CLEOPHEE
Ilang araw na akong hindi pumapasok, nakabalik na kami sa bahay at naipalinis na namin ang kasulok-sulukan ng bahay para sa safety namin. Ilang araw narin akong sinasamahan ni mama, we don't really talk dahil hindi naman ako bumabana mula sa kwarto ko, hinahatiran nya lang ako ng pagkain sa kwarto kaya hindi narin ako lumalabas.
Sa pagkakabilang ko, I've been away from the world for 4 days. Madami narin siguro akong lessons na namiss.
Hindi ko parin nakontak ang kahit sinong myembro ng TNW. Nalaman ko lang kay mama ang tungkol sa pagkakakulong ng lalaking kumidnap sakin at sa mga kasong kinaharap nya, wala nang iba.
Hindi ko sila nakita nung lumabas ako ng ospital, did they even payed a visit?
"Cleo...anak, bumaba kana muna", Mom moaned.
Hindi na ako nag-aksaya ng enerhiya na sumagot at bumaba nalang. Nakita ko naman ang apat na pamilyar na mukha sa sala ng bahay namin. It's them, the group. Mabilis akong sinalubong ng yakap ni Memphis.
"Omg! I missed you! Kamusta kana? Ilang araw kang hindi pumasok!"
"I-I'm okay", I bitterly smiled. Nalipat naman ang tingin ko sa tatlo. By the looks of them, mukhang si Morrigan lang ang masayang makita ako but their thoughts said everything for them. Napangiti naman ako at tinapik silang pareho. "Salamat sa pagbisita"
"Ayos naba pakiramdam mo?", Atlas asked. Tumango ako at ngumiti.
"I've been resting a lot, wala na nga akong ibang ginawa"
"Namayat ka, kumakain kaba? Bakit namamayat ka?", tanong ni Memphis at inaangat pa sa ere ang braso ko. "You're so skinny!"
"I'm eating, but not the usual size of a meal that I use to have, nakakawalang gana ang maconfine sa ospital"
"You should eat more"
"Nandito kami para sunduin ka, I know kailangan mo pa ng pahinga pero kailangan karin namin....", nanlulumong mukha naman ang iniharap ni Morrigan samin.
"Why? Anong nangyari?"
Nakita ko namang siniko ni Atlas si Morrigan pero hindi nya ito pinansin. "Nung nasa ospital ka palang, nalaman naming may nagkonekta pala kay Alaric sa kaso ni Aeris, nakita daw nila yung pirma nya sa diary ni Aeris"
"What?"
"Coming here was a mistake, problema ko to at labas na kayo don—", tumayo naman si Alaric at akmang lalabas pero agad syang hinawakan sa braso ni Atlas.
"Bro, you're the leader, at pag ang leader, sugatan, sugatan din ang mga myembro nya. Your problem is our problem too kaya kailangan nating harapin ang kaso ng magkasama"
Problema na naman? Kakagaling lang namin sa isa pang problema pero may panibago na naman. When is this gonna end?
"Tell me the whole story", tanging sabi ko at pinakinggan ang dalawa na magkwento.
Nagbihis na ako at nagpaalam na babalik na ng school.
"What? No? Kailangan mong magpahinga!", alalang sagot ni mama.
"Kailangan ako ng grupo ko", tanging sagot ko at umalis na. I didn't turn my back dahil ayokong magbago ang isip ko. Mom and I have been so distant lately, simula nung dumating sa buhay nya ang Yukias na yon. Narinig kong nakwento nya sakin ang pagbisita ng Yukias nayon sakin sa ospital. Funny how she flooded her story with positiveness as if hinahampas sakin ang mga bagay na ginawa ng lalaking yun sa mga araw na wala akonv magawa kundi ang humilata.
Nakarating kami sa school, halata naman ang gulat na expression ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.
"She's back"
BINABASA MO ANG
Act I: Operation Arcanemesis (Completed)
Mystery / ThrillerA typical highschool teenager wanted to live peacefully despite her dangerous power of reading people's minds. When she reach senior high school she didn't know she will witness such crimes. Crimes that will pull her back to a life that she wanted t...