" Ano Babe, sige na please?"
"Hayst bakit ba ang kulit kulit mo?" inis na sabi ko sa kanya.
"Sama ka na kasi" paglalambing nya. Hindi naman dating ganito itong Santong toh pero parang dumadalas yata ang pagiging isip bata neto.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Secret nga"
"Sige na nga"
"Yes!"mahinang sigaw nya
" made-date na rin kita hahaha" bulong nya pero hindi parin nakaligtas sa pandinig ko.Tss...date lang pala may pa secret secret pang nalalaman. Hmm wala naman sigurong masama kung pag bibigyan ko sya. Harmless naman ang mag ka boyfriend para sa akin. Hindi kasi ako yung tipong madaling ma-fall sa isang tao. I want someone who will stay with me no matter what. I want someone that can constantly love me even though I have imperfections. Gusto yung taong matatanggap ako kahit ganito lang ako.
Pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Pagka pasok ko umikot sya para pumasok sa driver's seat. Sinimulan nya ng mag maneho.
"Babe, pwedeng mag tanong?"
Nilingon ko sya pero nasa daan parin ang attensyon nya. Kaya naman sinagot ko nalang ang tanong nya.
"Sige lang"
"Asan ang parents mo?"
Natigilan ako sa tanong nya na yun. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita
" Wala na, patay na" sabi ko sa kanya
"Sorry"
para saan?
"Bakit ka mag so-sorry, hindi naman ikaw ang may kasalanan kung bakit sya nawala"
"Wala lang, pakiramdam ko lang kailangan kung mag sorry dahil nag tanong pa ako" sincere na sabi nya pa
"Hmm ok lang yun, may mga bagay kasi talaga na kailangan nating tanggapin na hindi na maibabalik pa pero hindi ibig sabihin nun na kailangan nating parating masaktan sa tuwing maalala nating ang nakaraan. Minsan ito rin ang nag papasaya sa atin lalo na kung mahalaga ang mga alaala na yun" mahabang paliwanag ko.
Totoong nasasaktan parin ako sa tuwing naaalala ko ang mga nakalipas pero sa haba ng panahon natutunan kong pahalagahan ang mga alaalang iniwan ng mommy ko sa isipan ko. Hindi nga lang mawala wala ang galit sa puso ko pero sapat na ang alaala na yun para mag patuloy ako sa buhay ko.
"Luhhh ang lalim naman ng hugot mo" biro nya. Tumawa lang ako ng bahagya. Alam ko kasi na pinapagaan nya lang ang loob ko.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung ano nga ba ang magiging buhay ko pag ka graduate ko. Ano kaya ang magiging papel ko sa mundo?
Magiging masaya ba talaga ako?
Bumalik lang ako sa realidad ng may tumikhim sa gilid ko.
" Nandito na tayo" masayang ani nya. Aaminin ko gwapo talaga sya lalo na pag naka ngiti sya ng ganito. Walang tapon eh pakboi lang talaga masyado. Sayang kung hindi lang sana sya malandi malamang dati ko na syang sinagot.
Inalalayan nya akong makababa ng kotse. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Iba talaga pag big time!
"Table for two sir?" tanong ng isang boy pagka pasok namin sa loob. Giniya nya kami sa isang pang dalawahang table. Inalalayan ako ni Saint maka upo.
"Thanks"
"Your welcome Babe" malambing na saad nya. I just smiled on him. Minsan pala sweet din ang isang toh.
Nag order lang sya ng pagkain para sa aming dalawa.
"Medium cooked Steak and Tinapa flakes Pasta. What do you want for drinks ma'am? sir?" tanong ng waiter.
"Champagne please"
"Right away sir" paalam ng waiter bago umalis para ihanda ang order namin. Nilibot ko naman ng tingin ang resto. Simple lang ito pero kapansin pansin ang pagiging elegante nito. Para kasi syang Italian restaurant na may combination ng Chinese cuisine. Basta yun yung nakikita ko.
"Do like it here?" Napalingon ako na biglang pag tanong nya. Tumango lamang ako.
"Alam mo madalas kami dito mag dinner ng family ko" kwento nya pa.
"Kapag may free time sila sa opisina dito nila ako dinadala. Naiinis pa nga minsan sa kanila kasi madalang lang nga kaming lumabas tapos dito pa kami pabalik balik ang dahilan lang nila parati ay dito daw ang first date nila kaya gustong gusto nila dito kumain" masasayang pag papatuloy nya. Hmm makikita mo talaga sa mukha nya na masaya sya tapos yung mata nya parang kumikislap habang nagsasalita sya. Siguro magaganda talaga ang mga alaala nya. Naisip ko tuloy kung hindi ba nawala ang mommy ko magiging kasing saya kaya nya ang buhay ko?"Anong iniisip mo?" pag puputol nya sa imagination ko.
"Uhh wala" pag sisinungaling ko.
"Alam mo Angela ang ganda mo" sabi nya pa
"Alam ko" pagmamayabang ko. tumawa naman sya ng mahina.
"You never failed to amuse me"
"Yeah sabi mo nga"
"You know what?...I really like you--a lot" pang aamin nya. Napa tulala naman ako sa sinabi nya. Seryoso? Gusto nya ako at take note a lot! Punyemas totoo ba to?