BROOKE
Hingal-kabayo na kami ngayon pero nasa kalahati parin ang natirang kalaban.
Tinapon ko ang baril kong walang laman at kumuha ng panibago. Agad naman akong nagpaputok at pinatumba ang limang kalaban.
May aatake na sana sa likod ni Stacey ng unahan ko ito, agad naman itong bumulagta.
“Puta nasaan na ang gagong yun!?” tukoy ni Yvonne kay Boss A
Tumawa naman si Heaven at ngumisi “Miss mo na 'no?”
Tinapos niya ang dalawang kaaway at tsaka umirap “Malamang, mamatay na tayo dito hindi parin dumating ang hayop na yun”
Natawa nalang si Stacey habang umiiwas sa kutsilyong dala ng kalaban. Tutulong na sana ako ng may nagpaputok sa direksyon ko.
“Tangina, kitang may kausap estorbo mo tsong!” sigaw ko at hinagis ang dala kong dagger at sapul sa ulo yun
Napaatras ako ng sabay sumugod sabay ang limang lalaking doble ang laki sa'kin.
Umirap nalang ako “Are you that weak?”
Sasagot na sana ang mga ito ng sumabog ang isang granada. Natumba nalang ako at sinamaan ng tingin si Alexander.
“Your welcome?” patanong niyang saad
“Ikaw ang isusunod ko pagkatapos nito!” singhal ko
Pagkatapos mapatumba ang lahat, natumba kami dahil sa pagod.
“We should have thought that one through” hingal na saad ni Heaven na may sugat sa kaliwang pisngi at dumudugo ang tagiliran. Mukhang nakita niya ako nakatingin sa kanya kaya kusa itong sumagot “Daplis lang ng lintik na yun”
Natawa ako ng tinuro niya ang lalaking parang binuhusan ng asido sa mukha dahil hindi na ito makilala. Ano kaya ang itinurok ng babaeng ito?
“I'm a hacker” panimula ni Stacey “Paalahanin mo nga ako kung bakit ako nasali sa lintik na gulong ito?”
“Nadumihan tuloy yung damit ko!” reklamo ni Yvonne “Nasaan na ba yung Finagle na yun!?”
Napatingin kami sakanya, oo nga naman nasaan na ba yung ipis na nagbabalat tao na yun?
“You guys should stand up bago pa dumating ang ibang kalaban” Alexander the great agent said
Speaking of agent “Ay oo nga pala, nasaan si Hendrickson?”
Sasagot na sana si Yvonne ng marinig ang isang nakairitang halakhak.
“Mr. Heartily” ngumisi naman ito ng makilala ko siya
“Miss Santos the Lady Khrod” saad nito “Or should I say Ms. Death, Angel of Death”
Biglang kumunot ang noo ko. Expected ang pagdating namin pero paano sila nakahanda agad-agad? Kilala niya din ako kung dalawa lang ang nakakilala ng aking totoong pagkatao, si Dad at si— no hindi yun posible, right?
Bumalik ako sa kasalukuyan ng umaligawgaw ang sigaw ni Elliot. His shoulder is bleeding none stop, sinubukan ni Heaven na pigilan ito habang naluluha na.
“FACE ME LIKE A MAN YOU ASSHOLE!” sigaw ko sa galit
Hindi makagalaw si Stacey sa katayuan, si Yvonne naman ay kinuyom ang kamao na dumudugo na dahil may hawak pa itong kutsilyo.
“Not so fast sweetheart” saad nito na halos ikasusuka ko na
Bwesit ang kadiri ng lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Girls with Guns
ActionFour different girls, four different past, four different pain, and four different crimes. "What could go wrong?" Criminals recruited by the government to take down an even more dangerous mastermind. On the way, they will learn different things like...