Chapter 4: Cipher

28 1 0
                                    

STACEY

Napa-hikab ako ng matapos ang shift ko sa pinagtrabahuhan kong call center. Habang bumababa ako sa hagdan, nararamdaman ko na May sumunod sa'kin.

Agad ko naman siyang nilingon “What do you want, Carter?”

Ngumiti naman siya “Have you thought about it, C?”

“I already told you Carter, it's a no and that's final” may diin kong sagot

Si Carter ay isa kong mangliligaw pagkatapos ng ilang araw, tinanggihan ko na agad siya.

“Bakit hindi?!” mala sigaw niyang tanong “Other girls will do everything to see me smile!”

Inilingan ko nalang ang taong nasa harapan ko “It's because I'm not like those other girls. If you want you can hook up with Emily, she'd died for you”

“But I want you, baby” biglang huminhin ang boses niya

Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya ngayon. Ang tigas-tigas ng ulo, a no is a no!

“Answer me this Carter, if you were to choose between me and your job what will you choose?”

Kumunot ang noo niya, pero kahit naguguluhan sumagot siya “You, I'll pick you Stacey”

“If you were to choose between me and a hundred dollars, who or what will you choose?” tanong ko muli

“You, I'll choose you” sagot niya muli na walang alanganin

“If I'd ask you to set aside your work for a movie or two with me, would you agree?” tanong ko sakanya habang tinitingnan siya sa mata

“I would agree with you, baby, always” may sinseridad niyang saad

Ngumiti ako sakanya “Then we won't work, you choose heart over brain. What would you feed me if ever or will you ask me to work for you?”

Iniwan ko siya du'n habang nakatulala. Mataas ang hangad ko sa isang lalaki, yan ang dahilan kung bakit wala akong jowa o M.U. kahit isa sa buong buhay ko.

Mas pipiliin kong maging matandang dalaga kaysa magpakatanga sa isang lalaki.

•~→†←~•

Dahil wala akong magawa dito sa bahay, pumunta ako sa computer ko at pumunta sa isang website.

Napataas ang kilay ko ng makitang nahuli na ang Angel of Death.

Kinuha ko yung baso ko na may kape at uminom ng kaunti. Nalaman ko din na nakipagnegosasyon ang mga pulis para mahuli ang ilang kriminal, halos mailuwa ko ang kape sa computer ko ng makita ang pangalan ko doon.

“T-they won't find me, right?” kinakabahan kong tanong sa sarili

Umiling lang ako. Imposible nila akong makita, maliban sa secured yung computer ko ay hindi ako lalabas ng lalabas tulad ng ibang kriminal sa listahan.

Hindi nila ako malinlang ng ganun-ganun lang. I am Cipher, I hacked the US Government in boredom for Pete's sake!

Mas mabilis pa sa alas-kwatro ay may ini-inpute na mga bagay para masiguro ang kaligtasan ko at kasiguraduhan ko.

Sa gitna ng ginawa ko may nakita akong nag-message sa'kin.

“[Find **** ******* for me]” sulat nito “[I'll give you $500 for it]”

Biglang nagniningning ang mga mata ko ng makita ang halaga ng pera na makukuha ko, tamang-tama lang para sa mga bayarin sa hospital!

Kahit hindi ako tumatanggap ng pera sa ganoong bagay ay nasilawan ako sa pera na pinangako niyang ibigay kapag nakita ko ang taong yun.

Iniwan ko muna ang mga ginawa ko kanina at sinimulan ang paghahanap ng taong yun. Ilang oras na ako dito at wala parin akong nakuha kahit kaunti sa taong yun.

“Bakit ba napaka-misteryoso ng lalaking ito?!” singhal ko

Nagbugtong-hininga ako at pinagpatuloy parin ang ginagawa. I got to find something about this person, nobody can hide from Cipher.

Sumigaw ako sa tuwa ng biglang lumiwanag ang isang tuldok sa mapa. Napangisi ako, pero nawala yun ng nagsiliwanag ang iba't-ibang tuldok sa lahat ng mga major cities sa mundo.

Napasabunot nalang ako sa noo “What now?”

Taping my fingers, tutok ako sa mga pulang tuldok sa mapa. May paraan para mahanap ang taong yun, naniniwala akong may paraan talaga.

Pero bigla akong napangisi. Hinanap ko lahat ng mga signal na pinagmulan ng bawat tuldok at hinanap ang source nito, kaunti ng pakaunti ang mga pulang tuldok sa monitor.

5 dots, 4 dots, 3 dots, 2 dots and— got you sucker.

Sisigaw na sana ako sa tuwa ng nakita kung nasaan ang address ng target.

Nasa Pilipinas, palapit ng palapit hanggang ipinakita ang isang lokasyon na ikinanganga ko— He's at my house.

“Cipher, you are under arrest for hacking multiple websites including the US Government” saad ng isang hindi pamilyar na boses sa likuran ko

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon