CHAPTER SEVEN

2 2 0
                                    


~Bzirkk! ~Bzirkk! ~Bzirkk!

"Hello?"

"Ano knock down ka pa?"

"Bakit sabado naman ngayon eh"

"Ano ka may usapan tayong pupunta ka dito sa bahay para tulungan akong mag handa para sa surprise party ni Mommy"

"Ngayon ba yun?"

"Ay hindi bukas pa? Letse ka bumangon ka na dyan dali!"

"5 minutes"

"Bilis na, gusto mo ipa gising pa kita kay Saint dyan"

"Eto na nga eh maliligo na diba"

"Geh bye"binabaan nya ako ng telepono

"Bwisit na babae toh sya na nga mag papatulong sya pa ma reklamo!"

Pagkatapos ko maligo ay hinanda ko na ang mga gagamitin ko para mamaya sa party. Mag dadala na rin ako ng extra na damit kung saka sakali man na maraming bisita. Ayoko rin naman mag mukhang pulubi noh.

Nag taxi nalang ako papunta sa bahay nila Keil. Mayaman si Keila. Business man ang Daddy nya while Lawyer naman ang Mommy nya. Medyo ok kami ng Mommy ni Keila mabait kasi si Tita Kayla eh pero medyo strict ang Daddy nya ewan ko ba pero iba ang awra ng daddy nya. Nakakatakot!

Wala pang 50 minutes ay naka rating na ako sa bahay nila. Malaki ang bahay nila kung tutuusin pwede narin nga itong maging mansion pero sabi nila bahay lang daw talaga. Pag karating ko sinalubong agad ako ni Keil

"Bakla ang tagal mo ha"

"Excited?"

"Aba syempre. Dali na simulan na natin dahil mamayang 3:00 pm na ang dating nila galing business trip."

So ayun nga nag simula na kaming mag decorate sa isang mini stage malapit sa pool area. Nilagyan namin ito ng DIY Cherry Blossoms at pinalibutan namin ng balloons. Nag palagay na rin si Keil ng mga tables. Nag pa cater narin sya para maging madali nalang ang paghahanda. Ako naman ay patuloy lang sa pag lalagay decor sa stage. Hindi nyo kasi alam artistic ako,charot!

Matagal bago namin natapos ang pag aayos sa lahat. Nag lunch break muna kami ng saglit tapos pinag patuloy ulit namin. Ang kulang nalang kasi ay ang mga ilaw kaya ayun pinalagay nalang namin sa utility. 1: 53 pm na nang matapos namin ang lahat. Kaya napag desisyonan na namin ni Keil na mag palit na at mag paganda. Sabi ko na nga ba at marami ngang bisita buti nalang nag dala ako ng dress. Pagkatapos kong mag palit ng damit ay nag make up lang ako ng light lang. Maganda naman ako kaya hindi ko na kailangan ang make up. Korean beauty kaya ako kaya porselana ang skin!

Maya maya pa ay isa isang nag datingan ang mga sasakyan. Malamang mga bisita nila yan. Ang alam ko ay darating ang mga parents ni Saint dahil business partner sila ng Daddy ni Keila
Darating kaya sya?
Hayyyyy pano kung dumating sya? Ayoko pa naman syang makita ngayon dahil sa sinabi nya kahapon
Hindi ko sya kayang harapin

"Ang ganda natin bakla ah" lumabas si Keil galing sa kwarto nya.

"Ikaw kaya ang maganda" Ang ganda ng dress na suot nya hapit na hapit sa katawan nya. Golden colored back less dress. Sobrang elegante nya tignan. Bagay din yun sa night make up nya. Maganda talaga si Keila lumalabas ang pagka tisay nya.

"Tara salubungin natin ang mga bisita"

Sinalubong namin ang mga bisita na pumapasok sa loob. Ganito talaga kami ni Keila sa tuwing may okasyon na ganito sa kanila pinipilit nya talaga akong pumunta. Minsan nga kung ano ano pang dinadahilan nya para lang maka punta ako.

"Good evening hija, nandyan na ba ang mommy mo?"

"Parating na po sya Tita" sagot ni Keila sa isang ginang na sinalubong namin. Marami rami na rin ang mga dumarating na bisita.

"Keila restroom muna ako" paalam ko kay Keila. Tumango lang sya kaya dumeretso na lang ako sa restroom. Inayos ko lang saglit ang make up ko pag katapos ay bumalik na ako para hanapin si Keila pero nakita ko sya na kasama sa table ang parents nya kaya pumili na ako ng table na malapit sa table nila.

"Uh-um, can I join you?" sabi ng isang pamilyar na boses. Napa angat ako ng tingin and then I saw him. Saint with his beautiful smile.

"S-Sure" nasabi ko na lang. Hanggang ngayon kasi naiilang parin ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya.

Angela umayos ka...kalimutan mo lang yung mga sinabi nya para wala ka ng maging problema

" Angela" pag tawag nya. Sana naman wag na syang mag salita pa ng kung ano ano!

"Oh?" tinignan ko lang sya. Hindi naman sya sumagot kaya kumain na ang ako para kahit papano hindi na ako mailang pa sa kanya.

Uminom lang sya at hindi na nag salita pa kaya hindi ko narin sya pinansin pa.

"Angela" pag tawag nya ulit sa pangalan ko.
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na hindi yung paulit ulit kang kaka Angela" pag tataray ko sa kanya. Well that's my normal when it comes to him.

"Nahihiya kasi ako" mahinang sambit nya kaya naman natawa ako. Kailan pa sya natutong mahiya?

"Tsk! Anong nakakatawa?" inis na sabi nya kaya pinigilan kong tumawa.

"Ikaw mahihiya? Hahaha!" sumimangot naman sya sa inasal ko.

"Ano tapos kana kakatawa?" sarkastikong ani nya habang nakanguso parin. Ayyy ang cute nya.

"Ano ba kasi yang sasabihin mo?"

"Ano kasi...yung tungkol dun sa sinabi ko sayo nung nakaraan" pag uumpisa nya. Nawala naman ang ngiti sa labi ko. Iniiwasan ko na nga ang topic na to eh!

" Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako...Ang gusto ko lang naman hayaan mo akong ipakakita sayo at iparamdam ang pag mamahal ko. Kahit pa di mo tumbasan ang pag mamahal ko basta tanggapin mo lang ang nararamdaman ko sapat na Angela. Pero kung saka sakali na magustuhan mo rin ako pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para lagi mong maramdamang mahal na mahal kita" dere deretsong sabi nya habang tinititigan ang mga mata ko.

Ramdam ko ang sensiridad sa bawat salitang binibitawan nya. Nakikita ko sa mga mata nya na talagang desidido na syang gawin ang lahat ng makakaya nya. Pero bakit ganon wala man lang akong maramdamang kakaiba. Wala man lang kaba o di kaya saya...wala akong maramdaman para sa kanya!

"Look...Saint I don't want to hurt you but I can't reciprocate the feelings you have" ha! sa wakas na sabi ko na

" I know kaya nga sinabi ko na I don't expect something from you pero sana naman hayaan mo ako...hayaan mo lang ako Angela" halos mag makaawa na sya sa harap ko. Ito yung hindi ko kaya...Yung may taong nagmamakaawa sa harapan ko. It's my weakness!

"Ok, payag na ako" napa buntong hininga nalang ako. Sana lang tama ang naging disisyon ko

"Thank you Angela...I promise hindi ka mag sisisi sa chance na to" masayang ani nya.

Sana nga...

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now