Chapter 11: Villain Of The Pile

36 0 0
                                    

CLEOPHEE

Nasa starbucks na ako ngayon, nag-aantay kay mama. Sinabi nyang magkikita kami ngayong araw but she's not answering my calls. I'm not sure kung darating ba talaga sya. I entertained myself by playing solitaire on my phone.

Play Klondike Solitaire?
Yes|No

The goal of the game is to create a stack of cards from low to high in each of the four foundation piles. Each pile contain only one suit. In Klondike, aces are low and kings are high. The four foundation piles must begin with aces and ends with kings. Cards in column must be replaced in descending order and must alternate between red and black. You can also move the sequential runs of cards between columns. Just tap the deepest card in the run and drag them.

Taas kilay naman akong napatingin sa batang nakadungaw sa glass wall. Tutok na tutok ito sakin na para bang kilala nya ako.

*knock* *knock* *knock*

Nakangiti itong nakatingin sakin. Kumakaway kaway din ito sakin. Sinulat nito sa glass wall and letrang A, C, at E bago kumaripas ng takbo.

ACE?

"Hey there lady", napaangat naman ako ng tingin nang marinig ko ang boses na yon. "How are you?", nakangiting bati nya. I immediately stood up and hugged her.

"Hi, mom...", I smiled.

"Naku anak, namiss talaga kita, I'm with Yukias...", my smile slowly faded nang makita kong magkahawak kamay si mama at yung Yukias. "Anak, I want to formally introduce you to Yukias, soon he'll be part of our family too"

"W-what do you mean?", takang tanong ko. My brows are knitted and my fists are clenching. "Is this a joke?", I faked a laugh.

"No anak, Yukias and I are dating", my mom smiled. Mas nilakasan ko pa ang tawa na nakaagaw naman ng atensyon sa ibang costumer ng starbucks. "Anak naman, please don't do this, Yukias and I loves each other-"

"Ma! He's like 20 years younger than you!", asar na saad ko. Kung nandito si papa, paniguradong hindi rin sya papayag na makasal si mama sa mas bata at halos kaedad lang ng anak nila.

"Please understand our situation...", padabog akong umupo kaya lumapit naman si mama at tinapik ako sa balikat "If you're thinking na papalitan nya ang papa mo-"

"No mom, wala akong pake kung palitan mo si papa, just-bakit sa kanya pa?!", baling ko dun sa nobyo nyang tahimik lang na nakikinig samin. He didn't have the guts to answer, takot lang nya sakin at baka nalason ko na sya kanina palang.

"U-uhm, Cleophee-", tawag nung Yukias.

"Don't call me Cleophee! Hindi ka welcome sa pamilya namin!", I yelled. Gulat namang napatingin samin ang mga costumer.

Napakawalang modo na bata ano

Tsk hindi man lang sinuportahan ang nanay

Naku, kung ako yung nanay nyan, kanina ko pa yan kinaladkad sa labas! Napakabastos, hindi man lang ginalang yung desisyon ng nanay!

Akala ko naman pag mas bata, mga open minded at hindi maissue.

Ano naman kung mag-aasawa ng mas bata ang nanay nya? Naku, siguro spoiled na pinakalaki itong batang to.

Mas humigpit pa ang yukom ng kamao ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinampas ko ang mesa at tumayo. Nagsikuha naman sila ng cellphone at nagsimulang magvideo.

"Alam ko ang iniisip ninyo, na wala akong kwentang anak, na hindi ko ginagalang ang desisyon ng nanay ko, pero anong karapatan nyong manghusga?! Ha?! May mga karapatan ba kayo?! Kayo ba ang nasa posisyon ko?! Hindi diba?! Kung manghuhusga kayo, tignan nyo muna ang sarili ninyo at isipin kung hindi rin ba kayo kahusga husga!", sigaw ko. A deafening silence befell, lumabas na ako at agad naman akong sinundan ni mama at nung nobyo nya. Padabog na tinulak ko ang nanay ko na natumba naman sa sahig. I gasped when I saw her groaned in pain.

Act I: Operation Arcanemesis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon