Naked Series 1
A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I ended up accepting Tita Nica's offer after Mama gave me her permission. So just like what Tita said in front of my Mom, Vince did fetch me today and will most probably escort me home too. I got a bit comfortable with him now, but I can't really say whether this is torture or what.
"Victoria, show Amyrtelle the way to our study," malambing na utos ni Tita at kumindat pa kay Larissa bago pumasok sa kusina.
Larissa led the way to the room I entered before with Tita Nica.
I feel like I forgot something. Napapakamot sa noong pinilig ko ang ulo ko at nag-focus sa paglalakad.
Pagpasok namin ay bumungad ang nakapangbahay na si Vince, nakaupo ito sa swivel chair na inupuan ni Tita Nica noon. Umangat ang tingin niya sa'min at nagtatanong ang mga matang tiningnan si Larissa.
"Mommy said na dito raw ako itu-tutor ni Ate Amy while the library is still under renovation." Ngumisi ito kay Vince at naglakad palapit sa isa pang lamesa na palagay ko ay ngayon pa lang inilagay doon.
And with that, our session started. Nakadudugo lang talaga ng utak ang math pero alam ko naman kung paano siya sagutan at ituro dahil manok na lang siya ngayong college na ako.
Napalingon ako kay Vince nang tumayo siya habang nakatapat ang telepeno sa tenga niya. Ibinaba niya ang cellphone at naglakad palabas, ipinagkibit-balikat ko lang ito at binalingan muli si Larissa.
Ilang minuto ang lumipas ay pumasok si Vince, may dala itong tray na may lamang pagkain. Inilapag niya ang mga ito sa mesa namin at sinimulang isalin ang juice sa mga baso, iniabot niya sa'kin ang isa at kay Larissa naman ang isa pa.
"Thank you." Tumango lang ito at naupo na rin sa harap ko.
Napalingon ako kay Larissa nang humagikgik siya habang nakatingin kay Vince.
I ate quitely while checking Larissa's answer sheet. Nagtataka nga ako dahil mukha namang hindi na kailangan ng tutor nitong si Larissa dahil matalino naman siya, ni hindi nga ako nahirapang turuan siya e.
"Kuya you're sweating," humahagikgik na sabi ni Larissa at saka kumuha ng tissue sa ibabaw ng lamesa.
Umangat naman ang tingin ko kay Vince na masama ang tingin kay Larissa habang inaabot ang tissue. Natawa ako sa kakulitan nilang dalawa, parang walang dull moments between them. I wonder how it feels like to have a sibling...
Matapos ang ilang minutong pang-aasar ni Larissa sa Kuya niya ay tumayo na ito.
"Just call me when you're done, ihahatid kita."
Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang mga ginagawa namin. I helped Larissa finish her homeworks. What I mean is, I "watched" her finish her homeworks. She's a brilliant kid, kahit 'yong math nga na iniyakan ko noong ka-edad ko siya ay minamani lang niya.
After about 2 hours ay natapos din kami ni Larissa.
"Are you guys done for today?" Tumayo na rin si Vince at niligpit ang mesa niya saka naglakad palapit sa amin.