"Ano umamin ka na?" Hahaha! Pucha ano ba ang nangyayari sa akin at bigla yata akong naging clown kanina pa ako patawa tawa dito mukha na akong timang na PG eh! Hahaha!
"Baliw ka na ba!" Aray! binatukan pa ako ng luka luka pasalamat nga sya at pinatawa ko pa sya kasi kanina pa sya nakabusangot ang sagwa nya lang tignan mas lalo syang pumapanget!
"Aba'y ang ganda ko namang baliw" kung baliw ako ako ang pinaka maganda! Kaso hindi ako baliw kaya hindi ako ang pinaka maganda dahil ako ang Reyna ng mga dyosa!
"Taas ng confidence level ah?" tss! Ang hater ng gaga hindi nalang pagbigyan ang gusto ko!
"Aba syempre totoo naman kasi" natawa sya sa sagot ko. Aba! Aba! Anong nakakatawa? Nakakatawa na ba ngayon ang katotohanang maganda ako?
"Sige lang" anong sige lang? Sinasabi ba nya na panget ako? Bulag ba sya ang ganda ko kaya noh! Hoy lahing koreana at Australian toh! Rare beauty ang meron ako dahil hindi nyo na makikita ang mukhang to sa iba. Over my drop dead gorgeous body!
Mag sasalita pa sana ako ng may biglang humalik sa pisngi ko kaya napalingon agad ako sa gawi nito at hindi naman ako nagkamali na makita ang isang gwapong nilalang sa tabi ko.
"Good morning Babe" masayang bati nya. Naks! Ang gwapo nya ata lalo sa paningin ko o baka naman nagpap gwapo lang talaga sya ng sobra ngayon! Aba baka nambabae na tong pakboi na toh ah?
"Ang gwapo mo naman yata ngayon?" Tinaasan ko sya ng kilay at ngiti ngiti lang ang loko! Hayyyssttt mas lalo pa tuloy syang gu-magwapo! Shit lang ang sarap halikan!
"Talaga? Tss...dapat lang baka ipagpalit mo ako eh" kumindat pa! Hahaha ang swerte ko naman yata masyado sa taong toh gwapo na nga ang galing pa magpa kilig!
"Ang galing mo talaga pumorma noh...kanino ka pa ba pumuporma?" Nag salubong naman ang mga makakapal na kilay nya. Bakit ganon kahit na galit ang gwapo pa rin nya? Wala na yata akong makitang maling anggulo ng lalaking toh baliw na talaga ako! Baliw sa kaya! Hahaha! Para na akong timang neto pramis.
"Kanino pa ba edi sayo...wag mong sabihin sa akin na pinaghihinalaan mo pa ako?" Pinaningkinitan ko sya ng tingin. Tch! Siguraduhin nya lang dahil pag nagkataon hinding hindi ako naghahabol sa kanya!
"Siguraduhin mo lang" banta ko pa sa kanya. Naku pag dumating talaga ang araw na lokohin nya ako papatayin ko talaga ang kaligayahan nya! Ang kapal naman ng mukha nya kung maghahanap pa sya ng iba eh complete package na kaya ako maganda na matalino at mayaman pa! Hindi nya nga lang alam...
"Sigurado na ako...sayo" lumundag ang puso ko dahil sa bwisit na pampakilig nya letse talaga tong Santong toh at hindi nauubusan ng mga bulaklak sa bunganga!
"Ehem!...nandito pa ako noh? Akala nyo naman ata at kayo lang ang tao dito haler pinag titinginan kaya kayo duh" diring diri na ani ni Keila tinawanan lang namin sya. Hahaha nasan naba si Felix at mukhang ampalaya ang pinang inagahan nitong si Keila sa sobrang pagka bitter nya!
"Angela may maghahanap sayo sa labas" biglang sulpot ng isang babae sa harapan namin. Sa pagkaka tanda ko ay kaklase ko sya.
"Sino?" imbes na ako ay si Saint ang nagtanong. Nagtataka naman ako kung sino ang maghahanap sa akin. Hindi kaya si Dad o kaya si Tito Nial kinabahan naman ako bigla! Ano kaya ang sadya nya? Kukunin na nya ako? No way hindi ako papayag...hindi ako sasama.
"Hindi ko kilala eh pero grabe sobrang gwapo nya at hot pa!" Kilig na kilig na sabi pa ng babae. Tss! Akala ko kung sino na! Ano na naman kaya ang kailangan ni Xandre at pati dito sa school ay pinupuntahan pa ako? Lagot talaga sya sa akin kapag may naka pansin sa kanya dito at makilala sya naku! babalatan ko talaga sya ng buhay!
Tumayo lang ako at saglit na pinindot ang cellphone ko.
"Yeoboseyo?" sagot nya sa tawag ko. Tss anong akala nya haharapin ko sya wag na uy ang tagal kaya mag lakad palabas ng campus saka ang init init pa!
"What do you want?" Pwede nya naman sigurong sabihin sa tawag na lang kung ano man ang gusto nyang sabihin diba? Bakit kailangan nya pang pumunta dito.
"Noona I have to say something" tss! O diba kahit kailan wala talagang kwenta mag dahilan ang isang toh eh noh alam ko naman na pipilitin nya lang ako na umuwi eh! Hindi nya ako mauutakan uy matalino yata toh!
"Ano ba yun tell me..." Narinig ko ang buntong hininga nya kaya nagtaka naman ako kasi ginagawa nya lang yun kapag stress sya. Baka nagka problema sya! Naku wag nya lang talagang sabihin na naka buntis sya at papatayin ko talaga sya ng wala sa oras!
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo sa phone...I'll just come by to you later" What the fuck? Pupuntahan nya na naman ako sa apartment? Naknampucha! a-araw arawin na ba nya ang pagdalaw nya sa akin eh kung dun nalang kaya sya tumira! Pambihira!
"Wag na sabihin mo na kasi"inis na utos ko. Pwede nya naman kasing sabihin nalang over the phone eh may pa suspense suspense pang nalalaman!
"Noona I'll just drop by okay" at binabaan nya ako ng linya! Ang kapal ng apog ng batang yun at binabaan pa ako! Ha! Kahit kailan talaga pasaway...
"Sinong kausap mo?" tanong ni Saint pagka balik ko sa upuan ko. Mabuti nalang talaga at hindi sya makaka pasok sa loob ng school kung hindi yari na ako!
"Ahh yung kasama ko sa trabaho sya kasi yung nasa labas gusto kasi nya na ako nalang muna pumalit sa shift nya bukas" palusot ko! Sana gumana naman para hindi na sya mag taka baka mag selos pa sya at mapag kamalan na niloloko ko sya.
"Hindi mo sinabi sa akin na may ka trabaho ka pala na gwapo" aww ang cute nya lang!
"Hahaha bakla naman yun ok lang" sabi ko sa kanya para hindi na sya mabahala ngumiti naman sya sa sinabi ko.