Chapter 1: The Jinx meets the Atlas

80 1 0
                                    

CLEOPHEE

I calmly walk through the hallway with different eye expressions from students glancing at me. Siguro ay nagtataka sila na may bagong mukha na naman sa eskwelahan nila. Iba't ibang mga bagong mukha at personalidad na naman ang makikita ko sa taong ito. It's my first day of being an official senior high school student. Di ko akalaing aabot ako sa ganito despite what happened noon.

*knocks*

"Hello...", mahinang bati ko sa teacher. Ngumiti naman ito before signalling me to come and join them.

"Students, this is Cleophee. Sya yung magiging bagong kaklase ninyo. She's a month late sa enrollment dahil kakatransfer lang nya galing sa probinsya. Be nice to her okay?"

"Opo", parang mga batang usal ng mga bago kong kaklase. Umupo ako sa pinakalikurang upuan dahil yun lang din naman ang natitirang bakante.

"Cleophee, sana naman ay nag-advance reading ka dahil medyo malayo layo na yung topic namin. Ayaw naming mahuli ka sa klase"

"I already did my research sir", nakangiting usal ko.

"That's good to hear. Anyways kailangan nyong sagutan itong isusulat ko sa board ha. I'll write a math solution then kayo na ang bahalang magsolve. You can raise your hand kung gusto nyong sumagot"

He started writing an equation on the board bago naupo at humigop ng tsaa. It's quite surprising seeing a teacher having a tea during class. Sa kung anong kadahilanan, napapatingin ako sa bawat galaw na ginagawa ni sir. Mula sa paglipat ng pahina ng libro ay binabantayan ko. He look bothered, hindi man halata but his shaking hands proves so. Here I am again with my keen observations. I don't have control to this behavior. Parang kusa nalang gumagalaw ang katawan ko at inuusisa ang mga tao sa paligid ko.

'Kailangan ko nang bayaran yon. Hindi pwedeng maoverdue ang payment. Nakakainis'

My brows furrowed after hearing his thoughts. I raised my hand and jiggled it til he notices.

"Yes Cleophee? May sagot ka?"

Tumango lang ako at lumapit sa board. Tinitignan nila bawat kilos ko, mula sa pagkuha ng chalk hanggang sa unti unting pagsulat sa board. Sinadya kong bagalan ang pagsusulat. Sa peripheral vision ko, nakita kong may isinilid na maliit na sobre si Sir sa cabinet nya bago ininom uli yung tsaa nya. Nang matapos na ako ay nagpalakpakan naman sila, obviously cheering me for a job well done. Tama ang sagot ko.

"Nice. Mukhang matalino pala itong bagong estudyante natin. Good job Cleophee now let's move on to the next equation"

Kahit nanginginig ay nagpatuloy sa pagsulat si Sir sa board, maya maya pa ay nakarinig kami ng malalakas na yabag ng paa. The students from nowhere started running towards the emergency exit.

"Anong nangyayari?!"

"May nangyari daw sa principal's office! Tara tignan natin!"

"Class! Class! Wag kayong pumunta don. Let's head to the exit okay?", balisang usal ni Sir. Wala namang nagawa itong mga kaklase ko kundi ang sumunod kay Sir. We exited the classroom pero dahil umiiral na naman ang kyuryosidad ko ay naisipan kong sumilip dun sa principal's office na sinasabi nila. With my ninja skills, madali lang akong nakapuslit mula sa class ko. I secretly headed to the principal's office kung saan yung sinasabi nilang may nangyari daw. Bumungad sakin ang mga teachers na sumisilip silip sa loob ng room.

"Paano nangyari to?!"

"Sino ang walanghiyang papatay sa principal natin!?"

"Shame on that killer! Wala syang awa!"

Act I: Operation Arcanemesis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon