YVONNE
Nasa van na kami ngayon. Si Theo ang nataasang mag-drive at pumayag naman siya.
Nandito ako sa middle row habang nasa front row sina Brooke at Stacey, nasa panghuling row naman si Heaven at Elliot.
Si Heaven parang wala sa sarili na nakatingin sa kawalan habang si Elliot naman nakapikit ang mata at parang natutulog na.
Alam mo bang, napaka-pamilyar ni Elliot, parang nakita ko na siya noon hindi ko lang matandaan kung saan.
Ilang minuto ang nakaraan ay nakatulog na si Heaven at nasandalan niya ang balikat ng natutulog na si Elliot. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita, bagay sila.
Tinignan ko naman si Stacey na natutulog sa hita ni Brooke na hindi parin mapinta ang mukha. Gusto kong matawa eh kaso nga lang baka mapatay ako ng wala sa oras. Hindi yan pwede ano! Mawawalan ng magandang lahi ang mundo at sa tingin ko kailangan ng mundo ang mga magandang kagaya ko.
Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang matagal pa ang byahe namin kaya naisipan kong matulog muna.
•~→†←~•
Nagising ako ng tawagin ako ng mga kasamahan ko. Nandito na pala kami.
“So, before we go out we need to settle rules” saad ni Theo
Tumango naman ang lahat syempre maliban kay Brooke na may galit sakanya na kung pwede palang matagal na niyang patayin ang ahente.
“First, I'll give you weapons” saad nito kaya nagniningning ang mata ni Brooke na parang nanalo sa lotto “But no killing innocent people and I'm looking at you Santos”
Tumawa naman ito ng mapakla “I'll try but if they'll get into my nerves I'll smash there head unto the ground and drop there heads with a block of cement”
Hindi ko naman mapigilang matawa sa sinabi niya. Wala talagang kinatakutan ang babaeng ito, siya naman pala ang Angel of Death diba?
“Next is, no telling anyone about the mission” wika pa nito “This mission is classified so no one can know about it, got it?”
“This mission is too classified that even us doesn't know a thing about it except for we need to go college for it” sarkisadong komento ni Brooke
Huminga ng malalim si Hendrickson para pakalmahin ang sarili “About that, we'll talk about it after class. Meet me as the gymnasium 5pm sharp”
Tumango nalang kami.
“About the courses, I will be taking BSBA in Business Economics” tugon niya
“Because I already graduated, I'll just be taking my master's degree” Heaven added
“Aeronautical Engineering sa'kin” nakangising saad ni Elliot
“Bachelor in Fashion Design and Technology and nakuha ko!” puno ko
“Computer Science” tipid na saad ni Stacey
“Criminology sa'kin” saad ni Brooke
Napatingin kaming lahat sakanya. Isang criminal gustong mag-criminology? Gustong-gusto kong tumawa pero napaka-seryoso ng mukha niya kaya huwag nalang.
“What?” tanong niya “Wala namang kurso para pumatay ng tao, at criminology ang pinakamalapit”
“Hindi kaya tinawanan ka na ni Adrian?” tanong ni Elliot
Kumunot naman ang mukha naman maliban sa kanilang dalawa.
“Yung assign sa pagrehistro satin” sagot ni Elliot ng makita ang nagtatakang mukha namin
Mas kumunot ang noo ko “Hindi kaya magtaka ang mga estudyante kung bakit ang isang babaeng mala popular kid ang dating nag-criminology?”
Tumawa naman si Brooke “Pakealam ba nila?”
Kung sabagay naman.
Lalabas na sana sila ng sumigaw ako “Wait!”
Napalingon silang lahat sa'kin at bumalik sa kani-kanilang upuan “Hindi bagay ang Brooke sa persona mo ngayon, we'll call you Nicole for now on”
Kumunot naman ang noo niya “Fine”
•~→†←~•
Habang naglalakad ako patungo sa magiging classroom ko, naisip ko na napakaswerte ko.
As a fashionista, masaya akong tungkol sa fashion ang magiging kurso ko. Bachelor of Fashion Design and Technology ay nagmula sa Paris at iilan lang ang mga paaralan na mayroong ganoong klaseng kurso kaya napaka-swerte ko naman!
Ng makapasok ako sa classroom agad akong umupo sa isang bakanteng upuan sa bandang gilid kung saan malapit sa bintana. Napansin ko lang na karamihan sa mga kaklase ko ay mga babae at mabibilang lang sa kamay ang mga lalaki at kadalasang mga bakla pa.
Ng dumating na ang profesor namin, parang hindi naman yun napansin ng mga kaklase ko dahil hindi parin nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan. Tumikhim ang babae naming profesor namin pero parang ako lang ang nakarinig nu'n.
“Ok class, we are going to do an activity today” magic word para magsi-upuan ang mga Kano kong kaklase
Kumikinang ang kanilang mga mata kaya nagtataka ako. Bakit kaya?
Pinalabas kami sa silid at pinapunta sa isang silid na tinatawag nilang Fashionista's Heaven.
Pero ng buksan ito, parang naluwa ko ang mga mata ko sa nakita. Isang kwarto na napakaganda talaga.
May mga naka-display na mga damit at mga dress, may tag-iisa kaming working station kuno at higit sa lahat kompleto sila sa mga kagamitan. Lahat ng shade ng iba't-ibang kolor ay meron sila! May mga beads at botones na napakaganda ng mga desenyo.
May nagsasabi sa'kin na maganda ang magiging stay ko dito sa paaralang ito.
Mamaya ko na alalahanin ang misyon na wala akong ideya kahit kaunti man lang, ngayon I'm staring at my heaven at hindi ko sasayangin ang bawat segundo ko dito.
Fashion is my forte and my life, and this is just a dream come true at nakakatawang isipin na dahil nadakip ako ng mga pulis ay napunta ako dito.
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
ActionFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...