Naked Series 1
A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Uy, Amyrtelle! Nandiyan ka na pala, pumunta na raw tayo sa Principal."
Kararating ko lang sa EMHS wearing our uniform. Kulay sky blue ito at may outline na navy blue ang pang-itaas at kulay black na pencil cut skirt na hanggang ilalim ng tuhod naman ang pang-ibaba. Ang mga kasama kong babae ay nakataas sa isang clean bun ang buhok. Pinasadahan ko ng haplos ang buhok kong nakalugay, dapat pala ay nag dala ako ng panali.
Sabay-sabay kaming umakyat sa opisina ng Principal to pay our respects. Pagpasok namin sa opisina ay sinalubong kami ng isang may edad ng babae. Naka-green na dress ito, mukha siyang istrikta dahil sa kilay niyang nakataas at sa pulang-pula niyang labi.
"Good Morning, Ma'am," we greeted in unison.
Agad namang nalusaw ang impression kong strikta siya nang ngumiti siya sa amin.
"Good Morning din mga future educators, welcome to Estillosa Memorial High School! Sana ay marami kayong matutunan sa panahong naririto kayo. Nasa kabilang building ang faculty ng mga gurong ia-assist ni'yo. You may now go. Have a nice day ahead and good luck," nakangiting aniya habang nakaturo sa kabilang building.
Nang makababa kami ay naghiwa-hiwalay na kami upang hanapin ang gurong tutulong sa amin.
I dragged my gaze across the whole ground floor. As expected in a prestigious private school, it is indeed beautiful. May fountain sa gitna ng buong campus, marami ring mga benches na may payong, magaganda rin ang mga halaman na alagang-alaga halatang pinaglalaanan talaga ng oras at budget.
Matapos ang ilang sandaling pag-iikot ay nahanap ko na sa wakas ang Faculty ng mga English Teachers, kumatok pa ako ng tatlong beses bago pumasok. The whole room is quiet, and there is no one in there.
Mukhang nasa kani-kanilang klase na sila.
"Are you the student-teacher from Bethia University?"
Lumingon ako sa nagsalita. "Yes po Ma'am." I smiled.
"Halika, hija, I'm Minerva Cariño and I'm the one in charge to train you." She sat on her chair and sprayed alcohol on her hands.
Lumapit ako at yumuko nang bahagya to greet her. "Good Morning, Ma'am Cariño. I'm Amyrtelle Krystallia Gimena from Bethia University. It's nice meeting you po."
"It's nice meeting you too, hija. I'm on my way to my first class. Let's go?" Tumayo ito bitbit ang kaniyang laptop bag.
Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Bata pa si Ma'am Cariño. I think she's on her early 30's. Maliit siya at hanggang balikat ang tuwid na buhok.
"Wala kang masyadong gagawin sa first week mo. Mago-observe ka pa lang muna sa mga klase ko, then I'll let you handle them on your second week. Don't hesitate to ask me if you have any questions, ok?" ani niya habang umaakyat kami ng hagdan.
"Yes po, Ma'am."
Nang maka-akyat kami sa taas ay huminto siya sa tapat ng huling classroom sa hallway na 'yon. Ang kanina'y maingay na silid ay natahimik nang pumasok kami.
"Good morning, Carnation," bati niya sa mga batang hindi magkanda-ugaga sa pagbalik sa kani-kanilang upuan.
"Good morniiiiing, Ma'am Cariño. Good morniiiiing, visitor," masigla nilang bati.
"Sit down everyone. Hija, introduce yourself." She smiled at me.
"Good morning students. I'm Amyrtelle Krystallia Gimena and I will be your student teacher for 22 days. I really hope we all get along well," nakangiting pakilala ko.
Saglit na inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kulay beige at white ang pader, and halos sa mga disenyo ng silid ay kulay blue maging ang kurtina na may mga kristal sa laylayan ay kulay asul din.
Buong klase ni Ma'am Cariño ay nakaupo lang ako sa likod habang nago-obserba kung ano ang estilo niya sa pagtuturo. Tahimik ang buong silid at tanging boses lamang niya ang naririnig. Ang mga bata ay tutok sa kaniya habang ang ilan ay nagsusulat sa mga kuwaderno nila.
After an hour ay natapos din ang klase niya.
"That's all for today, recitation tomorrow so mag-review kayo, entiendes? Goodbye!"
"Amyrtelle, hija, vacant ko after nitong recess kaya you can use it to rest and prepare for my next class, see you later." She winked.
Nakangiting tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makababa na siya ng hagdan. I checked my wristwatch and it's still 8:32 AM. Ang aga naman nilang mag-recess?
I was so lost in my thoughts, kaya napahawak ako sa dibdib ko nang may humawak sa balikat ko mula sa likod.
"I'm sorry, ate, magugulatin ka pala," natatawang sabi niya.
I patted her head and greeted her with a smile. "Dito ka pala nag-aaral, Larissa."
Bakit ba hindi ko napansin na magkamukha ang uniform niya noong nakilala ko siya at ng mga batang nakasalamuha ko kanina? Tumatanda na yata talaga ako.
"Opo, Ate. I'm from Carnation po. You didn't notice me nga e," nakangusong sagot niya.
"Pasensya na, hindi na kasi ganoon kalinaw ang paningin ko," alanganin ang ngiting dipensa ko sa sarili ko. Hindi naman siya malabo, sadyang hindi ko na lang namumukhaan at nababasa 'yong mga bagay na medyo malayo.
She just smiled sweetly, it's so sweet that it made me nervous for a moment. I think I saw that smile before, a sweet smile with a not-so-sweet motive.
"Let's go, Ate, I'm hungry na. And! Mom wants to meet you po pala later, she has something to tell you raw po," maligalig na sabi niya saka kumapit sa braso ko.
Buong maghapon ay iniisip ko kung ano ang sasabihin ni Tita Nica. Kahit ilang beses kong baliktarin ang mga alaala ko ay wala talaga akong mapiga.
Around 4 PM nang matapos ang lahat ng klase ni Ma'am Cariño. Hindi naman nagka-conflict ang schedule ko kahit ganitong oras ang uwi ko, aabot pa rin ako sa curfew ni Mama. May side job pa rin naman ako pero home-based siya, hindi kasi ako pinayagan ni Mama ng mga trabahong aabutin ng gabi. I can't really blame her, the outside world is such a scary place.
Bumaba ako sa garden ng EMHS at maraming ng mga estudyante na nakatambay. Katulad kanina ay may fountain din ang garden, pero mas maliit ito kumpara sa fountain na nasa gitna ng campus. Marami ring bench na may payong at mga halamang naka-shape na paso, kabayo at kung anu-ano pa.
"Ate, I'm sorry. Kanina ka pa po?" hinihingal niyang tanong.
"Hindi naman, saan ka ba galing? Pawis na pawis ka." Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ang mukha niya.
"Tuesday po ngayon e, cleaners kami."
Napangiti ako, mukhang disiplinado ang mga estudyante rito.
"Let's go na, Ate. Baka kanina pa po nag hihintay si Manong." Kumapit siya sa braso ko at hinatak ako sa kung saan.
Matapos ang ilang minutong pagkaladkad ay nakarating kami sa parking lot ng school. Bumukas ang pinto ng kotseng pula at lumabas ang isang pamilyar na pigura.
"Hi Manong! Kinidnap ko si Ate gaya ng bilin ni Mommy," humahagikgik itong lumapit sa lalaki na ngayon ay nakumpirma kong si Vince nga.
Hinalikan ni Vince sa noo si Larissa at tipid na ngumiti sa'kin.
"Ate, you sit at the front ha, ayaw ko tumapat sa aircon amoy pawis ako." Kumindat pa ito at pumasok sa loob.