CLEOPHEE
Update, we're stuck in this tree for like 10 minutes now and it's super awkward. He's not saying anything, he keeps staring at the ground not minding me being inches away from him.
"I think it's safe now, we should start looking for them", sabi nya. Tumango naman ako, pero mukhang maling move ata yon dahil nagtama ang mga mata namin. We locked eyes for a few seconds, nakakakilabot yung tingin nya, pero kahit ganun, I find it interesting—what am I saying?
Napa-aray naman ako nang kagatin ng langgam yung paa ko. Na-out of balance ako at mukhang nabalian ba ng ankle. Nahila ko din yung damit ni Alaric kaya pareho kaming nahulog.
Pagmulat ko ng mga mata ko, tanging hilo lang yung nararamdaman ko at sakit sa likod. Napatingin naman ako sa katabi kong dumadaing. Nakaunan ang kamay nito sa ulo ko kaya siguro hindi tumama sa ground yon. Tumayo ako at inalalayan syang bumangon. "Are you okay?", tanong ko.
Marahan itong tumango "Y-yea...", hinagod hagod pa nito ang likod ng ulo.
"You're bleeding..."
"I know", casual na sagot nya. "Hanapin na natin sila, gumagabi na, mahihirapan na tayo", akmang tatayo na ako nang napaupo naman agad. I twisted an ankle nung nahulog ako. Pinilit ko namang humabol kay Alaric na dirediretso lang sa paglalakad.
Hindi na ako nakatiis sa sakit kaya tinawag ko sya, buti nalang at hindi pa ito nakakalayo. "I twisted an ankle", daing ko at hinihilot hilot ang masakit na paa. Lumuhod naman ito sa harap ko.
"Come on, bubuhatin na kita", usal nito at tumalikod sakin. Sumampa naman ako sa likod nya. Parang may kung anong boltahe ang dumaloy sakin nang hawakan nito ang mga hita ko to support my weight. Napakapit naman ako ng husto sa kanya nang muntikan na kaming matumba.
"Hey, are you okay?", tanong ko. "You don't seem okay. Let's take a re—ahhh!", napatili ako nang biglang matisod si Alaric. Natumba kami pareho pero humarap sakin si Alaric at niyakap ang bewang ko. Pumikit ako ng mariin nang masubsob ako sa kanya.
"D-don't move", usal nya. Kahit madilim ay ramdam ko ang nakakatindig balahibong titig nya. Tanging sikat ng buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw namin. Everything else is pitch black.
"W-why?"
"May nakatingin satin", usal nya. Nagpalinga linga ako sa paligid but I can't see anything. Nagsisimula nang mamuo ang mga fog na mas nakakapagpalabo naman ng paligid."On a count of three, we'll run at 12 o'clock"
"Sino ba ka—"
"Shut up and follow me", matigas na sabi nya. Natameme naman ako sa pinakitang asal nya. Hindi na ako nagsalita at nag-antay nalang ng signal nya."1...2...3.....tayo", sabay kaming tumayo at tumakbo. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makita namin yung tatlo. Nakapagsiga na ito ng apoy at nakagawa narin ng maliit na bubong. Ganun ba kami katagal nawala?
"Where did you guys go?", tanong ni Morrigan.
"We were chased by a venomous snake that's all", I said full of sarcasm. Agad namang lumapit si Memphis sakin at chineck ang braso at binti ko na parang batang sugatan at kakagaling lang sa riot.
"Oh my gosh! I told you! We should stick together!", sermon nya. Umupo lang ako sa tabi ng apoy. Napatingin naman ako kay Alaric na nasa katapat ko lang, kanina pa ito hindi umiimik. Naupo kami paikot sa apoy at hindi na nagsalita pa. Awkward silence befell.
"Pano tayo makakauwi? We're stuck in a damn forest, how are we suppose to find the right path when we're surrounded by tall and laege trees. We barely see the sky", pagpuputol ni Morrigan sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Act I: Operation Arcanemesis (Completed)
Mistério / SuspenseA typical highschool teenager wanted to live peacefully despite her dangerous power of reading people's minds. When she reach senior high school she didn't know she will witness such crimes. Crimes that will pull her back to a life that she wanted t...