Naked Series 1
A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The ride to the Strobel residence was not as uncomfortable as I thought it would be. Panay ang tanong ni Larissa sa'kin at kay Vince. Magiliw namang sumasagot si Vince habang tutok pa rin ang mata sa kalsada, mukhang close na close sila. Vince's serious facade fades whenever he's with Larissa. I find their relationship really cute, maybe because I don't have a sibling of my own?
"Ate anong year ka na po?" tanong ni Larissa matapos ang mahabang katahimikan.
Tiningnan ko siya mula sa rear view mirror. "Fourth na, graduating na ako next year."
Tumango-tango ito na may sumisilip na ngiti sa labi.
"Kuya ilang taon ka na nga?" Binalingan naman niya si Vince. Lumingon din ako at naghintay ng sagot niya.
"23, bakit?" nakakunot ang noong sagot ni Vince.
Hindi nito pinansin ang tanong ni Vince at binalingan ako. "Ikaw Ate, how old are you?"
"I'm 20, bakit?" Tiningnan ko siyang muli mula sa rear view mirror.
"Wala naman po." She giggled.
"3 years is ok pa naman ' no? That's not a big gap kaya," bumubulong bulong ito na animo kinakausap ang sarili saka ngingiti at tatango-tango.
Napangiti na lang ako sa kadaldalan niya at itinuon ang aking pansin sa labas ng bintana.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang matanaw ko na ang isang mataas na itim na gate. Kusa itong bumukas nang tumapat ang kotse ni Vince. Mukha itong palasyo sa labas, tatlong palapag ito na napalilibutan ng mga halaman. Nagmistulang palasyo ito sa gitna ng hardin, napakaganda. Kulay puti, ginto at kayumanggi ang mga kulay na naglalaro sa pader nito. European Castle yata ang tawag sa estilong ito kung hindi ako nagkakamali. I guess the Strobels are one of the old money families here in Bulacan.
Huminto kami sa tapat ng limang baitang na engrandeng hagdan ng mansion. Hindi na ako kasing tanga ng kahapon kong sarili kaya natanggal ko nang matiwasay ang seatbelt ko. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kusa itong bumukas. Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa'kin ang seryosong Vince.
Hindi ba nangangawit yung mukha niya ng laging walang reaksyon? Naawa ako sa facial tissues niya.
"Thank you." Tipid ko siyang nginitian at nilingon ang ngiting-ngiting si Larissa.
"Mooom!!! Mommyyyy!!" nagtitili ito at kumapit sa amin ni Vince.
Humahangos na lumabas si Tita Nica dahil sa mga tili ni Larissa, ngunit agad naman itong ngumiti nang malaki nang makita kami.
She immediately attended to me and gently touched my cheeks with both of her warm hands. "Hija! Buti at pinaunlakan mo ang paanyaya ko."
Matapos niya akong panggigilan ay binalingan niya naman ang kaniyang mga anak. "Sinundo ka ba ni Vince sa BU, Amyrtelle?" malambing na tanong niya.