Chapter 23: Professor J

13 1 0
                                    

STACEY

Umupo ako sa isang stool at nag-order ng isang shot ng whiskey habang hinihintay ang lalaking yun.

Habang naghihintay, may lumapit sa aking kano. Hindi naman ako interesado at binalewala ko siya. Para siyang tangang kumakausap sa sarili pero hindi ko na problema yun.

Bigla ko nakita ang taong pakay ko kaya agad ko siyang nilapitan. Ng makalapit ko siya kinuwit ko ito at bahagyang napa-atras sa gulat, ng makita ako nakahinga ito ng maluwag at kinaladkad ako palabas.

Ng nasa parking lot na kami, malinaw ko ng makita ang kabuuang mukha niya. Messy brown hair with blue eyes, his perfectly sculpted nose and redish lips, nakita ko yun kahit nakasuot siya ng malaking salamin.

Parang nailang siya sa titig ko kaya napalunok ako, napatawa naman ako ng bahagya “Nasaan na yung pinapadala ko, Mr. J?”

Si Mr. Jameson or mas kilalang Mr. J or Professor J, isang agent ng gobyerno na namamahala sa lab at mga inventions ng ahensya.

Inayos niya ang salamin at inabot sa'kin ang isang plastic bag, ng silipin ko ito para makasiguro ay nakita ko ang pagtitig niya sa'kin “Staring is rude Mr. J”

Bigla siyang napaiwas ng tingin “H-huh?”

I softly chuckled “I was just joking. Thank you for this pala”

He nodded while still avoiding eye contact “I'm Stacey Fernan, I believe we haven't formally met?”

Tinanggap niya ang inabot kong palad at nakipagkamay pero agad binawi. Napansin ko ring ang lamig ng kamay niya at nanginginig ito.

“I'm A-adrian Jameson” nauutal niyang sagot

Kumunot naman ang noo ko dahil dito “Are you perhaps, afraid of me?”

Nanlaki ang mga mata niya at agad umiling “No, no, it's not like that, it's just—”

Mas lalong kumunot ang noo ko ng hindi niya tinuloy ang sasabihin “Just what?”

Bumugtong-hininga ito “I'm a big fan of you, Ms. Cipher”

Ng sabihin niya yun ay agad namang umiwas ng tingin for the second time at nakita kong namumula ang tainga niya.

I chuckled “Ba't ba ang cute nitong lalaking ito?”

Agad niya akong tinignan habang namumula na rin ang pisngi niya “Y-you think I'm cute?”

“Nakakintindi ka ng Tagalog?” tanong ko at tumango siya

I feel blood rushing to my cheeks turning it a bright shade of red. Great, pati ako nagblu-blush na rin ngayon.

“Yeah, but I can't speak it” pag-amin niya habang napakamot sa batok

Ngumiti naman ako ng matamis “Bakit naman?”

“I am I fond of your country, Ms. Cipher” saad niya

“Stacey nalang at baka mabuking ako na wala sa araw” pabiro kong saad

“Ok, Stacey” saad niya, and finally he is looking at me!

“W-where are you planning to use that?” tanong niya habang tinuturo ang plastic kung dala

“I want to improve my laptop at tsaka ginagamit ko na rin ang taktikang ito noon” nagmamalaki ko “It boost laptop and it can have unlimited battery”

“What if you use two?” suhestiyon niya

Umiling ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga “Sinubukan ko na yan noon, kaya sumabog tuloy ang laptop ko”

Biglang nanlaki ang mata ko, nakalimutan ko si Heaven!

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nagtext ka Heaven na mauna na siya. Wala namang masamang mangyari sakanya diba?

“You forgot your friend?” tanong niya na may halong pagtukso “Such an example”

Inirapan ko lang siya “Now, he talks”

Biglang naging feeling close ang lalaki, yan ang gusto ko kanina pero ngayon binabawi ko na. Nadagdagan na naman ako ng sakit sa ulo, hay naku po.

“It's already late, we should head home” biglang saad niya habang nakatingin sa orasan niya na halatang mamahalin

Tumango ako sa pagsasang-ayon “Good idea”

“Do you have a ride?” tanong niya muli

Naalala ko bigla na nag-taxi lang kami ni Heaven papunta dito kaya nahihiyang umiling ako.

“If you want, I can give you a ride” pag-alok niya

“Hindi na, baka maabala pa kita” pagtanggi ko

“No, I'll drive you home” tugon niya sa pagtanggi ko “My conscience won't take it if you'll get hurt because of this, now unto the car”

Napatawa nalang ako at sumunod sakanya “If you say so”

•~→†←~•

Ng makababa ako sa tapat ng dormitoryo namin, nagpaalam na ako at nagpasa muli.

Dederetso na sana ako papunta ng dorm namin ng nakita ko si Yvonne sa may garden, may kausap na lalaki at kung hindi ako nagkakamali si Boss A or Mr. Eric Alexander yun. Ano kaya ang pinag-usapan nila sa ganitong oras?

Umiling nalang ako at pumunta na sa dorm namin.

Ng makapasok ako, agad kong tinungo ang silid para magpahinga. Ng nakahiga ako sa malambot kong kama, pinikit ko ang aking mga mata pero hindi parin ako makatulog.

Nakatitig lang ako sa puti kong kisame habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Woah, nahihibang na ako. Bakit ko ba inaalala ang nangyari kanina? Dahil ba nakilala ko ang isang taong may hilig rin sa hacking at pagpo-program? Hindi naman ako ganyan sa mga kaklase ko ah.

Dahil ba sa kanya? Oh, shit— no kakakilala lang namin. Hindi naman yun posible hindi ba? Hindi ko naman siya gusto, diba?

Napaupo nalang ako sa kama. This will be a long sleepless night...

Girls with GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon