CHAPTER SIXTEEN

2 2 0
                                    


"Keila tara na sa canteen gutom na ako" inaaya ko si Keila kasi pansin ko na matamlay sya ngayon at parang hindi sya mapakali kako gutom lang sya.

"Ayoko ikaw nalang" napataas naman ang oh my so gorgeous eyebrows ko sa lukaret na to!

"At bakit naman ako lang? diba nga best friend mo ako dapat sinasamahan mo ako! Bakit sino ba? Sino na ba ang bagong best friend mo at wala ka nang oras para samahan ako ha? Sino?" mala artista na drama ko. Hahaha! Bakit ba sa good mood ako ngayon eh!
Napangiwi sya sa inasal ko.

"Ang OA mo sa busog pa ako pwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mong magpasama hindi yong ganyan...Ang drama mo!" natatawang ani nya. Oh diba? Success! Napatawa ko sya. Whahahahahaha ang galing mo talaga Angela kahit kailan dramatic actress ka talaga!

"Tss! At least maganda na pasok pang maging artista Malay mo pag hindi ako makahanap  ng magandang trabaho mag a-artista nalang ako diba?" pwede kaya akong maging best actress noh? Sa ganda ko bang ito pwede na nga rin akong mag model sa mga magazines!

"Oo na po madam maganda ka na pero ako parin ang dyosa!" angal nya pa. Edi sya na dyosa ako naman ang Reyna ng mga dyosa Hahaha! Akala nya?

"Tara na nga" hinila ko sya papuntang canteen kasi totoo talaga na gutom na gutom na ako busit kasi si Xandre eh sinabihan ko na nga na wag nang pumunta sa apartment ko pero ayun pumunta parin ang loko kaya umagang umaga ay nagtalo lang kami hanggang sa nakalimutan ko ng kumain kaya eto gutom na ang lola nyo!

"Ayaw mo talagang kumain?" umiling lang sya kaya nag order nalang ako ng spaghetti, tuna sandwich at Choco shake tapos bumili narin ako ng chips para sa kanya syempre ayaw ko namang ako lang ang kumakain eh ang patay gutom ko lang tingnan kapag ganon noh! Saka kailangan din maging galante tayo kahit minsan lang chips lang naman eh hindi na nakakabutas ng bulsa hindi pa naman ako ganon ka dukha gaya ng inaakala nyo kaya kaya ko pang manglibre kahit mumurahin lang.

"Ang dami naman yata nyan gutom ka masyado?" pang aalaska nya. Naku kung alam mo lang kaso hindi mo alam kaya sasarilihin ko muna.

"Oo eh na late ako ng gising kaya hindi na ako nakapag breakfast" palusot ko at syempre dahil magaling ako na artista ay nakumbinsi ko na naman sya. Tsa! Grabe na talaga ang acting skills ko mag audition na kaya ako sa Pbb baka matanggap na ako at baka nga manalo pa ako bilang big winner! Ayyy kaso hindi pwede dahil makikilala pala ako ng pamilya at ibang family friends namin. Tss nakakaloka noh diba? Ang gulo lang masyado ng buhay ko alam nyo kasi secretong nagpakasal lang ang mga magulang ko noon kaya hanggang sa mamatay ang mommy ko wala talagang may alam na nagka asawa at pamilya sya kaya ito para akong alien! unidentified person o di kaya ay unknown specie dahil walang may ibang alam ng pagkakakilanlan ko at nang kapatid ko dito sa mundo. Tanging kapamilya lamang namin at kami ang nakaka alam ng secreto sa buong pagkatao namin kaya nga nahihirapan akong ipa alam ito kahit pa kay Keila kasi hindi ko alam kung papaniwalaan ba nya I mean wala kasing mga basehan o patunay na sila nga ang mga magulang namin as in wala maliban lang sa amin ng kapatid ko at mga pinsan ko na walang duda na itatago nalang din itong sekreto dahil pag pi-pyestahan kami ng media pag nagkataon. Ang pinaka ayaw ng pamilya namin ay ang maisa publico ang mga bagay bagay tungkol sa pamilya namin pareho nilang gusto ng privacy at katahimikan mula sa mga media personnel at showbiz. Dati daw kasi ay lagi kaming laman ng usap usapan sa mga magazines, interviews at tabloid hindi din naman nasabi sa amin ni mommy kung bakit pero ang alam ko lang base na rin sa mga magazines na nakikita ko dati na naging cover si mommy at minsan ko na rin nakita na maging si daddy ay may sarili ding cover sa isang magazine at kung hindi ako nag kakamali ay isa yong business magazine na may nilalaman na mga business article at mga pinag daanan nila bago nila naabot ang mga position nila.

"Friend hinay hinay lang sa pag subo hindi ka maaagawan" pag saway ni Keila dahil hindi ko na pala na pansin na panay ang subo ko habang nag iisip ng kung ano ano mukha na nga yata akong PG nito! Hayyyssttt

"Bakit ka pala absent noong nakaraan Keila?" tanong ko sa kanya habang sumusubo. Hahaha panay talaga ang subo ko eh gutom talaga haha!

"Wala lang feel ko lang" ayyy ang taray ng loka may pa feel feel pang nalalaman eh kung batukan ko kaya toh napapadalas na ang pagiging abnoy neto eh!

"Eh pano kung ma feel lang din ng mga prof natin na I drop ka?" I sarcastically said ohhh? Tignan natin kung may ma feel ka pang lukaret ka! Hayyyssttt hindi nag iisip kong ma drop out sya kaka absent nya may maitutulong ba ang mga na fe-feel nya ha? Tss... walang kwentang dahilan!

"Edi i- drop nila pake ko ba sa kanila" aba! Asan na ba ang utak netong babaeng toh at nawawala ata ang kaibigan ko! Diyos ko kung sino man po ang sumapi sa kanya paalisin nyo na po at masisira ang buhay ng kaibigan ko.

"Bakla umamin ka nga?" pang e-enteroga ko sa kanya. Kunwari detective ako haha!

"Ano" pinaningkinitan ko sya ng mata para mas kumbinsido na detective ang peg ko.

"Sino ka at nasaan ang kaibigan ko na maarte at mukhang bakla?" Hahaha ano bang klaseng tanong yun laugh trip lang! Hahaha! Grabe bigla ata gumanda ang mood ko kahit na irita ako kanina.

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now