BROOKE
Nandito na kami sa dorm namin, na simula ngayon hanggang matapos ang misyon ay dito kami maninirahan.
Maganda ito at katamtaman lang para sa aming apat. Kung pumasok ka, ang unang makikita mo ang isang maliit na sala na may sofa tamang-tama lang para sa apat na tao. May maliit din na kusina na pwede sa dalawang tao at dining area na pang-anim na tao. Tig-iisa ang silid namin at may isang C.R. na may shower.
Dahil gabi na kami natapos, dito na kami sa dormitoryo namin kakain. Ako ang nagpresentang magluto dahil ako lang ang marunong magluto samin at na-miss ko na din ang magluto.
Sina Heaven, Stacey lang at Elliot ang nandito. Sabi ni Yvonne na magpapahangin muna siya habang may inasikaso naman si Hendrickson.
Kumunot naman ang noo ko ng maalala kong bawal ang lalaki sa girl's dormitory “Hoy Elliot”
“Yes?” tanong niya
“Bakit nga ba nakapasok dito?” tanong ko
Kumunot naman ang noo ni Heaven ng matandaan niya yun “Oo nga! Tinutukan mo ang mga guard ng baril no'?”
Tumawa naman ang loko “Don't sweat it, I have my ways”
Hindi na nalang namin pinansin dahil wala naman kaming makuhang matinong sagot sa lalaking yun.
Habang naghihiwa ng sangkap biglang pumasok si Yvonne na namumula. Para ring ang lalim ng iniisip niya dahil nakatingin lang ito sa kawalan.
“Yvonne?” tawag ni Stacey sakanya para naman itong natauhan at tumingin sa gawi ni Stacey
Hindi naman nagtagal at tumingin siya sa gawi ng ahente “Hindi ka naman gwapo ah”
Nalaglag ang panga ni Elliot sa komento ni Yvonne pero wala naman itong pakelam at pumasok na sa kanyang silid.
Narinig ko naman na tinatawahan ng dalawa ito kaya napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginawa.
Hindi naman nagtagal at bumukas muli ang pinto at iniluwal nito ang ahenteng walang ekspresyon ang mukha, as always.
Ng nakita niya ako agad namang nanlaki ang mata niya at tinutukan ako ng baril. Kumunot ang noo ko pero agad ko namang natandaan na nakahawak pala ako ng kutsilyo.
“Huy, Masyado kang paranoid nagluluto lang ako!” sigaw ko kaya unti-unti niyang binaba ang baril
Binalingan ko ang tingin ang tatlong nasa sofa at nanood ng tv, nakatingin pala samin at pinipigilang matawa sa nakita.
•~→†←~•
Ng matapos akong magluto ay naghanda ako ng lamesa namin, tamang-tama dahil anim ang upuan nito.
Unting-unti na nagsidatingan ang mga ito at umupo sa mga bakanteng upuan. Ng makarating na ang lahat, nagsimula naman kaming kumain.
Habang nasa gitna na ako sa pagkakain, nakita ko si Hendrickson na hindi ginagalaw ang pagkain. Nasa harapan ko lang siya kaya kitang-kita ko ang duda sa mga mata niya.
Akala niya bang lasunin ko siya? Natawa ako ng palihim sa nakita ko.
“Hoy, wala yang lason” saad ko kaya napatingin siya sa'kin
Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya tumikhim siya “Just making sure”
“Oh trust me, that's the last thing you'll die from” panigurado ko “If I'm the one who are going to kill you, I'll do it nice and slowly”
Sinamaan niya ako ng tingin at sinimulan ng kumain. Napailing nalang ako at pinagpatuloy kumain sa niluto ko.
ELLIOT
Dahan-dahan kong kumain sa inihanda ni Nicole.
Hindi ko alam kung paano, pero unti-unti na nila nakuha ang tiwala ko. Alam ko, isa akong palabirong tao pero sa likod ng palabirong taong ito ay isang lalaking pinakong papatayin ang lahat ng kriminal.
Pero nagbago lahat ng yun ng makilala ko ang apat na kriminal na nasa harapan ko ngayon. Kahit na kriminal sila, hindi parin nawala ang puso nila may dahilan sila kung bakit sila naging ganyan.
Ng mamatay ang kuya ko na isang ahente rin, pinako ko sa sarili na papatayin ko lahat ng mga walang pusong kriminal pero tignan mo ngayon nasa hapag-kainan ako kasama ang mga kriminal.
Sinulyapan ko naman ang katabi ko. Isang kriminal na nakapatay ng maraming tao. Isang kriminal na nakagawa ng iba't-ibang kasalanan sa batas ng tao at langit.
Palihim akong natawa habang tinitingnan siya. Kung tignan mo siya hindi mo maikalang isa itong napaka-delikadong kriminal.
Ng tignan ko ang mga kasama ko, para lang silang mga normal na mga estudyanteng gustong makatapos. Tumatawa kasama ang mga kaibigan, at kung ano pa. Pero sa likod ng tawa ay sangka damakmak na masakit na alala.
Ngumiti ako ulit at kumain muli. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makitang nagkukulitan sila.
Bigla natigil ang mundo ng makita ko siyang ngumiti. She is Lady Minx after all, she deals with illegal drugs, stoles internal organs, and I think she is slowly stealing my heart.
I know it's stupid. Isang agent ng goberno umiibig sa isang kriminal, pero eto kahit anong gawin ko gumigiba ng gumigiba ang dingding na inilagay ko.
An agent and a criminal, what could go wrong? Mahina akong natawa sa iniisip.
Umiling nalang ako at pinagpatuloy kumain na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
AksiFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...