Chapter Twenty-Six

297 15 3
                                        

Marahan kong kinatok ang pinto para agawin ang atensyon ng mga nagsisigawan kong estudyante

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marahan kong kinatok ang pinto para agawin ang atensyon ng mga nagsisigawan kong estudyante.

"What's happening here?" kunot noong tanong ko habang isa-isa silang tinitingnan.

The whole room is a mess, nagkalat ang mga materials at mga damit. Parang katatapos lang ng gyera.

"E kasi po nag-aaway po sila kung sinong gaganap na Ibong Adarna," sagot ni Lexa.

I pursed my lips before entering the classroom. "Bakit kayo nag-aaway?" mahinahong tanong ko.

Napangiwi ako dahil hanggang sa lamesa ko ay may mga bahid ng pintura.

Agad silang nagtinginan at nagkaniya-kaniyang turo kung sinong sasagot.

"Kapag walang sumagot walang sasali sa contest," kibit balikat na dagdag ko.

Agad silang umalma at sabay-sabay naman ngayong sumagot. I held in a triumpthant smile. Handling a competitive section is all fun and games until maging ganyan sila ka-agressive pagdating sa mga contests. Ayaw palalamang, ayaw pakakabog.

Ini-angat ko sa ere ang isang kamay ko para awatin sila. "Shh! H'wag maingay, isa-isa lang."

"Ikaw, Pressy, please explain the situation." Turo ko sa President nilang napapasintido na lang dahil sa ingay nila.

"They're arguing whether Ariane, Mae, or Delly will play the role po," nakalabing sagot niya.

"Is that something to fight about?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Get back to your seats, and please clean up all this mess. Mag audition tayo then we will conduct a poll para fair." pinal na utos ko at isa-isang itinuro ang mga nagkalat nilang gamit.

Agad silang nagbalikan sa mga upuan nila at nagkaniya-kaniyang dampot ng mga gamit.

I randomly combed my eyes through the whole room to check on everyone. "Where's Serrah?" tanong ko sa student na nakaupo sa first row nang mapansin kong bakante ang upuan niya.

"Nasa office raw po."

My forehead creased. Why is that?

After settling them down ay nagpaalam akong pupunta ng office dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Serrah. That little girl is very quiet, hindi makabasag pinggan kaya nagtataka talaga ako kung bakit siya pinatawag sa office. She's not the type of student to cause trouble. Saka bakit hindi ko alam? Matters like this should pass through me first since she's my student.

I knocked on the door first before I quietly entered the room. Sir Black, the guidance counselor and my class' ESP teacher, was sitting on the chair across from Serrah. Serrah on the other hand has her head down while anxiously fidgetting on her hand, leaving a few faint scratches on her pale skin.

"Excuse me, Sir. Ano pong nangyari?" tanong ko bago nilapitan si Serrah.

Hindi siya nagsasalita, hindi rin umiiyak. She's just soullessly looking at her hand, looking restless and lost.

The Bridge Between You & MeWhere stories live. Discover now