CHAPTER SIX

2 2 0
                                    


Natapos ang dinner namin ng walang ni isa sa amin ang nag sasalita. Hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwala na gusto nya nga ako. Naiintindihan ko naman ang sinabi nya pero ayaw yata tanggapin ng utak ko. Impossible kasi talaga eh! Baka naman nag bibiro lang sya pero kasi ang seryoso masyado ng pag kakasabi nya kanina. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sya o kakalimutan ko nalang ang sinabi nya. Ewan ko!

"Uh-hum!" Tumikhim sya. Naka tanaw lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya kanina.

"Angela" tinawag nya ako ng mahina sa pangalan ko. Hindi ko pa rin sya kinikibo nakikinig lang ako sa kung ano ang sasabihin nya.
"Yung sinabi ko kanina totoo yun" dagdag nya pa. Napalingon naman ako sa direksyon nya.

"Wag mo nalang pansin lilipas din yan"

Bigla nyang inihinto ang sasakyan!

"Ano!" gigil na tanong nya. Umigting ang bagang nya at kunot na kunot ang noo nya. Pero desidido na ako sa sinabi ko kanina. Tama lilipas din ang kung ano man ang nararamdaman nya para sa akin.

"Sabi ko lilipas din at mawawala rin yan" mahinahon kong saad sa kanya.

"Lilipas!" hindi makapaniwalang sigaw nya. Galit na galit na sya!
" The Fuck? lilipas? lilipas?
Ok ka lang? kung lilipas bakit hanggang ngayon hindi pa nawawala ang nararamdaman ko para sayo!
Halos isang taon na! halos isang taon na pero nandito parin ang nararamdaman ko tapos sasabihin mong lilipas din to! Ano ako tanga? Alam ko na kahit anong gawin ko hindi na to mawawala pa! Kasi nararamdaman ko na  mas nadadagdagan pa! Pakiramdam ko nga mahal na kita eh tapos sasabihin ko na wag ko nalang pansinin dahil lilipas din! WTF!" Buong tapang na sigaw nya!

Hindi ako maka imik. Hindi ako maka galaw pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang umurong na ang dila ko at wala na akong maisip pa! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ang naririnig ko lang ay ang pintig ng puso ko. Nag uunahan lang ito!

Hindi na sya nag salita pa. Binuhay na nya ang makina at nagpatuloy sa pagmamaneho nya.Maya maya pa ay nakarating na kami sa apartment ko. Dali dali akong lumabas ng kotse nya pero bago pa ako maka galaw ay hinawakan na nya ang kamay ko. Napa baling lang ako sa kanya pero hindi ko sya matingnan ng deretso
Tinitigan lang nya ako ng matagal.

"Sige mauna kana" yun lang ang nabigkas nya. Tumango lang ako at hinigit ang kamay ko mula sa kanya pero hindi ako nag tagumpay.

"Angela" nagsalita ulit sya.
"Mahal kita" dagdag nya at binitiwan ang kamay ko. Dali dali naman ang pumasok sa apartment ko. Pagkapasok ko ay nakasandal lang ako sa pinto habang sapo sapo ang dibdib ko.

"Bakit ganon?" tanong ko sa sarili ko. Bakit bumilis ang pintig ng puso pag kasabi nya ng linyang yun?

Siguro dahil nabigla lang ako sa sinabi nya...Oo tama Angela baka ganon lang nga

Dumeretso lang ako sa kwarto at nag palit ng saglit. Humiga ako sa kama.

Hayyyyy

" The Fuck? lilipas? lilipas?
Ok ka lang kung lilipas bakit hanggang ngayon hindi pa nawawala ang nararamdaman ko para sayo!"

"Halos isang taon na! halos isang taon na pero nandito parin ang nararamdaman ko tapos sasabihin mong lilipas din to! Ano ako tanga? Alam ko na kahit anong gawin ko hindi na to mawawala pa!"

"Kasi nararamdaman ko na araw araw mas nadadagdagan pa! Pakiramdam ko nga mahal na kita eh tapos sasabihin ko na wag ko nalang pansinin dahil lilipas din! WTF!"

Napabuntong hininga nalang ako sa mga naririnig ko...

"Angela... Mahal kita"

"Angela... Mahal kita"

Napapikit  ako. Ha! hindi ko alam kung maibabalik ko ba ang nararamdaman mo...Hindi ko alam kung handa na ba ako na magmahal at mas lalong hindi ko alam kung mamahalin din ba kita...

Ayokong paasahin ka dahil minsan na rin akong umasa at naging masakit ang kapalit nun dahilan para masira sa paningin ko ang lahat ng mga lalaki sa mundo. Sobrang sakit na hindi ko na alam kung kakayanin ko na mag papasok  pa ng isa pang lalaki sa buhay ko...

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now