" Ahnyonghaseyo"
"Eonniga yeoboseyo?" I was stunned. Where the hell did he get my number!
Matagal na panahon na simula ng iwan ko ang buhay na meron ako. Kaya hindi ko inaasahan na maririnig ko pa ang boses na toh."Ne?" casual na sabi ko. Hindi ko nalang pinahalata na natigilan ako
"Can I see you?" tanong nya pa.
"Ani" pagtanggi ko. Ngayon nagsisisi na ako na sinagot ko pa ang tawag na to!
"Weyo?"
"Nothing" malamig kong tugon sa kanya. Bakit kailangan pa nyang mag tanong eh alam nya naman kung bakit
"Please come back" pag mamakaawa nya.
"Jwesonghamnida" I said and hung up the phone. Pumasok na ako loob at nag nagpakawala ng malalim na buntong hininga. I am not ready to face him. I am not yet ready to see them. And I don't know when will be that time. I don't know if I still can see them. I don't know...
* Ahnyonghaseyo : Good morning/ night
*Eoniga Yeoboseyo? : Sister hello?
*Ne : Yes
*Ani : No
*Weyo? : Why?
* Jwesonghamnida : I'm sorry
*********
" Pwede ba umalis ka na!" Nabubuset na talaga ako sa Santong to! Kanina pa sunod ng sunod sa akin eh!
Nandito ako ngayon sa garden sa gilid ng Social Hall. Madalas ako dito mag basa. Ayoko sa library dahil kahit pa tahimik doon marami pa rin ang estudyante na tumatambay doon. Dito kasi kami lang dalawa ni Keila at walang limit sa kung ano man ang gusto naming dalhin. Kahit na dito pa kami kumain ok lang. Pero peste talaga ang Pakboi na to imbes na maka pag focus ako sa binabasa ko eh naagaw nya ang attensyon ko. Ikaw ba titigan at take note naka pangalumbaba pa ang gungong!
"Ang ganda mo talaga Angela" sabi nya habang titig na titig parin sa mukha ko. Ano ba ang nangyayari sa alien na toh?
"Ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Wala tinitignan ka" sagot nya. Pinag pantay ang dalawang braso nya sa mesa at hinawakan ang magkabilang pisngi nya habang tinititigan parin ako
"Ano bang meron sa mukha ko at tingin ka ng tingin?"
"Wala. Kinakabisado ko lang ang mukha mo"
"Pwede ba tumigil ka na!"
inis na inis na talaga ako sa Santong to!
Kung hindi lang sana absent si Keila ngayon hindi ko talaga sya hahayaan na samahan ako. Pero dahil absent sya no choice ako kundi pakisamahan ang Pakboi na toh kesa naman mag solo flight ako diba?
Atleast may libreng foods pa!
Mayaman kasi ang isang ito kaya ok lang na magwaldas sya tutal Pera naman yun ng magulang nya." Kahit anong pigil mo hindi mo ako mapipigilan Babe, ako nga hindi ko na pigilan eh"
"Ano bang pinag sasabi mo?" singhal ko sa kanya
"Wala naman Babe" Bakit ba Babe ng Babe toh?
"I don't like your choice of words Santo" pinandilatan ko sya. Babe mo mukha mo!
"Ano ba ang gusto mo? Sweetheart? Honney? Baby?" nakangising ani nya.
"At bakit mo naman ako tatawaging ganyan aber?"
"Kasi nga girlfriend kita"
Kung may mas ilalaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla ganon yun!"A-Anong girlfriend?" utal utal kong tanong. Sinong may sabing girlfriend nya ako? At sya boyfriend ko?WTF!
"Oo,girlfriend" desididong desididong saad nya.
"Sino may sabi?" inis na singhal ko sa kanya
"Ako"
Aba! Swerte ka rin eh noh?
"Aray!" Hmp! Binatukan ko sya eh kung ano ano pinag sasabi eh!
"Ako ba pinag ti-tripan mo ha Santo?" tinaasan ko sya ng kilay. Kumunot naman ang noo nya.
"Mukha ba akong tripper?" pag didiin nya
"Eh bakit kung ano anong pinag sasabi mo dyan?"
" Ano bang kung ano ano eh yun naman talaga ang totoo"
"Anong totoo, kailan pa naging tayo?" pagtataray ko sa kanya
"Diba sabi ko sayo papanagutan ko ang panghahalik ko sa labi mo"
"Ano?"
"Oh? Ayaw mo eh ang swerte mo na nga at isang Saint Francisco Villarin ang boyfriend mo" pagmamayabang nya pa!
Ang kapal talaga!"Eh ano naman kung ikaw si Saint Francisco Villarin. Aasenso ba ako kung maging boyfriend kita? Makaka graduate ba ako kung maging boyfriend kita? Tatalino ba ako ha?"
"Hindi pero mamahalin kita"
Seryosong seryosong ani nyaNatigilan naman ako sa sinabi nya. Seryoso ba talaga sya? Ako mamahalin nya? You must be kidding me!
"Wag ka na nga umangal basta girlfriend kita tapos!" pagdiin nya
"Bak---
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya akong siniil ng halik. Shit! I must admit masarap humalik ang lalaking toh! Napapikit nalang ako at gumanti ng halik.
" Sige kontrahin mo pa ako at hahalikan kita"
"Oo,sige na"
"Good, sige na mag basa ka na Babe"
At wala nanga akong nagawala kung hindi mag basa nalang.
Hayaan mo Angela magsasawa din yan...