Chapter 28: The Real Memphis

14 0 0
                                    

CLEOPHEE

It took us days to find information about Baron dahil nga mailap ito. We even tried  waiting for him sa labasan ng school perp mabilis itong nakakawala sa paningin namin. He managed to escape from us ng maraming beses.

"He wouldn't run away if he's not guilty to something right?", Atlas asked.

"He could be part of the frame up too", Alaric muttered. The issue about Yukias quickly died down, isang araw lang itong pinag-usapan sa balita at mabilis na nawala sa isipan ng mga tao. I expected it dahil nga hindi naman bigtime si Yukias, wala namang magkakainteres sa kanya bukod sa mga kalapit nya.

Mom was sent to the mental hospital, sinabihan nya narin ako na sinisiguro nyang hindi sya magtatagal don dahil wala pa namang legal claims na may problema nga sya sa pag-iisip, iisang psychiatrist pa naman ang nakukonsulta nya at yun lang ang pinagbasehan ng pulisya para ipasok sya sa mental. I never believed that my mom could be a psycho at naniniwala ako sa mga sinasabi nya. That Yukias guy was veey suspicious simula palang nang dumating sya sa buhay namin. Mom might be free from him pero kailangan nya paring pagbayaran ang legal na kasalanan nya.

The fact na inamin nya sa pulisya ang pagpatay, it is already enough evidence para ipakulong sya. I don't know If I should be happy that my mom is in the crazy house kesa sa malamig na likod ng selda.

Both of it seemed to be a crazy idea pero wala na kaming magagawa pareho. I also talked to our family lawyer at pwede pa naming pyansahan ang kaso nya pero kailangan nya paring manatili sa ospital for medical reasons.

"Hey...", ramdam ko naman ang mahinang boses ni Morrigan. He sat on my right at tinanaw rin ang malawak na school field. Di ko namalayan na nasa school field na pala ako. I was just talking to them kanina at nasa loob pa kami ng cafeteria. Time flew so fast.

"Hey...", bati ko pabalik.

"Bothered kaba?"

"It's nothing", paniniguro ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ito nang kunot noo ko naman syang pinatahimik.

"Shush!", marahas na sambit ko at itinuro ang lalaking nasa katapat na bleachers.

It's Baron!

"Is that him?", he asked. "Tara kumprontahin natin"

Mabilis kaming tumayo at tumakbo papunta sa direksyon nya. Naalarma naman ito at tumakbo rin pero naabutan ko parin sya. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit nya at hinila sya, it created a slashing sound, senyales na may telang napunit.

"Hey! Bakit ka tumatakbo?!"

"Get off me!", depensa nito at pilit tinatanggal ang kamay ko sa damit nya. Hinawakan rin sya ni Morrigan nang maabutan nya kami.

"Makipag-usap ka ng maayos or you'll be found lying next to worms and molds", banta nya sa lalaki. Napalunok naman ito at bumigay na. Without creating attention, naupo kami sa area kung saan hindi kami gaanong kita.

"Anong kailangan nyo sakin?"

"You're Alejandro, aren't you?", panimula ko. Tumango naman ito bilang sagot. "Bakit ka nagtatago? Are you guilty of something?"

"No! Sino bang hindi matatakot sa ginagawa ninyo?! You psychos are obviously stalking me! Pwede ko kayong kasuhan!"

"Mor, call them", senyas ko. He nodded in response at pinapunta ang iba pa sa field. Walang masyadong tao dahil practice lang naman ang mayroon sa field at hindi aktwal na laro.

Mabilis silang nakarating looking at Baron with complete annoyance, lalong lalo na si Alaric.

"Why did you hide?", tanong nito.

Act I: Operation Arcanemesis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon