Chapter One

1K 45 10
                                    


"A3! Stop playing with your food, that's bad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A3! Stop playing with your food, that's bad. Magtatampo yung food sa 'yo sige ka," pananakot ko sa batang tinutulak pa-urong sulong ang mga gulay sa plato niya.

Ngumuso siya at paawang tumingin sa'kin.

"But Mommy, I'm not a goat naman kasi po e. I don't like eating green foods, please? Ayaw ko po ng damo." Tinagilid pa niya ulo niya habang maingiyakngiyak na nakikiusap. Namumula na rin ang ilong at tainga niya dahil sa nagbabadyang pag-iyak.

Nanggigigil na kinurot ko ang pisngi niya. "I know, kailan pa ako nanganak ng goat? Saka hindi naman 'yan damo anak. Those are vegetables, you'll grow tall and strong if you diligently eat them," malambing na paliwanag ko.

Bumusangot ang bubwit at muling tinusok-tusok ang gulay na nasa plato niya.

Napapapikit na bumuntong hininga ako. Kanino ba nagmana ng katigasan ng ulo 'tong batang 'to?

"Kapag inubos mo yan I'll bring you to your Harabeoji and Halmeoni today, tapos, I'll just pick you up at night. What do you think?" pang-uuto ko.

Nagliwanag agad ang kanina'y nakabusangot na mukha nito at dali-daling inubos ang laman ng plato niya. 

I smilingly shooked my head. I guess I can't really defy the senorita of the house. 

Nang makatapos kaming kumain ay tumayo na ako at binuhat si A3 para magbihis.

"Nay, pakihanda na lang po ang gamit ni A3, magbibihis lang po kami," pakisuyo ko sa mayordoma namin.

I carried her as we ascend upstairs, and A3 being A3, she's giggling nonstop while we walk our way upstairs. Her laugh is so contagious, kaya pati ako ay natatawa rin sa kaniya. I'm catching my breath, habang siya ay tawa pa rin nang tawa. Juskong bata 'to! I can't catch up with her energy, grabeng kulit!

I carefully placed her in front of my white vanity table the moment we reached our room. She took a few deep breaths in, hinihingal din sa sariling kakulitan niya.

Natatawang sinuklay ko ang buhok niya. "What would you like to wear today?" malambing na tanong ko.

Umakto naman itong nag-iisip habang nakanguso pa.

"Are you going to work, Mommy?" matatas na tanong niya.

Nakangiting tumango ako.

"Then, let's wear the red one po na pinadala ni Tita-Mama kahapon po."

I just nodded at her and proceeded to enter our walk-in closet. I dragged my gaze across the clothing racks to find the dress that A3 is talking about.

"Mommyyyyy!!"

Napa-angat ako ng tingin at bahagyang sumilip mula sa salaming pader ng closet.

"Yes, honey?"

"Your phone is ringing po." Turo niya sa cellphone kong nasa ibabaw ng kama.

The Bridge Between You & MeWhere stories live. Discover now