CLEOPHEE
Odysee Martinez....
Isang kaso naman ang tuluyang isinara ng pulisya ngunit nananatiling bukas saming mga gusto pang mag-imbestiga sa kaso.
It was indeed Odysee Martinez, sya ang babaeng nasa storage room.
Nemesis
Hindi ko alam kung magsasawa ba ako sa pangalang yan, it's like hunting me pati sa panaginip ko. Ilang araw na ang lumipas at ganun parin ang naging dilemma namin, hindi na namin pinakialaman ang kaso ni Odysee, we had enough.
Nalilito na ako sa mga pangyayari, the book, isa iyong planner, hindi lamang yon isang simpleng libro, para bang isinulat ito para maisagawa. It's like played with actors and actresses. Papaano nalaman ng sumulat non ang naging usapan namin ni Odysee bago sya mamatay?
"What's bothering you?", biglang sulpot ni Memphis. This past days naging mas dikit si Memphis sakin. Para bang naging bantay ito sakin. Everytime aalis ako inaalam nya agad kung saan at ano ang gagawin ko. Hinahayaan ko nalang sya dahil wala rin namang kakaiba na nangyari lately.
"Nothing", I lied.
"How did you know it's Odysee? Yung babae sa storage room, are you a fortune teller or something?"
Or something maybe.
"I just know", iyon lang ang sagot ko. Nothing more.
"Alam mo, dapat nagbabakasyon tayo eh, you know, away from all these chaos"
"Bakasyon?"
"Yes! Napakastress na ng mga tao dito lately, pansin mo? I think we need a vacation, to unwind kahit sa tatlong araw lang"
"Uhh—"
"Don't worry, alam kong papayag yung tatlo, syempre nandun ka, pag ako lang paniguradong hindi pero kung nandun ka, for sure automatic na sila na oo sa request ko", malaki ang ngisi sa mga labi nya.
"O-okay"
Hinila naman nya ako papunta sa tatlo na nakalagi lang sa kwarto ni Alaric. Hindi naman sila nagpapansinan dahil kanya kanya sila ng cellphone.
"Guys, I suggest we go on a vacation, in na si Cleo, ano? Kahit 3 days lang"
Kunot noo naman syang tinignan ng tatlo. "Sa 3 days ba na yan, walang krimen na mangyayari? Kasi kung meron, saka lang ako sasama", Alaric uttered bago ibinalik ang tingin sa PC. He's always fond on solving crimes sa lahat ng oras. Para bang hinahanap hanap ng katawan nya ang dugo at mga misteryosong kamatayan ng mga biktimang involve. He'll fit as the real life Detective Conan.
"Aghh, I need that, I've been preoccupied lately, dami ng school works! Di pa natatapos ang sem parang katapusan na ng buhay ko", reklamo naman ni Morrigan.
"How about you Atlas? Sasama kaba?", tanong ni Memphis. Tumahimik naman ito saglit.
"If Alaric's coming, I'll come too", he answered.
"Yun naman pala eh, pumayag kana Ric! Masaya to! Sa resort tayo ng tita ko mags-stay! Maganda don! Sariwa ang hangin, malayo sa syudad, come on! Don't be KJ!", mas dumikit naman si Memphis kay Alaric na mukhang naiirita sa pagmumukha nito.
Ever since our last case, the apartment became silent, we often talk nor see each other dahil parang bumalik kami sa mga karaniwang buhay namin, which is school-bahay lang.
And to my mom, hindi parin ako nagpapakita at nagpaparamdam sa kanya. I know I'm too selfish but I need to calm myself first bago ko sila harapin, I don't wanna hurt my mom again, it would kill me.
BINABASA MO ANG
Act I: Operation Arcanemesis (Completed)
Mystery / ThrillerA typical highschool teenager wanted to live peacefully despite her dangerous power of reading people's minds. When she reach senior high school she didn't know she will witness such crimes. Crimes that will pull her back to a life that she wanted t...
