"Babe sweet daw ako, totoo?" Napa iwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko naaakit ako ng mga ngiti nya."Babe...tingnan mo ako" hinawakan nya ang pisngi ko at iniharap ulit sa kanya ang mukha ko. Nakagat ko naman ang pang ibabang labi ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Kinikilig ka ba?... kinikilig ka nga!" napaiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Tangna lang! Ano bang nangyayari sa akin bigla?
"H-Hindi a-ah!" pagsisinungaling ko. Tiningnan ko sya ng deretso para hindi mahalata na naiilang ako. Sumilay lang ang ngiti sa mukha nya. Ang saya nya lang diba? Peste talaga kailangan bang ipamukha nya na kinikilig ako!
"Angganda ganda mo talaga" ako naman ang napangiti dahil sa sinabi nya. Walang duda in love nga sakin ang Santong ito.
"I know right" napa tawa sya ng mahina sa naging sagot ko. May kumpyansa naman ako sa ganda ko noh...Dyosa sa lahat ng dyosa. Tisay na nga koreana pa! Oh asan ka pa?
"Kaya nga bagay tayo eh. Maganda ka at gwapo ako" sabi nya na kumindat kindat pa!. I just let out a chuckle
"Ayyy kainis kayo! Uy Saint baka naman may kakilala ka pang katulad mo baka pwede mo naman akong ipakilala" nakangusong ani ni Keila tapos tumawa. Ayy naloka na ang gaga!
"Nandyan naman si Felix. diba matagal na syang nanliligaw sayo?" Bigla syang namula sa sinabi ko. Ayyy may hindi sinasabi sa akin tong maganda kong kaibigang ito.
"Hoy bakla! Umamin ka nga may hindi ka sinasabi sa akin noh?" Tinaasan ko sya ang kilay at pinambewangan pa. Bakit bigla syang namula nang banggitin ko ang pangalan ni Felix? Hindi kaya may something sa kanila?
"W-Wala a-ah!" pinaningkinitan ko sya ng mata. Talagang nauutal ka pa eh noh? Ako pa niloko mo!
"Talaga eh bakit namula ka nang banggitin ko ang pangalan ni Felix ha?" Tignan natin ngayon. Hindi ka marunong mag sinungaling sa akin Keila. Alam ko na ang hilatsa ng bituka mo.
"E-Engkasi e-eh" namimilipit na ani nya. Ayy ang gaga kinikilig pa yata!
"Kasi?"
"Sasagotin ko na sya" napapikit pang pag amin nya. Maka pikit naman to akala mo inakusahan ko sya at napa amin nalang sya ng isang krimen.
"Good for you" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Huh?...hindi mo man lang ba ako tatanongin kung bakit?" Napataas ulit ang maganda kong kilay dahil sa walang kwentang tanong nya.
"Bakit naman kita tatanongin eh matik na yun" kumunot naman ang noo nya. Ano ba ang mali sa sinabi ko? Tama naman eh!
"Huh?" naguguluhang tanong nya ulit. Ayyy tanga lang!
"Syempre sasagotin mo sya ibig sabihin matik na na may gusto ka na rin sa kanya" walang ka gatol gatol na sagot ko sa kanya. Bugarets din pala to eh? Tangna low gets!
Napaiwas sya ng tingin kasi tama ang sinabi ko. Akala nya siguro hindi ko nahahalata ang patingin tingin nya minsan kay Felix sa loob ng klase.
"So Babe ibig sabihin lang nun na gusto mo rin ako kaya mo ako sinagot" singit pa ni Saint sa usapan. Bakit ba naka limutan ko na makapal pala ang apog nitong Santong toh! Pinag sisihan ko na tuloy yung mga pinagsasabi sabi ko.
"Sinagot ba kita?" enosenteng tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo at nag salubong ang mga makakapal na kilay nya!
"Oo, hindi mo na maalala?" galit na tanong nya. Hahaha! ang cute talaga asarin ng Santo ko. WTF? Angela! Anong Santo ko?
Inangat ko ang ulo ko at kunwaring pang may iniisip ako.
"Hmm..."
"Hmm?"
"Nakalimutan ko na eh" pang iinis ko. Ano sya? Ang swerte naman ata nya kung sasabihin ko pang gusto ko rin sya! Wala namang problema pero diba matik na yun dapat...ayyy slow din pala sya kung minsan.
"Ano?" hindi makapaniwalang usal nya. Hahaha ang cute nya talaga kahit kailan.
"Hahaha! Saan nga pala tayo mag de-date?" Lumiwag naman ang itsura nya at ngumiti din sya ng bahagya.
"Manood tayo ng sine...tapos mag a-arcade tayo at kung gusto mo mag motel na rin tayo" pilyong sabi nya na kagat pa ang ibabang labi nya.Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Manyak!" Kahit kailan talaga tong Santong ito!. Bumungisngis lang sya.
"Alam mo pa virgin ka masyado Babe"
"Ano?" gigil kong tanong sa kanya. Abay loko tong Santong to! Ok na ok na sana sya kanina sa pagiging sweet nya bakit pa kasi umandar pa ang kamanyakan nya?
"Baka nakalimutan mo na natikman na kita Babe" Napa awang ang labi ko sa sinabi nya. Bwisit! Bakit ba ganito sya?
"At kailan nangyari yon? Wala akong naalalang ganon" I said in my very arte mode! Ngumisi lang sya ng nakakaloko.
"Alam mo minsan naiisip ko na dinadahilan mo lang na nakalimutan mo para gawin ko ulit yon sayo...pwede mo namang sabihin nalang sa akin wag kang mahihiya" Aba! Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa hindi maipaliwanag na galit na umusbong dahil sa kakapalan ng pagmumukha ng taong kaharap ko!
"Alam mo minsan iniisip ko na nauntog ka nung pagka bata mo kaya napuno ng hangin yang utak mo eh noh" pinandilatan ko sya para malaman nyang naaasar ako.
"Chill Babe I'm just stating what I'm thinkin" sabi nya na inangat pa sa ere ang dalawang kamay nya bilang pag suko.
"Eh paano yang utak mo kalaswaan lang ang laman"
Ngumuso sya tapos bumubulong bulong pa!"Hindi kaya...madalas ikaw lang ang nasa utak ko" pag dedepensa nya. "Bigla naman akong namula sa sinabi nya. Grabe bakit ba ang dali ko lang kiligin sa manyakis na toh?
"You're naked runnin around my mind. Hahaha!" Nawala ang ngiti ko at napalitan bigla ng pagkainis. Bwisit talaga tong lalaking to ang hilig mag pakilig tapos bigla bigla nalang nagiging manyakis! Hmmp...Abnormal talaga!
"Bwisit ka! Wag mo akong kakausapin! Hindi kita kilala!" sigaw ko at inirapan sya ng bongga!
Sige asarin mo pa ako nang wala kang ka date mamaya...