Chapter 5: Bitter Sweet Laugh

35 1 0
                                    

ELLIOT

Nandito ako ngayon sa isang silid, naghihintay sa kapatid ko.

No, hindi para magkamustahan o kung ano, kung hindi para kunin ang pinagkasunduan namin. Pagkatapos ng ilang minuto, bumukas na ang pinto at iniluwal ang kakambal ko.

“Elliot” pagbati niya sa'kin

Tumango ako at bumati rin “Eric”

Ngumisi naman siya “Where is the money?”

Bumugtong-hininga ako, pero bago ko pa ibigay 'yon ay nagsalita muna ako “You can still change, brother”

Tumawa ng malakas ang kakambal ko na tila nagbibiro lang ako “I'm sorry Elliot but I cannot do so”

Magsasalita na sana ang kakambal ko ng may biglang pumasok sa silid. Sa pagkakaalam ko ay isa ito sa mga tauhan niya. Hingal na hingal ito at tila hindi mapakali.

“Nakatakas ang mga babae!” sigaw nito

Bigla kong kinuha ang suitcase na may laman na pera at umalis sa silid. Ako na mismo ang huhuli ng mga babaeng yun, mga taong hindi dapat namumuhay.

Gustong-gusto ko talaga silang patayin pero pinagbawalan ako ni Agent Hendrickson, isa sa mga higher ups. Hindi sila karapat-dapat mamuhay pa, sa lahat ng nagawa nila!

Bago pa ako lumayo nilingon ko ang kakambal ko “The deal is off”

ERIC

“Nakatakas ang mga babae!” sigaw ng isa kong tauhan na halos magwawala na sa inis at takot

Kumunot ang noo ko at malaman yun. Nilagay sila sa isang silid na hindi basta-basta matatakasan.

Gawa mismo yun sa mga siyentipiko sa ibang bansa at ginagamit ko yun sa mga pinakamahirap na mga assignments. Ginamit ko lang yun sa apat dahil malaking halaga ang nakalaan sa kanila.

Isip ako ng isip kung paano nila nagawa yun. Pero kahit isa-isahin ko ang mga posibilidad malabong makatakas sila, lalo na kung silang lahat ang nakatakas.

Mga babae lang sila, how could have this happened?

“The deal is off” bumalik ang diwa ko ng magsalita ang kakambal ko

Ng tignan ko ang silid, wala na ang pera at dala-dala niya yun. Babarilin na sana siya ng kasama ko ng pigilan ko siya. Nagtataka siya nu'ng una pero sumunod nalang siya at hindi na nagtanong pa.

“Ano pa ang hinihintay mo? Hanapin sila!” may diin kong utos

Kinuha ko ang baril ko at ilang magazine ng bala at tumakbo kasunod ng tauhan ko. Ito ang huling pagkakataon para makuha ko ang pera, hindi na dapat pumalpak kaya tutulong ako.

YVONNE

Umiling nalang ako ng makalayo ako sa kulungan na yun.

Ng tignan ko ang sarili ko sa salamin gusto kong murahin ang mga tao dito. Ang pangit ng suot ko! Ang simple simple ng damit at pants, at kulay kahel pa, hindi siya bagay sa mga gaya ko. At wala pang saplot ang mga paa ko!

Napangiti nalang ako ng makita ang mga baril at ilang magazine sa isang lamesa malapit sakin. Lumapit ako du'n at kumuha ng dalawang twin guns at ilang magazine.

“It's not my Diamond Handgun but it'll do” mahina kong komento

Gaya ng nakasanayan ko, lumibot-libot ako sa gusali para maiwasan ang ilang camera. Hindi ganoon ka dali ang ginawa ko dahil una sa lahat kahel ang suot ko, pangalawa napadami ng mga camera ng gusaling ito at panghuli ay hindi ko kabisado ang ma pasikot-sikot sa lugar na ito.

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon