Kay bilis ng oras,
iniwan mo sa akin
ang iyong larawan sa nakaraan,
ang mga alaalang
sinusubukan kong panatilihin sa akin,
Kung saan binigyan mo ako ng mundo
na aking hinahangad.Sa tabi mo magpakailanman
ay ang aking pagnanasa.
Kapag ako'y mahina,
binibigyan mo ako ng lakas.
Ngunit ang mga alaalang ito'y
magiging mga bulong na lamang,
at balang araw mawawala
katulad ng magagandang bulaklak.Ang aking puso, ang aking mundo
ay binaba ng luha.
Sumigaw ako sa kawalan ng pag-asa,
ngunit walang ninuman ang nakakarinig,
ang aking puso ay nasira sa sakit,
ang kalungkutan ay nakayakap sa akin.Tatandaan ko ang iyong mga ngiti
na siyang magaalis ng luha at pait.Ang malungkot na himig
ay sumasalamin sa aking puso,
Ang kalangitan ay may pagdadalamhati
lamang ng mga ibon,
Ang pagdurusa sa aking puso
ay tila napupunit,
malamig na mga patak ng ulan
mula sa langit.Kay bilis ng oras,
marahil ay hindi malulutas
ng anumang luha,
marahil ang lahat ng gusto ko
ay masyadong malayo,
at ang pagsisikap ay mauuwi sa wala.Ngunit ang lahat ay sapat na tandaan,
ang mga sandali na tayo ay magkasama,
ang lahat ay magiging bahagi
ng aking puso magpakailanman,
isang pagmamahal
na mayroon tayo para sa bawat isa.-Isabelle Louise Flores
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Historical FictionLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...