CHAPTER EIGHTEEN

2 2 0
                                    


"Ano sakit ng likod mo noh?" tanong ko kay Xandre na nakaupo na sa sofa. Hahaha! buti nga sa kanya ang tigas kasi ng ulo eh sabi ng wag ng punta ng punta dito pero pa balik balik pa rin. Nag luluto lang ako ng breakfast namin pero patapos na rin to saka maliligo muna ako bago kumain para deretso na kaagad sa  school.

"Uy Xandre kumain kana dito maliligo muna ako saglit ha?"  hinanda ko na ang mga pagkain saka nilagyan ko na rin ng rice ang mangkok nya sya na bahala mag lagay ng ulam dahil ayaw nya na hinahaluan ng ulam ang rice nya kahit na pareho lang din naman yun kasi sabay din namang ngunguyain maarte lang talaga yang kapatid ko na yan nagdadagdag lang ng hugasin!

"Opo Noona" umupo na sya sa harap ko. Tsk! Wala na naman syang saplot pang itaas naku naku pag nag kasakit talaga sya babatukan ko sya ng bongga!

Pumunta na ako sa banyo para maligo pero hindi pa man ako natatapos ay may kumatok na. Tss busit na Xander to ano na naman ba ang kailangan nya! Kinuha ko ang bath robe ko at sinuot saka ako lumabas ng banyo.

"Ano na-- "

Nanlaki ang mga mata ko at biglang napa titig kay Saint. Nakita ko na natigilan sya pero agad ding naka bawi. Nakatingin lang sya ng deretso sa mga mata ko at nag hurumentado ang puso ko sa nakikita ko. Nasasaktan sya! Kitang kita ko kung paano sya pinangiliran ng luha. Gusto ko syang kausapin pero umuurong ang dila ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa biglang pag ngisi nya. Ano ba ang iniisip nya?

Tumalikod sya at nag simulang mag lakad paalis. Hinabol ko sya pero hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya. Hindi ko kaya na sabihin ang totoo. Hindi ko alam kung paano...

"Saint" hinawakan ko ang braso nya. Hindi parin nya ako nililingon. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Mag papaliwanag ako" handa na ako. Handa na akong mag pakilala kaysa mawala sya sa buhay ko. Mahal ko sya yun lang ang alam ko. Wala na akong pakialam kung makilala pa ako ng boung mundo basta ang alam ko sya lang ang mahalaga ngayon. Ayokong mawala sya. Hindi ko na yata kaya...

"It's ok, Angela sapat na ang nakita ko" malamig na sabi nya na pahablot na kinuha ang braso nya at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan nya.

Napa upo lang ako sa lupa habang tinatanaw ang pag alis ng sasakyan nya. Nag uunahang tumakas ang mga luha ko. Umiyak lang ako ng umiyak wala na akong pakialam kung sino man ang makakita basta ang alam ko lang nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko sya. Hinayaan ko lang ang sarili ko na ilabas lahat ng sama ng loob ko bago tumayo. Pinahiran ko ang mukha ko para maalis lahat ng bakas ng pag iyak ko. Dahan dahan akong nag lakad papabalik sa apartment ko.

"Boyfriend mo na ba yon Noona?" tanong ni Xandre pag balik ko pero hindi ko sya magawang sagutin kasi hindi ko alam kung pagkatapos nito ay may kami pa ba...paano kung iwan nya ako? Paano kung ayaw na nya sa akin? Paano kung hindi sya maliwala sa mga paliwanag ko?

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kwarto ko. Gusto kong matulog baka sakaling panaginip lang pala ang lahat ng ito...

Kailangan kong mag pahinga dahil parang naubos ang lahat ng lakas ko. Kailangan kong mag paliwanag sa kanya. Bukas na bukas sasabihin ko na sa kanya ang lahat at sasabihin ko na rin na mahal ko sya.

Bukas...

"Kung darating ang panahon na magkakahiwalay  tayo hindi parin ako titigil kakahintay sayo...hindi kita susukuan hanggang sa kusa kang bumalik sa buhay ko kasi alam ko dito sa puso ko na ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko hanggang sa pagtanda ko"

Sana nga tuparin mo ang mga sinabi mo. Sana hindi lang basta salita ang binitiwan mo at sana gawin mo rin...Sana gaya ng sabi mo ay wag mo akong sukuan kasi ako hinding hindi kita susukuan dahil alam ko na Mahal na Mahal na kita at kahit pa ano ang mangyari Mamahalin pa rin kita. Kahit na magkamali ka papatawarin parin kita kasi ganon kita ka mahal na kaya kong alisin lahat ng galit na meron sa puso ko para lang sayo...para maparamdam ko na mahalaga ka sa buhay ko na ikaw ang buhay ko...

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now