Chapter Thirty-Three

230 14 7
                                    

"What are you doing?"

Hindi ko siya pinansin at muling pinagtuonan ng pansin ang papel at mga numero sa harap ko.

Napapangusong ibinaba ko ang lapis na hawak ko at pasubsob na dumukdok sa mesa. Minsan talaga gusto ko na lang maging lamok, walang problema, tamang lipad at sipsip lang ng dugo ng kung sino, tapos walang binabayarang bills at daily expenses.

I only have a hundred and fifty pesos and a shining fifty centavo left in my wallet, even my cards are empty. I don't know exactly how I would survive these coming days.

Busy ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang paglundo ng upuan sa tabi ko.

"What's that?" kuryosong tanong niya at marahang hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha ko saka inipit sa likod ng tenga ko.

Problemadong umayos ako ng upo at hinarap siya.

"I'm broke," nakalabing sabi ko habang nakaturo sa listahang ginawa ko.

He took the notebook from the coffee table and seriously scanned the scribbled content.

"So?" kunot noong tanong niya.

Tumaas ang parehong kilay ko dahil sa naging sagot niya.

"What do you mean 'so'?! Wala na akong pera. Kita mo 'yan? Wala ng laman 'yong mga cards ko. Tapos... tapos wala pa akong work," nagmamaktol na ani ako at inagaw ang notebook mula sa kaniya.

Natatawang pinisil niya ang ilong ko. "I'm rich," kibit balikat na sagot niya.

Kunot noong humalukipkip ako. "Ano naman?"

"Kaya naman kitang buhayin," mayabang na sagot niya.

My eyes rolled skywards. Vince and his kayabangan.

I sarcastically scoffed at his remark. "Kaya ko rin buhayin sarili ko."

Tinawanan niya lang ako at parang batang yumakap sa'kin at nagtulog-tulugan.

This guy has been very busy these past few weeks, ginagawa niyang umaga ang gabi. Wala namang bago dahil lagi namang ganyan, pero nag-aalala ako dahil halos hindi na talaga siya natutulog nitong mga nakaraan.

Marahan kong sinuklay ang buhok niya. "Matulog ka kaya? You haven't gotten enough sleep since last week," mahinang tanong ko.

Umiling siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin. "I'm good, let me just recharge here."

"Aren't you being too cheesy right there, Mr. Strobel?" natatawang tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at nakangising humarap sa'kin. "Why? Are you somehow falling for me again?"

Pabirong pinitik ko ang noo niya. "Matulog ka na lang, puyat lang 'yan." I also closed my eyes to let it rest for a few minutes.

We were both about to drift off to dreamland when my phone rang.

He reached for my phone on the coffee table and showed me the name flashing on my screen.

"It's Serrah," sagot niya kahit hindi pa ako nakapagtatanong.

Umayos kami ng upo bago sagutin 'yong video call.

"Tita! Tito!" tili niya sa kabilang linya habang maligalig na kumakaway sa'min.

The side of my lips voluntary curled as soon as I saw her on the screen.

"Serrah! How are you doing?" malambing na tanog ko.

"I'm ok po, how about you two? You aren't married yet, are you?" malaki ang matang tanong niya habang kuwari ay gulat na nagtakip pa ng bibig.

Sabay kaming natawa ni Vince, itong batang 'to turong-turo ni Tita at Ate Shella.

The Bridge Between You & MeWhere stories live. Discover now