CHAPTER EIGHT

2 2 0
                                    


Pagkatapos ng party nag paalam na ako na uuwi na ako. Pinahatid na rin ako ni Keil sa driver nila. Hmm napagod talaga ako. Gustong gusto ko na matulong kaya pag karating pagkarating ko sa apartment dumeretso na ako sa kwarto para matulog.

******

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Sunday ngayon kaya marami akong oras para mag linis sa apartment ko. Pero bago ang lahat kakain muna ako.

Nag luto lang ako ng itlog, bacon at fried rice. Mabilis lang ako natapos kumain kaya sinimulan ko nang mag linis sa buong apartment. Hindi naman gaanong madumi yun kasi every weekend talaga akong nag lilinis. Nilabas ko naman ang mga labahin ko para ma labhan ko. Halos kalahating oras din akong naglalaba. Wala kasi akong washing  machine pero hindi naman karamihan ang mga labahin ko. Lunch time na nang matapos ako sa pag lilinis. Pagkatapos nito ay pupunta na ako sa Cafe Brent para mag trabaho. Malapit lang yun dito at pwede lang lakarin. May part time job ako doon. MWF ang schedule ko tuwing weekdays simula 5:00 nn hanggang 10:00 pm at 8:00 am  to 5:00 pm tuwing weekends. Pero dahil may party kahapon ay nakapag paalam ako na aabsent ako at mag ha-half day ako ngayon. Pumayag naman ang boss ko dahil close friend kami minsan nga may special treatment pa sya sa akin.

~ Cafe Brent~

"Uy madam dumating ka na" bungad sa akin ni Jet pag dating ko sa Cafe.

"Ayy hala buhay ka pa pala?" si Iya

"Tss!"

Sila ang mga kasamahan ko dito sa Cafe pero hindi tulad ko full time worker sila dito. Mahigit sampung taon na rin sila dito. Sila ang tumulong sa akin noong nag sisimula pa lang ako. First year high school pa lang ako nung nag umpisa akong mag trabaho dito. Halos wala akong alam na kahit anong trabaho pero dahil mababait sila tinuruan nila ako hanggang sa matuto ako. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanila. Ang totoo ay sapat na ang naipon nilang pera para makapag tayo sila ng sariling  negosyo pero dahil tulad ko ay naging malapit na kaibigan na rin nila ang may ari ng Cafe Brent kaya ayun ayaw na nilang iwan ito.

"Oh sige na dun ka na sa kitchen at mag luto ka na" sabi pa ulit ni Iya habang nag ma-mop sa sahig. Tumungo naman ako sa kusina para makapag umpisang mag luto. Oo ako ang cook dito actually dalawa kami ni ate Nancy. Si ate Nancy ang may ari ng Cafe Brent pinangalan nya ito sa first Name ng Anak nila ng asawa nyang si Brein.

"Ano kumusta ang party?" tanong ni ate Nancy ng mapansin nya akong papasok sa kitchen.

"Ok lang" walang ganang sagot ko.

"Ok lang? Pero mukha kang natalo sa lotto"

"Hindi naman pagod lang ako kakalinis sa apartment ko"

"Edi simulan mo nang mag luto dyan para maaga kang makapag pahinga"

4:50 na ng hapon nang mag sirado kami ng Cafe. Nag lilinis nalang ako ngayon ng mga mesa dahil si Jet ang naka toka sa mga hugasin. Every end of the week namin nakukuha ang sahod namin. Medyo maliit lang pero sakto narin yun para sa akin na namumuhay mag isa.

******

"Good morning Babe!" bungad sa akin ni Saint pagkalabas ko sa apartment. Mag i-isang buwan narin syang nag hahatid sundo sa akin. Mag kasama din kami tuwing break time at Lunch. Ewan ko ba pero hindi talaga sya nag sasawa na gawin yun araw araw minsan nga tinatanong ko sa kanya kung hindi ba sya nasasawa sa pag mumukha ko pero sinasagot nya lang ako ng "Angganda mo kasi sa paningin ko" diba sarap kutusan. Titananong mo ng maayos tapos sasagotin ka ng malayo naman sa tanong! I mean anong konek diba?

Pero I must admit na nagugustuhan ko rin ang mga efforts nya para sa akin. Kapag nag tagal tagal siguro baka magustuhan ko na rin sya. Baka...

"Good morning" sabi ko sa kanya at inalalayan na nya ako papasok ng kotse nya.

"Babe free ka ba this weekend?" tanong nya habang pinapa andar ang makina.

"Ahhh may trabaho ako eh" sagot ko

"Oo nga pala" sabi nya lang at hindi na nag salita pa.

Tahimik lang sya sa boung byahe kaya nag taka naman ako. Usually kasi ang kulit kulit nya kapag ganito. Marami syang tanong ang banat kapag mag kasama kami kaya nagtataka ako sa pagiging tahimik nya ngayon. May problema kaya sya?

"May problema ka ba?" I asked him. Hindi man lang sya lumingon sa gawi ko.

"Wala" maikling sagot nya. Hmm parang may mali talaga eh. May mali pero hindi ko lang alam kung ano...

Pag karating namin sa school ay pinag buksan nya ako ng pinto at gaya ng dati ay hinatid din nya ako sa classroom ko. Pero hindi parin sya nag sasalita eh...naninibago talaga ako!

Sige lang wag mo akong kausapin...

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now