[Disclaimer. The process in court may or may not be that accurate, forgive your girl. I'll really appreciate it if you'll correct me if ever na I'm wrong in some parts. Thankiiee! ]
|TW: This chapter contains sensitive contents that might be too disturbing or triggering for you.|
Tahimik kong pinagmasdan ang nanay ni Serrah habang tahimik itong umiiyak. Mula nang dumating siya ay hindi na siya humiwalay kay Serrah, at wala rin siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak habang mahigpit ang yakap sa bata. Panay-panay din ang paghalik niya sa noo ni Serrah habang paulit-ulit na humihingi ng tawad. The way she looks at Serrah reveals how much she's been longing for her child.
It's too painful to watch them, kaya I decided to leave them alone for a while. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko tuluyang maingat na isinara ang pinto ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at tahimik na inihanda ang mesa. She hasn't eaten anything yet, galing siya sa mahabang flight kaya I'm worried na she would pass out any moment because of hunger and her overflowing emotions.
Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit para kay Ate Shella ang pangyayaring ito. Kahit sino naman sigurong nanay ay magagalit at masasaktan. Kung siguro ako ang nasa kalagayan niya ay baka nakapatay na ako, I wouldn't even hesitate. The saying, "A mother is a mother." says it all.
I took my phone from my pocket and checked my inbox for Vince's messages, and as usual, mayroon nga.
From Vicente Lucas:
How was your day? Don't think about things too much and go to bed early. I'll see you tomorrow, have a good night's sleep.I typed a reply while gently pursing my lips.
To Vicente Lucas:
It was very tiring, but I'm ok. How about you? Are you still working?It's past 1:00 in the morning na, is he really still working? It only took him a few minutes to reply, mukhang nagwo-work pa nga.
From Vicente Lucas:
Yes, I'm still working. Why are you still up? Are you having trouble falling asleep again?I thought of teasing him a bit because I haven't teased him for a while now. I started typing with a sheepish smile plastered on my face.
To Vicente Lucas:
Should I come over? I think I'd be able to sleep soundly if I'll sleep in your arms.I cringed with myself after hitting the send button, kaya nangingiwing pumasok ako ng kusina para kumuha ng tubig. Goodness gracious, Amyrtelle! Kadiri ka!
"Ma'am."
Medyo nabulunan pa ako nang biglang lumitaw si Ate Shella sa tagiliran ko. "Good morning po, kumain po muna kayo. Your guard said you didn't eat anything on board."
Siguro ay dala ng pagod ay magaang nagpadala siya sa mga hatak ko. Magkaharap kaming umupo sa mesa. Abala ako sa paglalagay ng pagkain sa plato niya habang siya naman ay abala sa pagtanaw sa malayo.
Ilang saglit na katahimikan pa ang dumaan bago napuno ng mahinang paghikbi ang kusina.
"How could this thing happen to my sweet child?" puno ng hinanakit na tanong niya.
Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya, ako ba, ang sarili niya, o Siyang nasa taas.
Saglit siyang pumikit, animo may inaalala. "Pinilit kong kumawala sa tatay niya sa kagustuhan kong protektahan siya. Akala ko-- akala ko ayos na."
Huminga siya nang malalim at bahagyang ngumiti. "Akala ko nailayo ko na siya sa pinakamalaking banta na makasasakit sa kaniya. Pero ako pa mismo ang nagdala sa anak ko sa lugar na sisira ng bukas niya," nanginginig ang boses na kuwento niya.
YOU ARE READING
The Bridge Between You & Me
RomanceNaked Series 1 A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...