"Keila..." Naaawa ako kay Felix bakas talaga sa itsura nya na nasasaktan sya. Mahal nya talaga si Keila...sana ganyan nalang din si Saint. Sana minahal nya na lang din ako para hindi ko pag sisihan ang pag pili ko sa kanya kaysa sa pamilya ko.
"Hindi ako pwedeng umalis dito Xandre may mga bagay pa ako na dapat gawin" naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na nag aalala ako sa sitwasyon ng daddy ko pero mas nag aalala rin ako na pag umalis ako lalong mawala sa akin ang taong mahal ko.
"Alis!" nabigla naman ako sa pag sigaw ni Keila. Ano ang nangyayari sa kanya? Alam kong hindi ganito si Keila dahil kilala ko sya kahit pa may galit sya sa isang tao hindi sya ganito umasta lalo na kung nag mamakaawa ito. Mukhang may pinagdadaanan din pala ang kaibigan ko siguro dapat wag ko muna syang idamay sa mga ka dramahan ko magpapahinga muna kami para makahinga.
Wala namang nagawa pa si Felix at umalis na lang na kahit na labag sa loob nya. Nag tamang muli ang paningin namin ni Keila at nagulat ako dahil bigla syang ngumiti at sinugod ako ng yakap. Maya maya pay may nararamdaman na akong mainit na tubig na bumabagsak sa balikat ko. Umiiyak sya...
Pinunasan nya ang pisngi nya at humarap sa akin sabay tawa. Ang weird! Pero sige dahil may pinag dadaanan ka wapakels nalang.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Tara sa taas tayo" umakyat kami sa kwarto nya.
"So bakit ka nga nandito? miss me?" ngumiti ako ng mapait. Sana gaya mo na lang ako madaling mag tago ng nararamdaman.
"Oo eh, hindi kasi ako sanay na wala ka" ngumiwi ako sabay iling iling. Natawa pa sya tapos niyakap ulit ako.
"Yung totoo?" tanong nya. Hindi ako nakasagot. Ayoko na pati sya madamay sa problema ko kasi halata naman na may iniinda din sya.
"Inaantok ako...tulog tayo?" pang iiba ko sa usapan. Tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Sige na tabi tayo" dagdag ko pa."Sige na nga!" Napangiti ako. Sumalampak kami sa kama nya at mag kayakap na natulog.
**********
Nagising lang ako dahil sa mga hiyawan sa labas. Bumangon agad ako at nag hilamos ng saglit sa banyo. Lumabas ako sa bahay at tumambad sa akin ang isang napaka engrande na party.
"Ate anong meron?" tanong ko sa kasambahay nila na naka salubong ko.
"Engagement party po ma'am" Nabigla naman ako sa sinabi nya. Engagement party? Kanino?
Lumapit ako ng bahagya para matanaw ko kung para kanino man ang celebration na ito. May tatlong rebulto kasi na naka tayo sa taas ng mini stage at hinala dalawa sa kanila ang na engaged. Lumapit pa ako ng konti para mas makita ko kung sino sino ang mga ito at nang makalapit na ako ay pinagsisihan ko na lumapit pa ako. Napasinghap ako ng wala sa oras nang masilayan ko ang dalawang taong naka ngiti sa gitna ng entablado. It was Saint holding Keila's hand while smiling from ear to ear. Parang akong tinarakan ng patalim sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko trinaydor ako ng boung mundo! Nawala na nga ang taong pinaka mamahal ko pati pa ang kaisa-isang kaibigan na meron ako. Ang sakit sobrang sakit pero bakit ganito? Wala man lang kahit na isang luha na lumalabas sa mga mata ko. Naubos na ba?
"Angela!" nagising nalang ako na may sumigaw ng pangalan ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at kinabahan ako sa nakita ko.
"T-Tita" mahinang bulong ko. Naagaw namin ang attensyon ng mga tao sa paligid at hindi ko alam pero napatingin ako sa kinaroroonan nila Keila. Nakita kong kinabahan sya. Dapat lang! Traydor ka!
Binalingan ko naman ng tingin si Saint pero hindi ko mahulaan ang nararamdaman nya. Nakikita ko kasi na nasasaktan sya pero impossible! Sya nasasaktan?Nag lakad lang ako papaalis sa lugar na yon na para bang walang nangyari. Gusto ko ng umalis dito ayaw ko na silang makita pa!
"Angela!" rinig na rinig ko ang boses na naka sunod sa akin pero hindi parin ako tumigil nag patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nag lakad takbo na ako. Nasa may gilid na ako ng kalsada papalabas ng village nila ng bigla nya nalang hinablot ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Angela let me explain" sabi nya pero hindi parin nag bago ang expression ko. Matalim lang ako na naka tingin sa kanya.
"You don't have to" malamig kong sabi sa kanya at nakita ko naman ang pag igting ng bagang nya. Ano sya pa galit? Kapal!
"Angela makinig ka naman please?" Pagmamakaawa ni Keila pero hindi ko man lang sya pinansin!
"Bakit ba ganyan ka?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Bakit ano ba ako?" walang emosyong tinitigan ko sya. Ako pa ba ang may problema?
"Sa loob ng panahon na mag kasama tayo kahit kailan hindi mo man lang sinabi sa akin na gusto mo rin ako o mahal mo ako. Bakit ba? Ano ba ang kulang sa akin ha? Tatlong salita lang naman ang hinihintay ko mula sayo pero parang hirap na hirap kang ibigay ha?" sigaw nya.
He's right sa tagal ng pinagsamahan namin hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko rin sya. Na mahal ko na pala sya... Yeah tatlong salita lang yun
I LOVE YOU...but why is it hard to say?"Pero hindi parin sapat na dahilan yon para lokohin mo ako!" Ngayon lang pumatak ang mga luha ko. Nakita ko na nagulat sya sa sinabi ko.
"I'm sorry...I didn't mean to" tinanggka nyang hawakan ang pisngi ko pero umiwas ako.
"You didn't mean to and so you don't have to say sorry" hinawi ko ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko. Binigyan ko sya ng matalim na tingin.
"Angela please..." tinapunan ko lang ng tingin si Keila na umiiyak lang ng umiiyak.
"You know what? Sana sinabi mo nalang na magpapakasal ka para hindi na naubos ang oras ko kakahanap sayo kanina diba?" I sarcastically said to Saint. Natigilan naman sya
"What? Hindi mo inaasahan na makita kita kanina while you were flirting with Madison right? Kawawa naman si Keila hindi pa kayo kasal pero niloloko mo na agad sya? Wow!" dagdag ko pa!. Nilamukos naman nya ang palad nya.
"Bakit ikaw ba? Yung lalaki sa apartment mo sabihin mo sa akin na hindi mo sya lalaki?" pinanlakihan ko sya ng mata. Is he saying that I'm flirting with my brother! WTH?
"Tell me... didn't you got laid by that asshole huh?" sinampal ko sya!
"Ang kapal mo!" sigaw ko sa mismong mukha nya.
"Why? Hindi ba at nakama nga kita noong hindi pa tayo? Kaya hindi na ako mag tataka kung nakama ka rin nang hayop na yun!" dagdag nya pa! Sinampal ko ulit sya ng sinampal. Wala na akong pakialam kung mamaga man ang kamay ko kakasampal sa kanya.
"Please stop fighting" pagmamakaawa ulit ni Keila na hinawakan pa ang braso ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Don't touch me bitch!" singhal ko sa kanya sabay hablot ng braso ko.
"Angela hindi naman totoo ang lahat ng ito...ginawa lang namin to dahil sa negosyo ng pamilya namin. Angela gusto ko din namang sabihin sayo ang tungkol dito pero hindi ko alam ang kung paano. Akala ko kasi matatanggap mo kapag maipaliwanag ko sayo pero... Angela kung gusto mo sasabihin ko kila dad na ipa cancel nalang ang Engagement" Ha! Kapal talaga...hindi ko alam na ganito pala kamanhid ang inakala kong best friend ko.
"No need, ituloy nyo na bagay naman kayo isang traydor at isang demonyo" matalas kong sabi sa kanila.
"Angela..." Tss! kahit na umiyak pa sya ng dugo wala na akong pakialam sa kanya. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon para sa kanila. Galit!
"Babe...I'm sorry" paulit ulit na sabi ni Saint pero hindi ako madadaan ng sorry lang!
Kasi sinayang nya ang chance na binigay ko sa kanya. Sinayang nya lang!Napalingon kami ng may limang sasakyan ang humarorot sa kinaroroonan namin. I know that this would happen...