Chapter Twenty-Two

309 23 23
                                        

The time is ticking, 2 months have already passed in just a blink

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The time is ticking, 2 months have already passed in just a blink. Hindi ko na rin maintindihan kung paano ko pagkakasyahin ang huling isang buwan na'to sa pagre-review ng mga hindi ko pa natatapos.

Naiinis na sumubsob ako sa desk. This is torture. Kanina ko pa pinipilit basahin 'tong librong nasa harap ko pero wala ni isang pumapasok sa utak ko, nakisabay pa ang backpain kong pang-80 years old na. Goodness gracious! Akala ko after kong maka-graduate ng college ay tapos na ang kalbaryo ng pag-aaral, may extension pa pala!

Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Vince. He's all dressed up, may meeting siguro. Muli akong bumalik sa pagkakasubsob at mariing pumikit.

"Tallia..." mahinang tawag niya.

"Hmm?" sagot ko nang hindi siya nililingon.

I heard his footsteps near me. "I'm going out for a company dinner, will you be ok while I'm gone?" malambing na tanong niya at magaang hinaplos ang buhok ko.

Nag-angat ako ng tingin at umayos ng upo. "Uh-huh, enjoy," tumatangong sagot ko.

"I'll be back quick," nakangiting aniya at dinampian ng magaang halik ang noo ko.

Kinawayan ko siya at muli akong sumubsob sa mesa, inaantok ako na hindi ko maintindihan. But I can't give in to temptation, kailangan kong matapos ang tasks ko today. Say no to procastination, Amyrtelle!

Umayos ako ng upo at muling hinarap ang mga gawain ko. "Let's not prolong our agony."

Ilang minuto ang lumipas nang muling bumukas ang pinto ng kwarto. Kunot noo ko siyang nilingon. "May nakalimutan ka?" takang tanong ko.

Nakangiting umiling lang siya, pinanood ko lang siyang buhatin 'yong spare na upuan papunta sa tabi ko.

"Akala ko ba aalis ka?" kunot noong tanong ko.

"I changed my mind, dito na lang pala ako," kibit-balikat na sagot niya at hinalikan ako sa noo.

Humalukipkip ako. "May company dinner bang wala 'yung head nila?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

He wrinkled his nose. "They can do it on their own," bahagyang nakangusong aniya, nagpapa-cute!

Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Baka importante 'yon! Kapag ikaw napagalitan!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at basta lang akong niyakap nang mahigpit. "You're more important," mahinang bulong niya saka sumubsob sa leeg ko.

I held in a smile and jokingly pinched him on his side. "Tapos anong gagawin mo rito sa'kin? Manggugulo?"

Umiling siya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko. "Manonood lang ako," he whispered and moved our body from side to side. 

Natatawang niyakap ko siya pabalik at sinakyan ang trip niya. Para kaming batang dalawa na gegewang-gewang. We stayed like that for a while, savouring the peaceful moment.

The Bridge Between You & MeWhere stories live. Discover now