CHAPTER TEN

2 2 0
                                    


"Good night" naka ngiting aniya

"Good night din, sige na alis ka na"

"Wala bang good bye kiss dyan" pilyong tanong nya. Ayyy humirit pa talaga?

Lumapit ako ng bahagya at hinagkan sya sa pisngi. Sumimangot naman sya sa ginawa ko.

"Yun lang?...hindi ako nakakatulog pag ganyan lang" pagmamaktol nya. Aba anong gusto nya sa lips? Sobra naman ata sya. Halos ma upos na nga ang labi ko sa kakahalik nya kanina tapos hihirit ulit sya?

" Eh kung patulugin nalang kaya kita habang buhay?" sarkastikong  tanong ko sa kanya. Ano sya hilo! Aba!

"Babe naman isa lang" pag mamakaawa nya. Lumapit ulit ako at mabilis syang hinalikan sa labi. Siguro naman okay na yan sa kanya.

"Alis na!"pag tataboy ko sa kanya. Ngumiti lang sya at pumasok na sa sasakyan nya. Bumusina muna sya bago tuluyang umalis. Tinanaw ko lang sya hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan nya. Doon lang nawala ang ngiti sa labi ko. Hinarap ko ang kanina pang naka matyag sa paligid.

"Jeogiyo?...ige mwoyeyo!" sigaw ko at kagaya ng inaasahan  ay lumabas ang mga pamilyar na rebulto.

* Jeogiyo? : Excuse me

* Ige mwoyeyo! : What's this!

"Oraenmanieyo Noona" pagbati ng mga ito. Naiinis na lumapit naman ako sa gawi nila at sinamaan sila ng tingin.

*Oraenmanieyo : long time no see

*Noona : Older sister

"What are you doing here?" matigas na engles kong tanong sa kanila.

"We are here to visit our Noona" sabi ng isa sa kanilang tatlo.

"Sabihin nyo ano ang kailangan nyo?"

"Maji Jalgayo" pag mamakaawa ng isa pa sa kanila.

* Maji : first born
*Jalgayo : let's go home

"Ani Xandre...Aniyo!" pag tutol ko sa gusto nya.

Ani/ Aniyo : No

"Umalis na kayo dito" pag didiin ko pa. Nag aalinlangan man ay umalis narin sila. Napa buntong hininga naman ako. Nahanap na nila kung nasan ako...ano nalang kaya ang nangyayari sa susunod pa naming na pag tatagpo. Handa na ba ako?

Napasinghap ako sa hangin dahil sa mga tanong sa bumabagabag sa isip ko. Kung saka sakali mag mamatigas pa kaya ako?

Hindi ko alam...

Pumasok na ako sa loob at tumungo sa kwarto. Wala namang gaanong nangyari pero bakit parang pagod na pagod ako.

Hayyyyy!

************

Nagising lang ako dahil sa isang tunog kaya napa balikwas agad ako ng tayo.
Luminga linga ako at hinay hinay kong  pinihit ang siradura ng pinto.
Dahan dahan ko itong binuksan. Kumuha ako ng pamalo para magamit ko kung sakali. Tumungo ako sa kusina kung saan nanggaling ang ingay. Humakbang ako papalapit at akmang hahampasin ko na sana ang nanloob sa apartment nang bigla lamang itong mag salita.

"Ano ba hapon umayos ka nga hindi pag kain ang pinunta natin dito!" mahinang asik ng isang pamilyar na boses.

"Pwede ba koreanong hilaw gutom na gutom na kaya ako" bulong naman ng kausap nya.

Dahan dahan akong lumayo sa kanila at binuksan ang ilaw.

"Hala Renz!" napa sigaw ang isa sa kanila

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now