CLEOPHEE
Memphis and I never spoke about her secret again. Kahit papano ay gumaan ang loob ko dahil nalaman ko na ang tinatago nya.
Enyo...
Sino ba talaga sya?
Coincidence lang ba na ang lahat? I immediately went to my closet at hinanap ang panyo na ibinigay sakin ni Solo.
"Enyo...", I murmured. Pinasadahan ko ng tingin ang nakaburdang pangalan sa panyo. Kilala ni Solo si Enyo at kilala rin sya ni Memphis.
I got up and fixed my face bago lumabas at nagcommute papunta sa school. Busy sila Alaric sa kaso at hindi naman tamang pabayaan ko ang pag-aaral ko, I have commitments also at isa na ang school roon. Ibinulsa ko ang panyo at naglakad na.
Dumiretso ako sa library kung saan nakita ko si Solo na nag-aayos ng mga libro sa shelf. I approached him with a warm smile, ngumiti rin ito pabalik.
It's time to discuss everything with him. Dala dala ko ang panyo at ang librong ibinigay nya rin sa akin noon, the book kung saan nakasulat ang pagkamatay ng mga taong kilala ko.
"Hey Cleo"
"Solo, we need to talk..."
"Now?", tanong nya. I nodded as a response at naunang umupo sa pinakadulong lamesa malapit sa employee's lounge.
Inilapag ko sa mesa ang libro pero mabilis nya itong tinakpan gamit ang ibang libro. Nanlalaking mata nya akong tinignan.
"Bakit mo dinala yan?! It's dangerous Cleo!"
"Solo, it's time to answer some questions, gusto kong malinawan, gusto kong magkaroon ng ideya sa mga nangyayari sa paligid, please enlighten me"
"Curiosity kills Cleo, I suggest you remain ignorant about everything, in that way, you'll be safe and far from danger", mabilis na sagot nya.
"But I need answers! Hindi ko pwedeng takbuhan ang mga problema, I need to solve them....please Solo, ikaw lang ang kilala ko na makakatulonh sakin. Please help me, answer my questions"
Huminga naman ito ng malalim at sinilip ang likuran ko, checking if there's anyone near us. Nang masiguro nyang wala nang malapit na tao samin, he leaned forward at pabulong na nagsalita.
"I can't talk about it dahil pinagbantaan nya ako but for the sake of you, sasabihin ko na"
"Tell me Solo, what is it?"
"We are all a puppet of Nemesis....ang libro, isinulat yon para isagawa, he's probably mad dahil nawala yan sa kanya, Enyo gave that to me"
"Kilala mo rin si Enyo?"
"Oo, he'd the one helping me, sya ang tumulong sakin na bumangon...he's my saviour at bilang kabayaran, he ordered me to warn everyone na nangangahas na kalabanin si Nemesis. Nemesis is his number one enemy at ayaw nyang may dugo na namang dumanak dahil sa kyuryosidad tungkol sa pagkatao ng kaaway nya"
"Sino sya Solo? What does he look like?"
"Kilala mo sya Cleo, kilalang kilala, he asked me to look after you"
"Kilala ko sya?", takang tanong ko. I don't know any Enyo? O talaga bang Enyo ang pangalan nya?
"He doesn't want to reveal himself yet dahil hindi pa oras. He stole the book from Nemesis' allies"
"Bakit kopyang kopya ng libro ang pagkamatay ni Odysee?"
"When Odysee died, may nakakabit nang mic sa kanya, Nemesis does it to all his victims to document everything, he also has cameras everywhere to capture every detail at maisulat nya ito"
BINABASA MO ANG
Act I: Operation Arcanemesis (Completed)
Mystère / ThrillerA typical highschool teenager wanted to live peacefully despite her dangerous power of reading people's minds. When she reach senior high school she didn't know she will witness such crimes. Crimes that will pull her back to a life that she wanted t...
