Chapter Three

467 25 14
                                    


"Aware naman siguro kayong lahat na magsisimula na kayong mag-practice teaching starting tomorrow?" tanong ng masungit naming prof

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Aware naman siguro kayong lahat na magsisimula na kayong mag-practice teaching starting tomorrow?" tanong ng masungit naming prof.

"Ang sungit-sungit, palibhasa hindi nakadidilig," bulong ng katabi ko. Impit akong natawa kaya tinakpan ko ng panyo ang bibig ko. Matandang binata kasi si Sir Marco kaya rin siguro laging mainitin ang ulo at puro ngiwi.

"Kaya ngayon, ipasa niyo na lahat ng outputs na ipapasa ninyo! Ayoko ng late nagkakaintindihan ba?!" sigaw niya habang nakapamewang. Saglit pa akong napapikit dahil sa lakas ng boses niya, akala mo nakalunok ng megaphone.

"Yes, Sir!" sabay sabay na sagot namin.

"Well then, class dismissed!"

Nagliligpit ako ng gamit nang tumabi sakin si Ryan. "Amyrtelle, alam mo na ba kung saang school ka na-assign?" nakangiting tanong niya.

Naiilang na nilingon ko siya.

"Hindi pa, titingnan ko na ngayon. Mauna na'ko!" Hindi ko na siya nilingon pa at patakbong nagtungo sa bulletin board sa harap ng building. Ayoko nang pahabain ang usapan namin dahil paniguradong mauuwi na naman sa pagpapaalam niya ng panliligaw na pang-ilang beses ko nang tinanggihan dahil sa feeling ng uneasiness kapag nasa paligid siya. You know the creepy atmosphere that makes the hair behind your nape shiver? Something like that.

"Saang school ka?" 

Gulat na napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pagsulpot ni Liarra.

"Ano ba?! Bigla bigla ka na lang lumilitaw!" Inis na hinampas ko siya sa braso.

"H'wag kasing gawing tubig ang kape." Ismid niya saka kumapit sa braso ko para maki-usyoso sa bulletin board.

Nakipagtulakan siya sa mga tao ro'n para makasingit, pati tuloy ako e naiipit sa kaberatan niya.

"Sorry po," hingi ko ng paumanhin sa mga nabubunggo namin. Inirapan pa nga ako ng iba pero ipinagkibit-balikat ko na lang dahil kasalanan naman nitong kasama ko.

"Sa Estillosa Memorial High School ka naka-assign!" gulat na aniya.

"Ha?" Maging ako ay nagulat din dahil ang alam ko ay sa ibang school kumukuha ang EMHS ng mga student-teachers nila.

Marahan ko siyang itinulak sa tabi dahil kung makaharang ay akala mo pangalan niya ang nakasulat do'n. "Umasog ka nga, ako ang titingin."

Masinsing hinanap ko ang pangalan ko sa listahan, at hindi nga siya nagbibiro dahil sa Estillosa MHS nga nakalinya ang pangalan ko. Pabor sa 'kin 'yon, bukod sa malapit hindi pa masasagasaan ang curfew ko. Pero nakapagtataka pa rin dahil isa iyong prestigious school at tanging sa mga kilalang university lang sila nakikipag-coordinate, nag-iba yata ang ihip ng hangin?

After checking the other announcements on our bulletin board, I asked Liarra to accompany me to my adviser's office to claim my nameplate.

The Bridge Between You & MeWhere stories live. Discover now