"Keila asan ka ba galing kanina pa kita hinihintay!Bakit ngayon ka lang?""Angela alam mo na ba ang balita ha?"
Hayyyssttt umiral na naman ang pagiging chismosa ng kaibigan ko...
"Ano?" walang ganang tanong ko
"Nag kipag break na daw si Saint kay Madison dahil may bago na daw syang girlfriend"
"Oh? Talaga?"
Kawawa naman ang bagong girlfriend nya baka katulad ni Madison paiyakin lang nya. Ewan ko ba sa lalaking yun tumagal naman sila ni Madison ng halos isang taon pero parang hindi man lang nya minahal kasi kahit sila na kaliwa't kanan parin ang mga babae nya.
"Kyaaaaaaa Bakla!" naputol ang pagmumuni- muni ko dahil biglang sumigaw si Keila.
Makasigaw naman to?
"Bakla nandito si Mr. Right-- for me!. Yummy ni papa pogi!" tili nya pa ulit.
Na curious naman ako at tinignan ang tinitingnan nya.
Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. I saw him again It was Saint.He was wearing a sweet smile while holding a bouquet of Red Roses. He is standing infront of me and I don't know why but my heart beat fast seeing the smile in his handsome face.
"Hi, for you" inabot nya sa akin ang bouquet na dala nya at nag tilian naman ang mga nasa paligid na nanood lamang sa aming dalawa.
Nagaalinlangan man ay tinanggap ko nalang."Wala man lang bang thank you?"
"T-Thank you" naisagot ko lang
Hindi ko alam kung bakit nya to ginagawa at wala rin namang dahilan para bigyan nya ako ng bulaklak. Pinag ti-tripan ba ako nito?
"What is this for?" hindi ko napigilang itanong sa kanya
"Bakit hindi na ba kita pwedeng bigyan ng bulaklak ngayon?"
"Hindi ko naman birthday at wala rin naman akong naalalang may okasyon para bigyan mo ako ng bulaklak"
Nawala ang ngiti sa mukha nya at kumunot ang noo nya senyales na hindi nya nagustuhan ang sinabi ko. Pero wala akong nakikitang mali sa sinabi ko lalo na at yun ang totoo na nasa isipan ko
"Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang" inis na sabi nya
"Okay"
"Pambihira!" bulong nya pero hindi ko maintindihan ang sinabi nya
"May sinasabi ka?"
"Wala! Sige na alis na ako" sabi nya lang at padabog na umalis.
Problema nun?
"Ang haba ng hair mo Friend!" tili ni Keila na nagyuyugyog pa!
"Angela hindi ko alam na lumulunok ka pala ng basura" sarkastikong ani ni Madison
"Uhh, excuse me hindi po basura si papa Saint noh!
Ikaw po ang binasura nya remember?" pagtataray ni Keila sa kanya.Inirapan nya lang kami at pumunta sa table nya.
I pity Madison kasi alam kong Mahal nya si Saint. But she does not deserve someone like him. She deserves someone who will love her same as what she deserves. Ano ba ang pinagsasabi mo dyan Angela? Pabayaan mo nalang sila
Natapos na ang klase namin at nauna ng umuwi si Keila kasi may lakad pa sila ng Mommy nya. I miss my Mom...
Naalala ko before parati kaming lumalabas dalawa. She always takes care of me lalo na kapag may sakit ako. I never felt unloved but not until namatay sya.