CHAPTER NINETEEN

4 2 0
                                    

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang magka katrangkaso pa yata ako. Pero bahala na basta papasok ako at haharapin ko si Saint. Gusto kong ipaalam sa kanya na Mahal na Mahal ko sya at handa akong mag paliwanag sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto at tulad ng inaasahan ko nasa kusina na si Xandre at kumakain. Marami na ring mga pagkain sa hapag pero hindi na ako mag tataka dahil mahilig sya mag order ng korean foods online. Kumuha narin ako ng plato at sinaluhan syang kumain.

"Noona...you need to go home" nag salita sya. Hindi ko naman pinansin ang sinabi nya at nag patuloy lang ako sa pagkain ko.

"Noona, Dad needs you he's comatose right now" dun lang ako natigilan at napa angat ng tingin sa kanya. Ano daw?

"Dasi malhae juseyo?" bumuntong hininga pa sya at nilapag sa mesa ang chops stick nya. Tumunghay sya sa akin at nag salita.

*Dasi malhae juseyo? : Please repeat?

"When you were gone he's really devastated and he feels so sad about you hating him. He wanted to see you but he knows that if he will get an investigator to find you you'll be more angry with him so he wanted to give you time because he is hoping that one day you will go home because you already have forgiven him. But as time pass by he's been more frustrated having you out of his life. He became depressed that's why Tito Nial have to take over the company so that he could have less stress but it made him worse. He got psychologically sick. And then when I already have the time I hired a private investigator to find you and I did find you but the thing is he herd me talk to Tito Nial about finding you. He sneak into my room to get the paperwork the investigator gave me with all your details in it including your address. He went to you but instead got an accident. He is now confined in the hospital but still unstable" para namang nilamukos ang puso ko sa mga narinig ko. Mas bumigat pa lalo ang nararamdaman ko.

***********

Pag kadating ko sa school ay kapansin pansin ang tingin at bulong ng mga estudyante sa tuwing dadaan ako. May dumi ba ako sa mukha?

Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso na ako sa classroom. Pagdating na pagdating ko ay naka harang na agad si Madison sa pintuan ng classroom. Hayyyssttt wrong timing talaga tong palakang ito!

Hindi ko sya papatulan ngayon dahil ubos na ubos na ang lakas ko.

"Pwede ba dadaan ako" sabi ko lang sa kanya pero para namang bingi ang isang to at wala atang marinig.

"Madison tumabi ka dahil wala ako sa mood" diniinan ko nalang para mas maintindihan nya. Tinaasan lang nya ako ng kilay kaya naiirita na ako. Tangna! Madali pa naman ako magalit kapag ganitong wala ako sa hulog!

"Tatabi ka o paduduguin ko yang kilay mo?" She just chuckled. Ano ba ang akala nya nag bibiro lang ako? Tangna! Pag ako hindi maka tantsa masasabunutan ko to!

"Kawawa ka naman Angela yong taong inaasahan mong kakampi mo ay sinasaksak ka patalikod" makahulugang ani nya. Ano ba ang pinag sasabi sabi nito? Baliw na ata tong palakang ito? Walang sense mangtrip!

Nilagpasan ko lang sya at dumeretso sa upuan ko. Hinanap ng mga mata ko si Keila pero wala pa yata sya. Himala at nauna ako dati naman ang aga aga ngang pumasok kaysa sa ibang estudyante. Hindi ko nalang pinansin dahil baka masama lang ang pakiramdam nya o kaya baka ma late sya.

Lumipas ang na lang ang lunch break at wala parin si Keila kaya napag desisyonan ko na tawagan na lang sya pero naka ilang ring na ako at wala paring sumasagot kahit na  isa. Ano kayang nangyari sa kanya?
Pupuntahan ko nalang sya mamaya sa kanila hahanapin ko muna si Saint ngayon para maka pag usap na kami ng maayos.
1:13 pm na kaya dumeretso na ako sa classroom nya ang alam ko may vacant time sila ngayon at 2:00 pm pa ang klase nya. Pag karating ko sa classroom nya ay sinuyod ko agad ang tingin ang loob ng classroom nila pero hindi ko talaga sya makita.

"Ahhh, Sam nasan si Saint?" best friend ni Saint si Sam kaya alam ko na alam nya ang lahat ng lakad nito. Bakas naman sa itsura nya na nababahala sya.

"Sam asan sya?"

" Kasi..." napa kamot sya sa ulo nya kaya tumaas ang kilay ko.

"Sabihin mo" medyo galit na utos ko. Natakot naman ata sya kaya wala na syang magawa kung hindi ang mag salita.

"Nasa may garden sya sa gilid ng Social Hall" agad naman akong tumungo roon. Medyo malayo layo ang SocHall kaya binilisan ko ang paglalakad ko pero nang malapit na ako ay napahinto ako. Kinabahan ako bigla. Parang may kung anong nagsasabi sa akin na dapat akong matakot. Pero bakit?
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad at napahinto sa may gilid. Napa awang ang labi ko at kusang tumakas ang mga luha ko. Parang tinutusok ng paulit ulit ang puso ko tapos sinusunog ang katawan ko. Nanlulumo ako sa nakikita ko pero nangingibabaw ang galit ko.
Bakit? Bakit kung kailan handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko saka pa ako masasaktan ng ganito?

"Ahhhhh... Saint" ungol ng babaeng kahalikan nya. And I am not mistaken kung sino sya. It's her Madison!

Napatalikod ako. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Nasasaktan ako! Ang sakit sobra!
Hindi ko na malayan na tumatakbo na pala ako papalayo sa lugar na yun. Gusto ko ng maka alis dito! Hindi na ako maka hinga!
Papalapit na ako sa may gate ng school ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Huminto ako kaya naabutan nya ako. Marahan kong hinawi ang mga luha ko.

"Angela" humihingal na usal ni Felix. What happened to him? Mugtong mugto ang mga mata nya.

"Pupuntahan mo ba si Keila?" tumango nalang ako. I need her...I need someone who I can hold on to.

"Sama ka na sa akin" yaya nya at hindi na ako tumutol pa dahil ang tanging gusto ko lang ay maka alis dito.

"Angela ok ka lang?" tanong nya habang tinatahak ang daan papasok sa village nina Keila. Tumango lang ako at binigyan sya ng pilit na ngiti. Hindi ko kayang mag salita pa dahil baka hagulhol lang ang lumabas sa bibig ko. Pag dating namin sa mismong bahay ni Angela ay kinausap lang nya ang guard at pumasok na rin kami. Pagka bukas palang ng entrada ay kapansin pansin na ang mga mesa at abubot sa malaking espasyo sa harap ng bahay nila. May party pa yata sila. Kaya siguro wala si Keila kanina dahil busy sya.

Iginiya lang kami ng maid papunta sa sala nila at hindi katagalan ay lumabas si Keila mula sa kwarto nya. Naka ngiti sya ng makita ako pero agad na nag bago ang expression nya ng magtama ang paningin nila ni Felix.

"Anong ginagawa mo dito?" matalim na tanong nya kay Felix. Naka ramdam naman ako ng tension sa pagitan nila.

"Diba sabi ko busted ka na at ayaw na kitang makita pa" dagdag ni Keila. Nag taka naman ako. Akala ko ba sasagotin na nya ito? Bakit bigla atang nagbago?

Why is it hard to say?Where stories live. Discover now