Naked Series 1
A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kanina pa kami nakatambay ni Liarra dito, nakakadalawang iced coffee na nga siya at tatlong cup ng kwek-kwek. Nakaupo lang ako sa harap niya habang pinapanood siyang mag-mukbang habang panay-panay ang pagbuntong hininga.
Humalumbaba ako sa harap niya. "Problema mo?"
Nakangusong hinarap niya ako at humalumbaba rin.
"Tingnan mo oh! Ang haba na ng nguso mo, mukha kang bibe!" Pinitik ko ang nguso niya.
"Kadiri naman 'to! Salahula!" Inirapan niya ako at pinunasan ng tissue ang labi niya.
Natatawang inirapan ko siya. "Excuse me! Mas malinis pa sa budhi mo 'tong kamay ko 'no!"
"Huwag mo akong intindihin. Kayo? Kamusta kayo ni Papa Vince?" tanong niya na sinundan pa ng pabebeng hagikgik.
"Anong kami? Tantanan mo 'ko sa kalokohan mo, walang kami," patay malisyang sagot ko.
"Ay, shunga ka sister? Manhid? Tanga? Walang pakiramdam? Namapak ng anesthesia? H'wag mo namang careerin ang 'conceal don't feel don't let them know' ni Elsa, aba!" Pinitik niya ako sa noo habang nanlalaki ang matang nakatingin sa 'kin.
Ikinuwento ko lahat sa kaniya kaya ganyan maka-react, like hello? Ako kaibigan mo rito! Dapat sa'kin siya kampi!
Ako naman ang bumuntong hininga ngayon. "Bahala ka nga 'jan, tigas ng ulo mo. 'Wag na natin siyang pag-usapan, sumasakit lang ang ulo ko," nakukunsumeng sabi ko.
Vince and I haven't been talking since that day. This guy surely mastered the game of push and pull. Nakaiinis!
I checked my wristwatch, 2:48 pa lang mamayang 4:30 pa ako susunduin nila Vince. Inaliw ko na lang ang aking sarili sa panonood kay Liarra, bubuntong hininga ito at ngunguso tapos ay biglang ngingisi at iirap naman. Para akong nanunuod ng emotion generator dahil lahat yata ng emosyon ng tao ay nakita kong dumaan sa pagmumukha niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nainip na ako sa panonood sa kaniya, dumukdok na lang ako sa mesa at pumikit. Bored na bored na talaga ako kaya sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog.
Iniangat ko ang aking ulo nang marinig ko ang matinis na boses ni Larissa.
"Hi mga Ate!" Humalik ito sa pisnge ni Liarra at nanggigigil na yumakap sa'kin.
"Let's go na mga Ate!"
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nagpatiuna naman ang dalawa at patakbong nagpunta sa kotse ni Vince, nag-uunahan.
Inalis ko ang earphones ko at naglakad papunta sa kotse, walang imik akong sumakay sa front seat dahil nakapuwesto na ang dalawa sa back seat.
Buong byahe ay tahimik lang akong nakikinig sa hagikgikan nina Liarra, maya't maya silang humahagikgik habang nagbubulungan.
"Hinaan mo lang, malakas pandinig niyang si Amyrtelle," bulong ni Liarra.
"LQ ba Ate? Tingnan mo si Kuya oh, tahimik din," bulong ni Larissa pabalik.