Chapter 1: Angel of Death

74 2 0
                                    

BROOKLYN

An internationally known businessman found dead at his apartment.

Mitsuko Chua, a 55 year old business tycoon found dead at his apartment yesterday at 5:30pm by a cleaning staff. Mr. Chua was believed to be dead for 2 days until found. Identify of the killer is still unknown.

Monday, June 5th 12:40pm

-

Nakangisi ako ng marinig ang balita sa radyo. Isang kurakot na businessman ang pinatay. Bagay lang sakanya yun. That's what I call a good riddance.

“Brooke, can you get the screw driver?” tanong ni dad sa'kin

“Flat or phillip?” tanong ko dito, hindi man lang specific para hindi masayang yung laway

“Yung flat Brooke, kagaya mo” tugon nito

Tinaasan ko naman siya ng kilay “Dad”

Tumawa naman siya at napairap nalang ako. Kinuha ko na yung screw driver at inabot sakanya.

Habang inaayos niya yung lumang BMW ay tiningnan ko lang siya at paminsan-minsan ay tumutulong. Yan lang man talaga ang natira dito sa shop ni dad kaya wala akong magawa.

Isa pala sa father-daughter bonding namin ni dad ay ang pag-aayos ng mga sasakyan sa shop na pagmamay-ari niya. 'Yan din ang isa sa mga normal bonding time namin.

“Umm, hello?” biglang may nagsalita sa likuran ko

Nilingon ko ito at bumungad sa'kin ang isang babaeng kasing-edad ko lang. Mahinhin at tila di makabasag pinggan. Pero never judge a book cover ika nga.

Nilapitan ko ito at nginitian “Good morning, how may I help you?”

Lumingon-lingon pa ito na parang mali ang napuntahan at tumikhim “I need a help on a project, can an Angel help me?”

Napangisi lang ako “Wait here”

Lumapit naman ako kay dad “Grim”

Biglang sumeryoso ito at nilingon ako “Take the client, I still have business to deal with a drug dealer in Sulu. My flight will be at 2330”

Tumango ako at binalikan ang kliyente “Follow me”

Pumunta ako sa likod ng repair shop at pumasok sa isang kwarto na tamang-tama lang para sa apat na tao. Naguluhan naman ang kliyente kaya napangisi lang ako.

“Hold on” utos ko

Napakunot ang ulo nito tatanong na sana siya ng biglang bumaba ang tinatapakan namin. An elevator kung hindi man halata.

Ng hindi na gumalaw ay lumabas na ako at bumungad sa'kin ang opisina namin na naka laan para sa mga ganitong sitwasyon.

Umupo ako sa isang swivel chair. Pagewang-gewang namang umupo ang kliyente sa tapat ko.

“Welcome” panimula ko “Angel of Death at your service. How may I help you?”

“A-angel of Death is a s-she?” nauutal na komento ko

Humalakhak naman ako “Of course. What did you expect, a muscular and handsome prince?”

Napalunok naman siya “I'm s-sorry”

Umiling lang ako “Nothing to be sorry about dearly. Now, what can I be a service of?”

Binigyan niya ako ng letrato ng isang lalaki nasa mid thirties nito. May itsura pero manyak ang dating niya.

“That's my stepfather” saad niya “I w-want you to take care of him”

Tumango naman ako “He did something didn't he?”

Parang nagulat siya sa tanong ko pero unting-unti namang tumango. Umigting naman ang panga ko. Hindi ko man naranasan yan, pero galit na galit ako sa mga lalaking mapagsamantala.

“I'll take care of him, don't worry” paniguro ko sakanya

Ngumiti naman siya “Thank you!”

Inabutan niya ako ng isang maliit na bag. Ng tignan ko ang laman na komperma kung pera yun, atleast a few hundred dollars.

•~→†←~•

Nandito ako ngayon sa isang kalenderya. Hindi naman mahirap hanapin dahil may kaibigan naman akong gagawa nu'n at sa kabutihang palad ay sa Pilipinas lang matatagpuan ang gago.

Pumasok ako at binati niya ako. Saktong-sakto na siya lang ang tao dito. Agad ko namang napansin ang pagtingin niya sa mga binti ko dahil naka-shorts lang ako.

Oh how I can't wait to kill this bastard.

Ng pumasok siya sa kusina sumunod ako. Hinanda ko na yung baril ko ng may matigas na bagay na nakatutok din sa ulo ko.

“Put your gun down and hands behind your head” utos nito

Sumunod naman ako pero ng poposasan na niya ako ay agad ko namang naagaw ang baril niya at pinaputukan siya sa binti. Hinampas ko naman ang baril sa ulo ng pulis kaya nawalan ng malay.

Tinignan ko ang target at nanginginig na sa takot. Agad ko naman siyang pinaputukan sa ulo. Hindi naman ako nakontento ay kinuha ko yung kutsilyo. Sasaksakin ko na sana ito ng may hinampas sa ulo ko at nawalan ako ng malay.

“This is Agent Alexander, we caught the Angel of Death. I repeat we caught the Angel of Death”

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon