CHAPTER FIFTEEN

2 2 0
                                    

Nagising lang ako dahil sa bigat na nakadatay sa paa ko and there I saw him sleeping like a baby. Kahit pala natutulog ang gwapo parin nya tignan. Ang haba ng mga pilik mata nya at ang tangos ng ilong nya. Sobrang kinis ng balat nya akala mo Artista medyo chubby ang pisngi nya bagay na bagay sa makakapal na labi nya. Ang cute pero nakakaakit lang  tignan. Tinitigan ko lang hanggang sa biglang nagmulat ang mga mata nya dahilan para magtama ang aming mga mata agad namang rumehistro ang ngiti sa labi nya.

"Good morning Babe" malambing na bati nya. Tss ang aga aga naglalandi na!
Tumayo na ako at agad na dumeretso sa banyo para makapang hilamos sandali. Pagkalabas ko sa banyo ay nakahilata parin sya sa kama
Akala yata nito nasa bahay nya lang sya!

Tumungo na ako sa kusina para mag luto ng agahan may karneng manok naman sa ref kaya mag a-adobo nalang siguro ako. Nag saing na rin ako ng kanin sa rice cooker. Sinimulan ko ng lutuin ang adobo nang makalabas sya mula sa kwarto may damit na rin sya hindi gaya kanina. Umupo sya sa harap ko at taimtim na pinapanood akong magluto.

"Alam mo bagay ka sa kusina" sabi nya sa likuran ko. Nakatalikod kasi ako sa kanya dahil kaharap ko ang niluluto ko. Hindi ko na sinagot ang sinabi nya dahil busy ako kakaluto.

"Siguro kung mag asawa tayo araw araw kong matitikman ang mga masasrap na luto mo pero syempre pati na rin ikaw" napaharap naman ako sa kanya dahil sa mga pinag sasabi sabi nya. Kami magiging mag aasawa nagpapatawa ba sya?

"Hindi naman tayo magiging mag asawa pero ok lang din na ipagluto kita" sabi ko at itinuon muli ang attensyon sa pagluluto.

"Sinong may sabing hindi? Eh pwede na nga kitang pakasalan ngayon dahil baka nga buntis ka na" nanlaki ang mga mata ko ng sobra.

"Ano?" Hinarap ko sya at pinandilatan pero ngumiti lamang sya na parang timang!

"Bakit? pakiramdam ko mabubuntis na kita kaya wala ka nang magagawa kundi ang pakasalan ako! Hahaha! ang talino ko talaga" Abay loko loko tong Santong to! Pero pano nga kung mabuntis ako? Kinabahan ako bigla pero hindi ko na pinahalata.

"Tss para kang sira!" Pinagpatuloy ko lang ang pagluluto ang mga ilang segundo pa ay natapos na rin. Pati ang kanin na isinaing ko kanina ay luto na rin kaya inihain ko na ang mga ito sa hapag. Nilagyan ko naman ng rice ang plato nya pati na rin ng ulam pagkatapos ay ang akin naman at nag simula na kaming kumain.

"Babe nakikita mo na ba ang magiging future mo?" tanong nya sa gitna ng pag kain namin.

"Hmm...hindi eh, ikaw ba?" ngumiti naman sya ng bongga saka sya nagsalita nang naka ngiti parin

"Ako kasi nakikita ko na ang future ko na kasama kita at gumagawa tayo ng pamilya" Napalingon ako sa kanya. Naiisip nya talaga na kami parin ang magka katuluyan? Grabe pala ang lakas ng tama sa akin neto! Ako nga hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa future work ko tapos sya naiisip na nya na magkakaroon kami ng pamilya...Wow! as in Wow ang imagination nya!

"Gaano ka naman ka sugurado na hindi tayo mag hihiwalay aber?" Nawala ang ngiti sa labi nya saka sya nag seryoso bigla.

"Kung darating ang panahon na magkakahiwalay  tayo hindi parin ako titigil kakahintay sayo...hindi kita susukuan hanggang sa kusa kang bumalik sa buhay ko kasi alam ko dito sa puso ko na ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko hanggang sa pagtanda ko" makahulugang sabi nya dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kanya. Hindi ko alam pero may kung anong umaalon sa puso ko dahil sa mga sinabi nya pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko at nasisiguro ang seguridad nito. Sana pag dumating ang araw na masabi ko na sayo ng walang alinlangan ang nararamdaman ko ay manatili ka paring ganito na nasa tabi ko...

Sana hindi na magbago pa ang nararamdaman mo at saluhin mo ako kapag ako naman ang mahulog sayo. Sana hindi mo ako lokohin gaya ng panlolokong ginawa ng daddy ko sa mommy ko at sana wag mo akong paasahin gaya ng pag papaasa na ginawa nya sa akin noon dahil ayaw ko na  maranasan ulit ang sakit ng naramdaman  ko noong iniwan nya lang ako bigla sa gitna ng pagsubok na kinahaharap ko. Sana wag mo akong saktan gaya ng pag durog nya sa puso ko...Sana

"Babe naririnig mo ba ako?" inis na tanong nya at tumawa lang ako. Bakit ba ang cute cute nya sa paningin ko sa tuwing naiinis sya ng ganito?

"Nakikinig naman ako eh" pagsisinungaling ko. May sinasabi pala sya kanina?

"Sige nga ano yong sinabi ko?" hamon nya. Napakamot ako sa sintido ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" mahinang tanong ko. Inirapan nya ako at tinoktok ang noo ko.

"Ayan ang bingi kasi...ang sabi ko kanina anong gagawin mo kapag nagka hiwalay tayo?" Ohhhh? yon pala yun akala ko kung ano na pero teka ano nga ba ang gagawin ko?

"Hindi ko alam" kumunot naman ang noo nya at naglapat ang mga labi nya.

"Anong hindi mo alam?" Eh sa hindi ko alam eh bakit ba!

"Hindi ko nga alam saka hindi ko naman alam kong ano ang magiging dahilan ng paghihiwalay natin eh. Malay ko ba siguro kung dahil nambabae ka edi hindi na kita kakausapin pa pero kung ako naman ang nanlalaki ewan ko siguro hindi na ako mag papakita sayo" mahabang paliwanag ko.

"Ano? Hindi mo man lang ako ipaglalaban?" Inis na tanong nya pa!

"Hindi...kasi kung tayo talaga ang para sa isa't isa si kupido na mismo ang nagawa ng paraan para tayo ang mag katuluyan

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now