CHAPTER NINE

2 2 0
                                    


Hanggang hapon ay nanatiling tahimik lang si Saint. Hindi ko alam kung ano ba ang itatanong ko sa kanya para lang mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.

Nandito ako sa kotse nya. Ihahatid daw kasi nya ako pero para namang hangin lang ako. Ano kaya ang nasa isip nya at nag bago bigla ang timpla nya?. Naku talaga pag ako hindi naka tiis bababa ako at iiwan ko sya!

Bigla nya nalang inihinto ang ang sasakyan. Kaya napa
singhap ako ng wala sa oras

"Pwede ba kitang maka usap" seryosong usal nya. Bigla naman akong kinabahan sa kanya. Ewan ko ba pero natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin nya.

Lumabas sya ng kotse kaya naman bumaba na rin ako. Nag simula lang syang mag lakad kaya sumunod nalang ako sa kanya. Namumutawi parin ang kaba ko. Ano kaya ang pag uusapan namin parang sobrang seryoso naman ata nya?

Bigla syang huminto kaya huminto narin ako. Luminga linga ako sa paligid at napag tatanto ko sa nasa isang mini park pala kami. Humarap sya sa akin at tiningnan ako sa mata. Tinititigan nya lang ako at nakaka ilang ang mga titig nya!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko nag lakas loob na  mag salita

"M-May sasabihin ka?" Ayy tanga kaya nga kayo nandito kasi sabi nya may sasabihin sya diba!

Hindi sya sumagot at nanatiling nakakatitig lang kaya napatungo ako dahil talagang naiilang ako sa kanya. Pero hinawakan naman nya ang baba ko at inangat upang maka pantay sa kanya.

"Angela..." paos na sambit nya. Tinitigan ko lang din sya. Humahanga talaga ako sa angking ka gwapohan nya. Ang mga mata nya na parating kumikislap sa tuwing tinitignan ko. Ang makakapal nyang kilay na may nakaka dagdag sa  appeal nya. Ang mahahaba nyang pilik mata. Ang sexy nyang jaw line at ang makakapal nyang labi na sa tuwing makikita ko ay naaakit akong halikan.

"Alam kong hindi ko pa nasasabi sayo ang linyang ito...kaya lalakasan ko na ang loob ko" kabadong ani nya at hinawakan ang kanang kamay ko.

" Angela..." pag tawag nya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag bagsak ng mga bulaklak mula sa kung saan. Parang may umaalon sa puso ko habang pinag mamasdan ang mga bulaklak na patuloy pa rin sa pag babagsakan. Biglang namatay ang ilaw pero agad ding napalitan ng Christmas lights na matitingkad ang kulay. Napa tingin ako sa kanya dahil sa hindi mapa liwanag na dahilan. Umawang naman ang labi ko nang ma sulyapan ko ang tatlong balloons may naka engrave na I ♥ U at isang napakalaking teady bear na hawak hawak nya. Lumapit sya sa akin at walang ano anong lumuhod sa harap ko.

"Angela will you be my girlfriend?" Naka ngiting tanong nya. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Eto na ba yun? Gusto ko na rin ba sya?

"I-I d-don't know what to say" nabibiglang saad ko.

"You'll just have to say Yes or No" nakangiti paring ani nya habang naka luhod parin.

"Y-Yes" mahinang sambit ko pero tama lang para marinig nya. Sumilay naman ang abot tengang ngiti nya. Tumayo na sya at niyakap ako ng mahigpit.

"You don't know how much happy I am today" bulong nya pa habang yakap yakap ako. Nilayo ko naman ang katawan ko sa kanya at hinarap sya.

"Teka nga...so para saan yung pa cold cold treatment mo kanina?" Tinaasan ko sya ng kilay. Aba kinabahan kayo ako. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa kanya

"Hehehe sabi kasi sa nabasa kong libro effective daw ang ganon para mas lalong ma surprise ang nililigawan mo" naka ngising ani nya at umakbay pa!

"Ahh nasabi din ba sa librong nabasa mo na exemption ang mga gaya ko" pananakot ko sa kanya pero hindi man lang mawala ang ngiti sa mukha nya. Wala na to eh baliw na!

"Hindi eh ang sabi lang dun kapag sinagot na daw ako siguradong iskor na ang kasunod" ngisi ngising ani nya na may nakakalokong tingin pa.

"Oh talaga?"

"Oo daw eh" pilyong bulong nya tas tumawa tawa pa. Abay sira ulo to ah?

Mag sasalita pa sana ako ng bigla nya akong siniil ng halik.

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now