CHAPTER THIRTEEN

2 2 0
                                    


" Ano ba tumigil ka nga dyan!" suway ko sa kanya. Eh kanina pa kami nanonood dito tapos sya kanina pa din naka titig sa akin. Nakakailang kaya hindi ba nya alam?
Timpal ko sya para mapabaling sya sa iba pero ang letse mas lumapit pa. Takte! Halos isubsob na nya ang pag mumukha nya sa mukha ko eh! Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko dahil naamoy ko na ang hininga nya na amoy menthol.

"Babe" bulong nya sa tenga ko dahilan para tumindig lahat ng mga balahibo ko. Santo ano bang ginagawa mo?

Napamura ako sa isipan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin eh bumulong lang naman sya pero parang malalagutan na ako ng hininga! Walang ano ano akong tumayo at lumabas mula sa sinehan. Narinig ko pa syang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sya nililingon pa. Hinanap ko ang pinaka malapit na CR at pumasok ako.

"Shhhh... relax Angela relax!" Nag breath in breath out pa ako habang nakatingin sa salamin. Hindi pwede to! Yung naramdaman ko kanina pati na rin noong mga naka lipas na araw alam ko ang pakiramdam na yon. Naranasan ko na yun eh! Ibig sabihin ba neto gusto ko na sya?

"No way!" bulong ko sa sarili ko. WTF? I cannot! Kapag nagkataon mahuhulog na ako sa kanya tapos mamahalin ko na sya...Maldo!!!!! Andwaeyo!!!

"Angela Babe what's wrong?" tanong nya mula sa labas ng pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.

"Uwi na tayo" pakiusap ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung matatagalan ko pa ba ang makasama pa sya ng matagal baka malunod na ako pag nagkataon!

"May problema ba?" nag aalalang tanong nya. Bigla tuloy akong na guilty dahil wala naman syang kasalanan at ako lang ang may problema. Hayyyssttt! ano ba kasi ang masama kung mahalin ko sya? Wala naman diba?

"Medyo masama kasi ang pakiramdam ko...sa apartment na lang tayo kung ok lang sana" nginitian ko sya kaya ngumiti na rin sya. Umakbay sya sa akin habang papunta kami sa parking area. Nasa ganoong position lang kami hanggang sa marating namin ang kotse nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at umikot sya para makasakay na nang biglang tumunog ang cellphone nya. Tinignan nya lang ito tsaka sinenyasan ako na sasagotin lang nya. Ngumiti lang ako dahil baka importante ang tawag sa kanya. Medyo lumayo sya ng konti kaya hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Sinusulyapan ko lang sya kaya nahahalata ko ang pag iiba ng expression ng mukha nya. Nakabusangot sya at salubong na salubong ang mga makakapal na kilay nya. Kung titignan mo sya ngayon para syang galit na hindi maipinta ang itsura. Parang galit sya pero wala syang magawa...ganon ba?

Mga ilang segundo pa ay natapos na sya at pumasok na sa sasakyan. Nag kunwari naman ako sa may tinitignan sa phone ko tsaka ako lumingon sa kanya. Binigyan ko sya ng matamis na ngiti bago ako nag salita.

"Tara na" yaya ko sa kanya. Ngumiti din sya pero halatang pilit tsaka pinaandar na ang makina. Tahimik kaming nakarating sa apartment ko. Ni hindi man lang sya nag sasalita kaya hindi narin ako nag salita pa baka kasi may iniisip sya diba?
Bumaba sya at pinag buksan ulit ako ng pinto.
Sabay kaming pumasok sa apartment. Pinaupo ko muna sya sa sofa para makapag palit ako ng damit. Bumalik ako na may dalang kumot at tinabihan sya sa sofa.

"Dito nalang tayo manood" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ikaw ah gusto mo lang akong masolo eh noh?" Ayyy kapal! Grabe din pala ang imagination ng isang toh
Inirapan ko lang sya at kumuha ng DVD's na nabili ko noong isang araw.

"Anong gusto mong panoorin itong A walk to remember, Dora, o Kissing booth?" Ngumisi lang sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Kinagat nya pa ang labi nya tsaka tinuro ang kissing booth. Manyak talaga!

Nilagay ko naman yun sa player tas nag umpisa ng mag play. Kumuha na rin ako ng chips at canned drinks bago ako umupo sa tabi nya. Tutok lang kami sa panonood kaya puro kami tawanan ng tawanan.

"Babe try mo kaya mag suot ng ganyan sa harap ko" pesteng tarantadong ito nag sisimula na naman

"Ayoko nga!"  Never! Ano ako tangga para mag suot ng ganyan ka ikling mini skirt? Eh labas na nga ang panty nyan eh!

"Hahaha sa harap ko lang naman walang ibang makakakita" sinamaan ko sya ng tingin. Sige manyak pa more at palalabasin kita dito!
He let out a chuckle.

Hindi ko na  sya pinansin at itinuon ko nalang sa papanood  ang attensyon ko hanggang sa bigla nalang nag iba ang atmosphere ng pinapanood namin. Ilang ulit akong lumunok lunok para mahismasan ako pero peste! Bakit ba kasi may ganyan pa yan eh! Ok na yung mga kissing scene eh pero bakit may ganyang moment shit! Ang intense! Naiinitan ako!

"Babe"paos nyang sabi sa gilid ko. Hindi ko sya nililingon kasi sobrang lapit lang nya at naiilang ako!

"Oh?" sagot ko na hindi parin sya tinitingnan. Nag papanggap lang ako na busy sa panonood.

"Babe...naiingit ako" halos nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi nya. Tangna!
Iniharap nya ako sa kanya at unti unting inilapit ang katawan naming dalawa. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpa ubaya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nya sa labi ko. Napapikit lang ako habang dinadama ang kakaibang pakiramdam na nangingibabaw sa pagitan naming dalawa. Ang lambot ng mga labi nya at ang gaan ng paghalik nya na para maingat na maingat sya. Kinabahan ako ng unti unting nagiging mapusok ang mga halik nya. Kinagat nya ang pang ibabang labi ko kaya napa awang ako dahilan para pasukin nya ang bibig ko. Nag espadahan ang mga dila namin na tila ba nag aaway ang mga ito. Unti unting bumaba ang mga halik nya sa pisngi ko hanggang sa mapadpad na ito sa baba ko. Halos mapasinghap ako sa hangin ng marating nito ang leeg ko.
Shit! Mababaliw na yata ako Bwisit na lalaking ito kahit na hindi ko na first time to pero parang naninibago parin ako letse naiinis ako dahil naalala ko sya rin ang una ko! At sya lang ang bukod tangi na nakahalik sa akin ng ganito.



Why is it hard to say?Where stories live. Discover now