Chapter 16: Janus De Rossi

49 0 0
                                        

CLEOPHEE

Matapos ang madramang eksenang iyon ay inimbitahan na nila si Enrique sa presinto to introduce a final statement. Bumalik naman kami sa apartment namin at naupo ng pabilog sa sala.

"Cleo, you were great kanina", puri ni Morrigan.

"Show off", biglang usal naman ni Alaric bago tumayo at pumasok na sa kwarto.

"May nagseselos ata dyan", Memphis chuckled.

"Cleophee, can we talk?", Atlas asked. Tumango naman ako. "Like, privately?", lumingon sya sa mga kasama namin na mukhang nagets naman ang gusto nyang sabihin dahil tumayo na sila at bumalik sa mga kwarto nila.

"What do you wanna talk about?", panimulang tanong ko.

"What are you?", kunot noong tanong nya.

"What do you mean?"

"Ano kaba talaga? Bakit ang weird mo?", tanong nya. Tumawa naman ako sa seryosong mukha nya. "I'm asking you seriously Cleophee"

"Ikaw, sa tingin mo? Ano ba ako?", balik na tanong ko. I cannot let him dig more information about me. "I know you're curious but be careful, curiosity kills the detective, kung may gusto kang malaman, keep it to yourself, I'm busy", usal ko at tumayo na. "Lalabas muna ako, magpapahangin"

Lumabas nga ako ng apartment at nagpunta sa rooftop. Hindi na daw muna paparentahan yung kwartong nasunog, kailangan pa daw ayusin at linisin. May kamalasan na namang nangyari. Di na talaga ako tatantanan ng kamalasan. I close my eyes as I sighed deeply. I let the wind embrace me.

Magpakasaya ka ngayon, tignan natin kung hanggang saan aabot ang kyuryosidad mo...

Napalingon naman ako sa paligid nang makarinig ng boses. It's someone's mind voice. Inilibot ko ang tingin sa palibot ng rooftop pero wala akong nakitang kahit sino.

"Hey Cleo", gulat naman akong napatingin kay Memphis na kakapasok lang sa rooftop. Ngumiti ito at tumabi sakin sa bench. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"

"Anong ginagawa mo dito?", pagbabalik ko ng tanong.

"Atlas told me na nagpahangin ka daw, i was assuming na dito ka dumiretso kaya dito na ako pumunta. May problema ba?", tanong nya.

"Nothing, I just miss my brother"

"You have a brother?", I nodded. "Siguro pogi yung kapatid mo", nakangising usal nya. "Asan na sya ngayon?"

"Matagal na syang patay", natahimik naman ito at napayuko.

"Sorry, I didn't know", she murmured.

"It's nothing"

"Cleophee, alam mo, matagal na talaga kitang gusto, the moment I laid my eyes on you, may nakikita na akong kakaiba sayo, something you have and Iliana don't. Hawig nga kayo pero may something sayo na wala sa kanya. I don't know it yet pero I can tell", she smiled.

"I am different", tanging sabi ko.

"What kind of different?"

"Different that even a normal person can't understand", I said. "It's late, tara balik na tayo", aya ko sa kanya. Tumayo naman ito at nauna nang bumalik. Sa paghakbang ko papasok sa pintuan, isang mabilis na bagay ang biglang dumaan sa likod ko. Naalarma naman ako at agad na lumingon pero wala akong nakita. Parang ninja ito kung kumilos. "Hey, if you're following me, siguraduhin mong hindi halata okay?", sabi ko at bumalik na sa loob.

Umuwi si Tempest sa bahay nya kaya ako na ulit ang natutulog sa kwarto ko. Nilinis nadin ang lab nila pero hindi pa pwedeng ipagamit sa kahit sino.

Act I: Operation Arcanemesis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon