumasok ako, pinatong ko sa coffee table na nasa gilid yung tea saka ako lumapit sakanya at nag back hug sakanya.

"Oh baby?what brings you here?" gulat na tanong niya.

"Nothing dad, dinalan lang kita ng tea, you're so busy baka mapuyat ka ng sobra niyan ah" malambing na sabi ko.

"So sweet of you baby, tatapusin ko lang then I'll go to sleep" malambing din na sabi niya.

"Very good yan daddy" natatawang sabi ko, hinalikan ko na siya sa pisngi at nagpaalam na.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon