STACEY
Biyernes na at kakatapos na ng pasok ko. Napagdesisyunan kong pumunta sa gymnasium para manood sa kanila ni Yvonne at Nicole.
Ng makarating ako, dinig ko agad ang mga cheer at kung ano ano pang mga tinig mula sa gym. Ng makapasok ako, nakita ko si Heaven kaya tumabi nalang ako sakanya.
“Kanina ka pa dito?” tanong ko ng makaupo na ako
Tumango siya habang nakatingin parin sa mga nag-eensayong cheerleaders “Wala yung guro namin sa huling dalawang subject at nangako naman ako kay Yvonne na manood sa practice nila kaya pumunta ako dito”
Lumapit ako sakanya at bumulong “May lead na ba tayo sa misyon?”
Umiling siya at nagpakawala ng isang malalim na bugtong-hininga “Sadly, not yet”
Tumango nalang ako at binaling ang atensyon sa harap.
“Oh come on!” matinis na sigaw ng isang babaeng blonde “It's just an easy routine, why did you join the varsity if you can't even do that?!”
Nahihiyang napayuko ang isang babaeng kulay dugo ang buhok. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong naluluha na ang mga mata niya.
“Can you shut the fuck up?” biglang saad ng isang babae, pero ng titigan ko pa ito napagtantohan kong si Nicole ito a.k.a ang Brooke namin
“Excuse me, who are you?” taas kilay na saad ng masungit na mukhang coloring book ang mukha
“I am Brooke Nicole Concepcion Akana Santos, the one and only” pagmamalaking saad niya “And who are you to tell her that? You are not even the cheer captain?!”
“My father is th—” hindi natuloy ang kanyang sabihin ng tumawa ito “What is wrong with you?”
“I asked who you are, not your father” biglang sumeryoso ito at dumilim ang mukha, napa-atras ng bahagya ang kasagutang blonde “And, to be honest she did wonderful. You on the other hand looked like a fucking thin twig that'll break any second from now, not to mention your voice sounds like a dying goat”
Napasinghap ang lahat ng mga babae, natatawa naman ang ibang nanonood.
“Fuck” bulong ni Heaven pero narinig ko parin yun
Nilingon ko naman siya “Why?”
“That bitch is Vivory Grace Mcillon, Yvonne's classmate” sagot niya
Bigla kong naalala ang nangyari nu'ng nakaraan. Si Yvonne nagta-trantrums sa sala habang minumura ang kaklase niya raw.
Kumunot naman ang noo ko ng makita ang babae na pinagalitan kanina. Nasa likod siya ni Yvonne, habang nagsasagutan parin ang dalawa.
She looks familiar, hanggang sa naalala ko kung saan ko nakita ang mukha niya “Isn't that Mr. Heartily's daughter, her heiress?”
Kumunot naman ang noo niya “The Heartily's, how did you know them? Akala ko kaunti lang ang alam sa pamilya nila?”
Tumawa ako ng nakitang gulat ito “You forgot who I am, Ms. Andrew”
Sasagot na sana siya ng nakarinig ng sigawan. Ng lumingon ako, hindi na ako nagulat ng nakita kong nakapatong si Nicole sa kay Grace kuno habang sinampal-sampal pa niya ito.
Tutulungan na sana siya ng mga kaibigan slash alipones niya ng tignan ito ng masama ni Nicole kaya napa-atras nalang sila.
Parang nagpapanik na lahat sa gymnasium maliban sa aming tatlo na alam na ang gagawin ng babae.
Hindi na ako nagtaka ng ilang minuto ang nakaraan ay may dumating ng mga guro. So ayun bagsak Dean's office ang kaibigan naming mamatay tao.
•~→†←~•
Nasa sofa kami ng dorm, alas syete na ng gabi pero hindi parin bumalik ang gagang nakipag-away.
Ng marinig ang pinto naming halos magiba na sa lakas ng pagkasirado, napatingin na agad kami kay Nicole.
Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa makaupo siya sa tabi ni Yvonne.
“Ano na?” unang nagtanong ang katabi nito
Umirap ang babae “Ayun, dahil first offense ko pa raw ay pinalaya ako at warning lang ang natamo”
Natawa naman kami “How I wish I could see Vivory's beaten up face”
“Oh, bakit hindi parin maipinta ang mukha mo?” tanong ni Heaven naman at hindi parin nawala ang American accent niya
“Ang bwisit nagsumbong sa tatay, nagpadala ng death threats” irap na saad nito
At dahil dun humagalpak pa kami ng tawa. Halos hindi na kami makahinga sa kakatawa habang wala paring buhay ang mukha ni Brooke.
“Tapos?” tanong ko habang tumatawa
“Mga puta, nag-text sa'kin para asintahin ang sarili”
At dahil sa sinabi nito ay hindi na mapigilang tumawa ng walang bukas.
Pumasok naman siya sa kwarto, habang tumawa parin kaming tatlo na parang takas sa mental.
Ilang sandali palang, bumukas ang pinto at iniluwal ang dalawang lalaki habang kunot ang noo ng makita ang kalalagyan namin.
“Sinabi mong ok lang na iwan na'tin sila, tignan mo ang nangyari ngayon” bulong ni Agent A pero rinig na rinig ko parin yun
Umiling nalang si Agent H at tumikhim “I have an actual mission for you, infiltrate and arrest”
Bigla kaming nagsitayuan at nakangisi kaming nakatingin sa dalawa.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Nicole at kitang nakabihis na ito “Took you boys long enough”
“Should I be scared?” bulong ulit ni Agent A ng makitang mala demonyong ngisi ng Angel of Death
I scoffed “Being scared is an understatement, Agent”
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
ActionFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...