Days went by like a blur. Liarra started working while I'm still here, stuck with my reviewing materials.
The boring hours of reading, comprehending, and memorizing are very tiring. But quiting is not an option, ngayon pa ba ako susuko? I can't afford to be lazy when I am this ambitious. Pero bakit nga ba kasi ang daming kong pangarap pero ang tamad ko mag-aral?
"Telle?"
Naalpas ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Liarra mula sa labas.
"I'm here! Pasok!" sigaw ko dahil hindi ako makatayo dahil sa dami at bigat ng mga librong nasa ibabaw ng hita ko.
I went back to my business while waiting for Liarra to come out here on the veranda.
"Amyrtelle, ikaw ba'y nagpapakamatay?" Nakapamewang na bungad niya habang isa-isang tininitingnan ang mga tasa ng kape sa gilid ko.
Inismiran ko siya at muling ibinalik sa binabasa ko ang aking paningin. Masyado nang tortured ang utak ko sa mga nire-review ko kaya ayoko nang sakyan ang kadaldalan niya dahil wala akong matatapos.
"Oh, tubig. Tubig ang inumin mo, tigilan mo 'yang kaka-kape mo." Irap niya sabay padabog na ibinaba ang tumbler sa mesa ko.
She sat on the chair opposite to mine and intently stared at me. "Have you eaten yet?"
Umiling ako habang tutok pa rin ang mga mata sa librong hawak ko.
"Putrages ka! Alas tres na!" Nanggigigil na pinitik niya ako sa noo.
Agad naman akong lumingon sa orasang nasa pader para kumpirmahin ang oras. Shoot! Alas tres na nga!
She crossed her arms above her chest and threw me her sharp side glances.
Nangangamoy sumbungera.
I dissmisingly waved her off. "Tigilan mo 'ko, Candy ha! Lumabas ka na nga 'ron! Magliligpit na 'ko!"
She heaved a sigh and helped me clear out my table. "Don't push yourself too hard or you'll get sick. Tingnan mo nga 'yang mata mo, mukha kang alieng puyat!" Turo niya sa mukha ko.
I can't help but laugh at her remark.
"This won't do. Pupunta tayo ng Manila Bay, kailangan mong magtanggal ng stress!" she said hysterically while shaking my shoulders.
I swallowed back my giggle as she mentioned that inside joke of ours. Why pay for a professional when we have the white sand of Manila Bay to boost our mental health, 'di ba?
"Ano ba 'yang lagi mong dala-dala?" Nguso niya sa keychain na nakasabit sa pajama ko.
Ibinaba ko ang hawak kong isaw at saka ko inalis ang pagkaka-lock ng chain at inilapag sa hita niya. "Ito? Self-defense keychain, regalo ni Vince."
She took the keychain and started examining each tool. "Ay boyscout, laging handa!"
"Matalim 'yan, h'wag mong paglaruan," agad na pigil ko nang balak niyang hawakan 'yong maliit na blade.
YOU ARE READING
The Bridge Between You & Me
RomanceNaked Series 1 A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...