CLEOPHEE
"Agent?!", takang tanong ni Atlas. Tumawa naman ng malakas si Tempest bago sya pinakawalan ng mga goons. Lumapit ito sa tabi ni Janus na pangisi ngisi parin. Napayukom ako ng kamao. Traydor sya. "Traydor ka!", sigaw ni Atlas.
Wala naman akong nakuhang reaksyon mula may Alaric. Alam na ba nitong matagal na itong nagtataksil? "I knew she was a spy sa simula palang, kaya ko sya pinayagang makasali sa grupo to dig more information about her and why is she spying us. Ikaw pala ang nag-utos sa kanya"
"So the jar was just an alibi?! Pano si Mara?!", litong tanong ni Morrigan. Tumawa naman si Tempest. "Ikaw ba ang pumatay sa kanya?"
"Mahinang nilalang si Mara, at ang mga mahihinang nilalang, hindi nababagay samin", usal nya.
"Bakit, ano ba kayo?", tanong ko. "Are you related to Nemesis?"
Hindi nyanako sinagot sa halip ay lumapit ito sakin at hinimas ang pisngi ko. "Kamukhang kamukha mo si Iliana alam mo ba? Para kayong kambal...nakakalungkot kung tutulad kadin sa kanya", ang mga titig nya... Sya iyon, ang matagal nang nanonood sakin mula sa bintana ng kwarto ko at yung boses na narinig ko nung nasa roof top ako. Sya ang lahat ng iyon. Isa sya sa mga Royals....
"Are you the Queen of Hearts?", tanong ko. Ngumiti naman ito at tumango.
"Matalino ka, nung nakita kitang kasama ang mga kagrupo mo, it feels different, parang nabuhay muli ang kinaiinisan kong si Iliana"
"Ikaw ba ang pumatay sa kanya", kalmadong tanong ni Alaric.
"Of course not, a queen don't lower herself just to kill a peasant. Sya ang pumatay sa sarili nya, sa simula palang ng kyuryosidad nya, alam nyang mamamatay sya sa ginagawa nyang paghuhukay"
"All along kasama lang pala namin ang isa sa mga sugo ni Nemesis", Atlas intoned. Tahimik lang na nakikinig ni Memphis na parang isang maliit na tutang pinapagalitan ng nanay. "How dare you betray us!"
"Aww, hindi ka kasing talino ng leader nyo...", the way she talks, full of intrigue and mystery. Her act was succesful. Napaniwala nya ang lahat na kakampi sya, except for Alaric.
"Kasabwat kadin ba Janus?"
"Call me Ten", he smirked. Mga parte nga sila ng Royals. Nagkaroon kami ng lead kay Nemesis sa hindi pa magandang simula.
"Kayo ba ang may gawa nung pagkamatay nung iba pang nakatransaksyon ni Nemesis? Two Gomez, Odysee and Mr. Librado?"
Umiling sila. "I'm a queen, I don't play, pinapaubaya ko na iyon sa mga tauhan namin. Ngayong may mga kaunting kaalaman na kayo, pwede nyo nang simulan ang laro. Congratulations", sa tono nito, mukhang natutuwa pa ito nang malaman naming taksil sya. "Mga bata, dalhin nyo sila sa kwarto", utos nya, dinala naman kami nung mga goons nila sa isang kwarto na may pulang ilaw. Walang laman ang kwarto. Limang upuan lang at isang pahabang lamesa.
"Hmmm, alam nyo kung anong masaya? Ang makita kayong magkakaawang palabasin kayo sa lugar na to", the old man laughed. Sa inis ko, dinuraan ko sya sa mukha. Akmang susugurin nya ako nang pigilan naman sya ni Tempest. May kung ano itong ibinulong sa kanya.
"Mga bata, simulan nyo na", iniwan nila kaming lima sa mesa. Agad silang umalis nang may pinduting kung ano.
"Guys, I'm scared", naiiyak na sabi ni Memphis.
"It's an escape room", sabay naming sabi ni Alaric. "An escape room ran by a stimulation. Ibig sabihin, hindi totoo lahat ng nakikita natin dito. Maaring sinistimulate lang nila iyon oara magmukhang ibang bagay", paliwanag nya.
"What the fuck? The last time I got stuck in my closet, isang buong araw akong di nakakain! Anong gagawin natin?", Morrigan asked.
"We must start somewhere. Come on guys, let's check the room", naghiwa-walay kami at nagkanya kanya ng kapa sa mga sahig at pader. Escape rooms usually have secret doors or a hidden vault where we could find something, like a clue for the next or current level.
BINABASA MO ANG
Act I: Operation Arcanemesis (Completed)
Mystery / ThrillerA typical highschool teenager wanted to live peacefully despite her dangerous power of reading people's minds. When she reach senior high school she didn't know she will witness such crimes. Crimes that will pull her back to a life that she wanted t...