|TW: This chapter contains sensitive content that might be too disturbing or triggering for you.|
"I really love your hair color, but what do we do?" problemadong tanong ko sa estudyanteng kaharap ko.
Sa'kin na siya dinala ng adviser niya kasi sobrang tigas daw ng ulo, ano kayang gusto nilang gawin ko? Pakuluan ko para lumambot?
"Ma'am, please? Kakukulay ko lang po nito," nakalabing sabi niya at nangungusap ang matang pinakatitigan ako.
I let out a heavy sigh and leaned forward a bit. "For now, dye it back to black muna ok?" nakiki-usap din na sabi ko at marahang hinawi ang buhok niya.
It suits her, I really mean it when I said na I like her hair color, no cap. At dahil inggitera ako, ganyan din ipakukulay ko kapag nagawi ako sa salon.
"Kung ako lang, ok lang sa'kin because I really love your hair color, pero kasi I don't get to decide over that matter e. Mapagagalitan tayo," napapangusong dugtong ko.
Mas humaba ang pagkakanguso niya at bagsak ang balikat na sumandal sa upuan.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil makulit din pala talaga 'tong batang 'to. Pero hindi ko lang din ma-gets kung bakit bawal ang may kulay na buhok dito sa school, as if naman may masasaktang tao kapag may kulay ang buhok ng mga estudyante. I'm so sick of the absurd rules of this University, when it comes to matters like this ang bibilis nila umaksyon, pero 'yong mga pinasa 'kong appeals about sensitive matters hindi manlang yata nila sinilip. Mga hipokrito.
"Come here," pabulong na senyas ko sa kaniya.
Agad siyang tumayo at umupo sa upuang katabi ko.
Iinilapit ko ang labi ko sa tenga niya para bumulong dahil marami kaming kasamang teachers, "I'll send you a box of hair dyes this coming summer, color your hair whatever color you want, hindi ka na nila pagbabawalan no'n kasi tapos na ang school year by then. Pero you have to dye your hair black muna for now," mahinang bulong ko.
"Talaga po?!" tili niya.
"Shhh!" Pinandilatan ko siya ng mata at pilit na ngumiti sa mga co-teachers ko na nagulantang sa sigaw ng batang 'to.
"H'wag kang maingay, secret lang 'yon," bulong ko ulit at pasimpleng inilibot ang tingin sa kwarto to check kung nakatingin pa sila.
"Dapat bukas kulay itim na ang buhok mo ha?" nilakasan ko pa ang boses ko para marinig nila.
"Hay nako, si Ma'am Amyrtelle lang pala ang makapagpapatino sa'yo. Sabihin mo nga Ma'am, may powers ka ba at napatitino mo ang mga makukulit na estudyanteng gaya niyan?" nakataas ang kilay na litanya ni Ma'am Susan, the oldest and pinakamasungit na teacher sa faculty, ang adviser ng batang makulit na'to.
"You just have to talk to them calmly po, mas nagugulo po kasi ang utak nila kapag sisigawan ninyo," sagot ko at sarkastiko pang ngumiti.
"Halika na, Megan, balik na tayo sa classroom mo," aya ko sa kaniya para makatakas kami sa sermon ni Ma'am Susan at pasimple siyang kinindatan.
Agad ko siyang hinawakan sa kamay at nagmamadaling lumabas ng faculty, sabay pa kaming natawa nang magkatinginan kami pagkalabas na pagkalabas namin dahil naglilitanya pa si Ma'am Susan kahit nakalabas na kami.
"Ma'am, bakit kaya po hindi na lang ikaw mag-University President o kaya kahit Principal lang ng Juniors? Hindi 'yong masungit na matandang huk--" agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig sa'min.
Pinandilatan ko siya ng mata habang nakatakip pa rin sa bibig niya ang palad ko. "Shh! Bad 'yon!" pabulong na sigaw ko.
"Halika na nga, balik na tayo sa room mo. Mapagagalitan tayo dahil sa kadaldalan mo e," natatawang bulong ko at pabirong pinitik ang noo niya.
YOU ARE READING
The Bridge Between You & Me
RomansaNaked Series 1 A healthy relationship doesn't just revolve around butterflies and kiligs, a healthy relationship is something that helps you both grow together. But not every relationship comes to a happy ending, some just end there, and some find t...
