CHAPTER TWENTY ONE

3 2 1
                                    

Napalingon kami ng may limang sasakyan ang humarorot sa kinaroroonan namin. I know that this would happen...

Huminto ang mga ito sa harap namin at isa isang niluwa ang mga  pinsan ko na sina Renz, AJ, Nathe,L.M. at si Tito Joseph.
Lumabas rin ng bahay si Tita Sasha na nasa loob ng party kanina.

"Angela get in" utos ni Tito pero Tinitigan ko lang sya. As far as I remember I am Angela Herrera at wala akong kinakatakutan sa kanila.

"Angela Reighn!" tumaas na ang boses nya. Pero parang wala parin akong marinig mula sa kanila. Binabalot na ng galit at sakit ang buo kong sisitema.

"Noona let's go home!" pag pupumilit pa ni AJ pero hindi sapat yon.

Dumating na rin ang mga magulang nila Saint at Keila para tignan kong ano ang nangyayari.

"What's happening?" ma awtoridad na tanong ng daddy ni Keila pero walang pumansin sa kanya maski isa. Lumabas narin ang mga reporter na nasa loob kanina para i-feauture ang engagement. Pinaghandaan talaga para bumango ang pangalan nila!

Marami na rin ang tao na nakiki chismis. Tss!

"I told you girl she's a Herrera nakita ko sya sa isang litrato habang nag i-istalk ako kay Nathenial Herrera" sabi pa ng isang chismosa!

"Talaga? But why does she look like the president of Park Industries" sagot naman ng isa pa. Tss!

"Gaga! she's not tignan mo nga ang bata pa nya eh matanda na kaya yon"

"Noona tara na... please" pag mamakaawa ni Renz. He is frustrated I can see it. Ayaw kasi ng pamilya namin na maraming camerang nakapaligid. Masyado kaming pribado at mailap sa publico.

Mag sasalita na sana ako pero naagaw ang attensyon ko ng isang taong biglang lumabas sa sasakyan na nasa harapan ko mismo!

I suddenly froze!
Lumapit sya papunta sa gawi ko at halos mag kanda ugaga naman ang mga press kakakuha ng litrato. Wow! ngayon lang kayo nakikita ng koreano?

"Jal jinaesseyo?" I don't know what to say. I did not expect to see him after such a long time.

"Haraboji!" naisigaw ko sa sobrang kakaibang nararamdaman ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit na mahigpit. Gusto kong umiyak ng umiyak sa mga bisig nya
Gusto kong ganito lang kami at yakap ko lang sya. Miss na miss ko sya...miss na miss ko na ang lolo ko!

"Hahaha! namiss mo ba ako apo?" tumango tango lang ako habang yakap yakap ko parin sya.

"Come on let's go home" sinabi nya bago kami tuluyang sumakay sa sasakyan. Nilingon ko naman muna sila habang papalayo na kami sa lugar na yon.

Kitang kita ko ang mga tanong sa mga mata nila. They have no idea of who we are and I'm sure of that. We are the Herrera but I am Angela Reighn Park Herrera the only daughter of Park Min Shin the daughter of Park Hae Jin.

Ngayon makikilala nyo na ang taong sinaktan nyo ng sobra!

Nalito ako dahil napansin ko na sa ibang direksyon kami papunta. Kahit matagal na panahon na akong hindi umuwi sa Mansion de Herrera tanda ko parin naman kahit papaano ang daan papunta doon pati  rin ang Park territory ay malayo rin sa daan na tinatahak namin.

"Haraboji where are we going?" hindi ko na napigilang itanong. He just smiled but i see sadness in his eyes.

Napansin ko na wala si Xandre dito pati narin sina Tito Nial at Tita Shane. Kadalasan kasi kapag ganito si Tito Nial talaga ang pumipilit sa akin. Naalala ko nga dati sya lang ang parating kumakausap sa akin pagkatapos mamatay ni Mommy. Sigurado naman ako na si Xandre ang unang magmamakaawa sa akin na umuwi dahil miss na miss na nya ako tsaka ilang araw na rin nya akong kinukumbinsi.
Hindi na ako nag tanong pa kasi sa pag kakakilala ko sa kanina may dahilan lahat ng galaw nila.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang gusali lumabas na silang lahat kaya lumabas na rin ako. Herrera Empire building? Anong gagawin namin dito?
Pumila sa magkabilang gilid ang mga tauhan ni Haraboji pati narin ang ilan sa mga body guards ng Herrera Empire. Pumasok sila sa loob sa pangunguna ni Haraboji kasunod sina Tita  Sasha at Tito Joseph. Sunod sunod din na pumapasok sin Renz, Aj, at Nathe.

"Noona tara" yaya ni Lucas sa tabi ko. Nag pamaunang pumasok sya kaya sumunod nalang ako. Maraming tao na sumalubong sa amin pagka pasok namin sa lobby ng building. Sumakay lang kami sa elevator papuntang top floor kasabay ko sina Renz, at Aj.

Pagkarating namin sa top floor ay sumalubong sa amin ang nakabibinging katahimikan. Hindi ko alam kong bakit pero kinabahan ako bigla.

Pumasok kami sa isang kwarto at tila huminto ang lahat pag pasok ko literal na huminto! Sinuyod ko ng tingin ang bawat tao na nadaraanan ko. Lahat sila ay kapamilya ko. The Herrera Clan all in all. Nalilitong napabaling ako ng tingin ng  biglang bumukas ang isa pang pinto na syang nag pabilis ng tibok ng puso ko. Nasa loob ng pintuang yon si Xandre na mugtong mugto ang mga mata habang patuloy na bumabagsak ang  mga luha. Nakaluhod sa harap ng isang kabaong na tila ba hindi nya matanggap ang pagkamatay nito.
Unti unti akong nag lakad papalapit sa gawi nila. Hindi pa man ay kumakawala na ang mga luha mula sa mga mata ko. May nabubuo na na hula sa isip ko kung sino ang nasa loob ng kabaong pero hindi nito kayang tanggapin ang hulang iyon.

"N-Noona he's g-gone...h-he's gone already n-noona...
D-Dad already l-left us" gumagaralgal sa salubong ni Xandre. Unti unting humihina ang mga tuhod ko nawawala ang lakas ko sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang mangyayari sa loob lang ng isang araw. Parang isang bangungot ang lahat ng ito!

Diyos ko ano ba ang naging kasalanan ko at pinaparusahan mo ako ng ganito? Ano po ba mali kong nagawa? Kung meron man po sana ako nalang bakit ang Daddy ko pa...Alam kong nagalit ako sa kanya pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na sya mahal at hindi na sya mahalaga para sa akin dahil daddy ko parin sya na kahit nangibabaw ang galit ko sa kanya kadugo ko parin sya! Daddy ko sya eh! Tatay ko! iisa lang ang dugong dumadaloy sa mga ugat namin...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now